A Travellerspoint blog

Where are the Twin Towers BFF?

sunny

I received an unexpected text this morning from my BFF.

Nag-aaya lumabas.

Aba? Nag-aaya ang busy. Ano nakain?

Nagreply ako.

"What time? Where?"

"McDo. 3PM. Wala ako kotours (pera) para mag mall" reply nya.

"Okay. See you boi" huling text ko sa kanya.

Umalis ako sa bahay around 2PM. Effortless ang sinuot na damit.

Short. Shirt at sneakers. At ang aking makasaysayang sling bag.

Inaanticipate ko na ang bagal ng byahe kaya maaga ako humayo.

Weekends kase. Walang pasahero. Walang estudyante.

Ayaw ko rin kase ng nalelate. Ayokong pinaghihintay mga kausap ko at higit sa lahat ayokong naghihintay.

Dumating ako eksakto sa oras na pinag-usapan.

Wala pa si BFF. Umupo ako sa may sulok at nagbasa ng libro.

Mag aalas kuwatro na wala pa.

Putakels. Ang tagal niya.

Matagal raw mapuno ang jeep kaya matatagalan. Text niya.

Lame excuse. Sabihin mo late ka lang talaga umalis sa iyong mayamang lungsod sagot ko. Pero sa sarili ko lang. Hehehe.

After 40 hours dumating din. Nakangiti.

Ako naman. Pawis na pawis. Wala kasing kuryente sa McDo.

Isarado na ang McDo. Walang generator.

Nagkaayan pumunta sa mall.

Imimeet namin si Samengay kasama pamangkin at hipag niya. Nangako kase manlilibre ng shawarma.

At miss ko narin ang kalokohan at ang yummy body niya.

Nagkita kami sa may supermarket. Malapit sa may masarap na shawarma stall.

"Anong okasyon at naka skirt ka?" tanong ko. Sabay yakap sa kanya.

So soft. So tender. Parang unan lang katawan niya. isang malaking unan. Hehehe.

"Bakit bawal ba? Eh bat ikaw nakashort ka?" birit niya.

"Bakit bawal din ba?" sabay tawa.

Nagyakapan din sila ni BFF. Tagal na rin kasi nila hindi nagkikita.

"Buti pa manlibre ka na lang ng shawarma bakes" hirit ko

"Wala ako pera. 200 lang pera ko. Kaw nalang sahod mo kahapon"

"Hindi pa ako nagsahod tangna. Sa Lunes pa."

"Ano manlilibre kaba? O aalis na lang kame

"Shawarma lang ah tang ina nyo. Walang panulak." pagmamakaawa niya

Tawanan kaming tatlo.

Ganun kami kung mag usap. May mura dapat. That is our way of showing how much we love each other.

Carinyo brutal.

Sa madaling salita. Nilibre niya kame ng shawarma at ako naman sa drinks.

Hindi kame maubusan ng kwento habang nginangasab ang shawarma ng passport.

"Errr, kumusta ka naman bakla? Ano na balita sa iyo at sa boylet mo?" tanong ni BFF. Sabay kuha ng tissue para punasan ang tumutulong chili sauce sa pagkain niya.

"Okay lang naman bakla. Complicatet." sagot ni sexy

"Ano yung dapat mong ikukwento sa akin?"

"Busy kase lagi kapag tumatawag ka eh".

"Ayoko. Ayaw ko manggaling sakin ang kwento" sabi ni Samenggay.

"Bakit tungkol ba kanino?" sabay tingin sa akin ni BFF

"Kwento mo na bakes. Sa atin lang naman ito".

"Alam ko na rin ang istorya pero ayoko rin manggaling sakin ang kwento" sagot ko sabay tingin sa kanilang dalawa.

"Wag na. Maselan kase masyado"

"Sige na bakes. Hindi na ako updated sa nangyayare." samong tugon ni BFF

Akma na sanang magkukwento si Samenggay ng bigla ko siyang inunahan.

"Eh kase si _____, tut tut tut tut tut.. E dahil sa bisyo kaya nangyare iyon. Tut.. tut.. tut... tut.. tut.. tut.. tut... Masahol pa lalo kase pati sahod ni _____ kinuha niya. Kaya ayun, tut... tut.. tut.. tut.. tut.. tut.. tut.. tut.. tut.. tut.. Kaya ngayon si ____ at si ____ hindi nag-uusap. Hindi na rin sila sabay kumakain".

Halos 2 minutes ako nagsasalita ng walang pause at habol hininga.

"Anooooo? Talaga?????? My God.." reaksyon ni BFF na may kasamang jaw drop.

"Eh si ___ alam na ba na alam mo bakla?" tanong kay Samenggay

"Hindi siguro alam. Kase ayaw ko rin unahan sabihin sa kanya na alam ko. Nag-aya siya last week pero hindi na rin niya nakwento" tugon niya

"Hay ang tagal ko lang nawala ganun na pala ang nangyari. Bakit ganun ang nangyare? Bait pa naman ni ___. Sayang" malungkot na sagot ni BFF habang kinakain ang huling kagat ng shawarma.

"Sana maayos."

"Sana nga" sabay sagot naming dalawa ni sexy.

After kumain ng deliciozong maalat na shawarma we went to National bookstore.

Bumili ako ng greeting card at ng ballpen. Lagi kasing nawawala ang pen ko sa opisina. Ninanakaw sa drawer madalas.

Mga 5:30 PM nagpaalam na si Sexy sa amin. Dala niya kasi yung sasakyan at kasama niya pamangkin niya.

Kahit masarap ang kwentuhan at matagal na kaming walang bonding, hinayaan na lang namin siyang umalis.

Nagpunta kami ni BFF sa Watson pagkatapos. Mega ikot ang ginawang drama. Ikot dito. Tingin ng product doon. Nagmistulang product researcher ang ginawa namin sa kakatingin at kakabasa ng mga beauty products. Pati female tampons inusisa.

Hindi ko maiwasang matawa sa kanya dahil nandiri sa instructional visual graphics on how to use the feminine tampons. Hahaha.

Naging product endorser na rin si BFF dahil sa mga living statement ng mga taong gumamit ng mga sabon na pampaputi.

Paki ko ba sa mga sabon sabon na iyan. Safeguard lang okay na. Sabon ng may konsensya. Di ba?

Halos kalahating oras kami nag-ikot ikot sa Watson. At ang nakakabaliw pa. Isa lang binili niya.

CY Gabriel beauty soap.

Hampootah yan. Tagal namin ikot ng ikot para sa CY Gabriel na sabon??? What the fuck.. Hahaha.

Nauwi sa window shopping ang mga sumunod na eksena. Nag-ikot ikot kame mula sa appliance center hanggang department store.

At dahil last week ay nag start na ako muling mag uniform, i decided to buy my leather shoes.

Ako na. Ako na ang mayaman. Ako na ang may maraming pera.

Naghanap na rin si BFF ng shoes. Boots actually.

Boots that are made for dancing sabi nga ni Jessica Simpson.

May nakita kami pero hindi niya binili. Hanggang tingin na lang daw muna.

Tag-hirap kase. Kaya hanggang tingin na lang muna.

Next time na lang daw siya bibili kapag nakaluwang.

Dahil ako ay isang mabuting kaibigan. Nilibri ko siya sa Tokyo Tokyo.

"Konbawa. Welcome to Tokyo Tokyo. Sir Maam" sabi ng cashier

"2 yakisoba. 2 miso soup at 2 red ice tea miss".

"For here?" tanong ni cashier.

"No. For there" naisip ko sabihin pero hindi ko ginawa. Hahaha.

"Okay Sir. Let me repeat your order Sir. Two yakisoba noodles. Two miso soup. And two regular red ice Tea. That would be 250 pesos Sir".

"Sge salamat. Pahingi narin ng chopsticks Miss ah?" sabay abot sa bayad.

"Here's your change. Enjoy your meal. Arigato Gosaimashita".

"Okay Miss. Arigato Pakli Butu" sagot ko. (joke!)

While waiting for our meal. Kwento na naman si BFF about sa nangyare for the past two months. She told me about what happen sa office. Mga kapaguran niya sa work. Sleepless nights. At mga boylets niya.

I felt tired for her. She is so dedicated on her work. I hope all those things she sacrificed would be repaid. Kahit sa paanong paraan.

While she was telling me some stories, she keeps on staring on her blouse and looking inside it.

Naisip ko:

Baka may ipis.

Baka may putok at nakalimutang mag deodorant?

Baka mahaba ang buhok sa kilikili.

Pero tinanggal ko na lang muna sa isipan ko yung pangyayare. Gutom much.

After relishing the yakisoba and all, we decided to go home na.

8PM na pala at hanggang 6PM pa lang paalam ni BFF sa kanyang mama.

Lumabas na kami ng mall para magyosi bago umuwi.

Habang inithit ang yosi. Bigla siya nagsalita.

"Hindi naman pala panget suot ko ngayon no?" tanong sa akin habang tinitignan ang sarili.

"Oo hindi naman. Bakit?" sagot ko sabay buga ng usok.

"Actually wala akong bra ngayon."

Huwatttttt??? Does she needs to say that upfront?? My virgin ears. I'm not used to it.

"Ah, okay. Hindi naman halata. Wala naman eh. Parang kulani lang sa dibdib" sabay tawa.

"Talaga hindi halata? Masuot nga ulet sa Lunes damit na to na walang bra". sagot niya.

At sabay kami nagtawanan.

Carpe Diem.

Posted by yebahboi 03:34 Tagged friendship

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Login