A Travellerspoint blog

Pitong Taon ng Pagkakaibigan

sunny

Pitong taon na pala ako sa trabaho ngayong taon.

Ang bilis ng panahon.

Parang kailan lang ng parang totoy akong pumasok sa opisina na hindi ko alam kung magtatagal ako o hindi.

Diko kasi sukat akalain na papasok ako sa serbisyo sibil.

Not even in my wildest dream that i will end up being a government employee.

Pangarap ko kasi makapasok sa isang multi-national company sa totoo lang.

Pero sabi nga nila hindi natin hawak ang kapalaran.

Hindi ko pinagsisisihan bakit ko pinili ko ang career na to sa maraming kadahilanan.

Sa trabahong gobyerno ko natutunan ang mga ibang bagay.

Sa opisina ako namulat kung ano ang tunay na kahulugan ng pakikisama.

Dito ko nakilala mga kaibigang naging parte ng buhay ko.

Mga taong nagbigay sa akin ng inspirasyon para magsumikap.

Mga "strangers" sa simula pero naging "tunay" na kaibigan hanggang ngayon.

At patuloy na pinagsasaluhang ang walang humpay na pagkakaibigan.

Sa pitong taon na lumipas, madami na akong nakilala. Marami na rin nakasama.

People who stayed and left.

People who left because of personal reasons. And some others left because they want to seek a greener pasture.

Ngunit kahit hindi na kami halos nagkikita at nagkakasama, sila pa rin ang aking mga tunay na kaibigan na hindi ko pagpapalit kailanman.

230077_170..85475_n.jpg

Si Cecille (Bacill, Be Ef Ef, si GF)

Siya ang mga naunang naging kaibigan ko dito sa trabaho. Siya ang aking female version. Magkalevel kami ng utak. Mahirap magtiwala pero kapag nakuha mo ang loob, paglalaban ka hanggang kamatayan. Siya ang adventurer ng grupo.

I still remember when i saw her. Mukha siyang tomboy. Pero huwag ka, maharot pa siya kay Sam.

"Pusa" tawag namin sa kanya. Feline lover.

Tattoo girl. She have 4 or 5 tattoos on her body if i am not mistaken. May balak pa siyang magdagdag.

Kasalukuyang nasa Ortigas nagtatrabaho bilang contractual sa isang government employee na tungkol sa Enerhiya.

carmz.jpg

Si Carmz (Mama)

Ang kaibigan naming Cum Laude.

Matalinong tao. Wide reader.

Only daughter pero hindi spoiled brat.

Kung may isang bagay na magkatulad kami ni Mama. Iyon ang pagbabasa ng libro.

Iyon ang aming common interest.

Ngunit may mga pagkakataong nagiging seryoso usapan namin.

Naging close kami lalo ng mag stay sa isang apartment. Hindi na lang libro naging topic.

Pati mga personal na buhay.

Iniwan ang trabaho sa gobyerno dahil madalas pag initan sa opisina. (Brings back some old mem'ries.)

At yumayaman lalo sa trabaho dahil isa na siyang HR Supervisor sa isang "international" company na gumagawa ng gulong.

sexy.jpg

Si Sam. (Bakes, Samengay, Bakla, Sexy)

Abnormal sa grupo. Babaeng lageng sira ang lovelife. Madaling patawanin. Madaling kausap.

Siya yung tipo ng tao na walang masamang tinapay sa kanya. Kahit pagalitan o inisin mo ng todo, okay lang sa kanya.

Madalas namin siyang asarin when it comes sa kanyang aura. Tawag sa kanya Sexy. Obvious naman.

Masarap magluto. Businesswoman. Nagcacater ng "famous" cassava cake.

hayme.jpg

Si Jayme. (Koi Fish)

Rocker ng grupo. Magaling sa networking. Siya ang madalas makinig ng nga hardcore music. Mahilig sa banda. At dating nagbabanda.

Silent type. Hindi palakibo. Pero kapag nakainom at nakuha mo na ang rhythm, matatawa ka sa mga banat.

Magaling sa mga computer stuff. Computer Engineer.

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang network engineer sa isang telecommunication company na para sa mga matatalino. LOL.

jackulin.jpg

Si Jack. (Sister Jackie of St. Joseph the Clear)

Jakulin tawag namin sa kanya. Hindi dahil mahilig siyang magjakul. Ewan ko ba why nauwi sa Jackulin ang tawag sa kanya.

Naalala ko ng nagsisimula na kaming maging close:

Me: Jack kamukha mo si Tony.

Her: Talaga? Ayiii. Tony Gonzaga???

Me: Hindi. Tony Ferrer.

Her: <giggle>

Siya ang religious sa grupo. Siya yung nagsisimba at nagnonovena sa araw ng Miyerkules. Mahilig magdasal.

Manang in short. Sa edad na 30. Kailangang magpaalam bago makalabas at makapag stay overnight. Kailangang ipagpaalam muna sa kanyang mabuting ina.

At mind you conservative ang birit niya. Bawal pumasok si BFF dahil may tattoo siya.

Patuloy na nagtatrabaho bilang kawani ng gobyerno.

Yan si Jakulin.

sar.jpg

Si Sir Archie ( SAR )

Siya ang mentor ng grupo. Matalinong tao. Magaling sa lahat ng bagay. Jack of all trade.

Dating Chief of Staff ng dating gobernador ng probinsiya.

Isa siyang nagpapari dati. Sa edad na 40+ still single parin.

I actually don't know kung paano kami naging close kay Sir. Siguro nakita niya ugali niya sa amin when he was at our age.

O dahil mga abnormal lang kami? Regardless of which it doesn't matter.

Si Sir ay isa sa mga mabuting kaibigan na madalas mag-aya lumabas. Siya lagi ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng reunion ang grupo.

Tawag niya sa amin. "Esther Kids".

Esther is the place kung saan kami madalas uminom at maghang out every Friday after work.

Siya rin ang traveller. Ang dami na niyang napuntahan na lugar sa Pinas.

Artista rin pala. Isa siyang host sa isang local network channel.

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang staff ng isang mayor sa probinsiya.

...................

.......................

.........................

...........................

.............................

................................

Haaayyyyyy......... (Hingang malalim)

Pitong taon na pala lumipas.

Bilis ng oras.

Pero masarap balikan ang pitong taong nakasama at nakilala mga kaibigang alam mong handang tumulong at makinig sa mga susunod pang mga taon.

Thank you for the friendship mah men...

Marami pa tayong taon na pagsasamahan.

Maraming problemang pag uusapan.

At higit sa lahat...

Marami pang alak na lalantakan.

Yebah!!!

Kudos.

Posted by yebahboi 12:46 Archived in Philippines Tagged friendship

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

i'm proud to be included in this list. out of those 7 years, sumingit ako sa buhay nila 4 years ago lang. hindi ko alam kung bakit nga kami nagkasundo sa kabila ng sobrang tanda ko. siguro napapa bata nila isip ko. i'm sure hindi ko sila napapa mature kasi up to now isip bata pa sila. pero ito ang grupong hindi pwedeng iwanan o bitawan. thank you marthie and thank you kay bacil, sameng, jakulin, koi fish.

by Sir Archie reyes (SAR)

we are also thankful sar for having you as our friend. You are not just a friend but a mentor and an adviser to us.. though we don't usually see or hang out lately, this friendship would last long... Campai!!! :D

by yebahboi

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Login