A Travellerspoint blog

Isang Boring na Sabado

sunny

Mag aalas tres na ng hapon.

Kakagising ko lang.

Ayaw ko pa sanang bumangon, pero pinilit ako ng aking umiiyak na sikmura.

Nalipasan na pala ako ng pananghalian.

Kahit maaga akong nagising kaninang umaga, dinalaw pa rin ako ng antok.

Marahil sa tindi ng gawaing bahay na ginawa ko pagkatapos ng almusal.

Sa dinami dami ng dapat gawin maghapon, hindi ko alam kung bakit na "stuck" ako sa kwarto sa kabilang bahay.

Wala kasing magawa.

Wala ring alam gawin na masasabing productive.

Kaya heto, binuksan ko ulit ang aking online diary upang makapag sulat.

Pero wala rin akong alam isulat.

Pare-pareho lang kasi ang nangyayari halos araw araw.

Routine na lang.

Kaya ngayon naisip ko na lang magshare ng mga playlist ko sa aking music library.

Mga kantang halos pinapakinggan ko sa byahe papuntang opisina at pabalik sa bahay.

Sa totoo lang madalas akong matawagang weirdo sa mga song choices ko.

Mahilig kasi akong makinig sa mga unheard artist.

O mga artist na kakaiba ang tunog at istilo sa pagkanta.

A friend told me: "I have a weird taste when it comes to music!"

But i find it really flattering.

Coz i don't listen to the conventional sounds that the music industry is playing right now.

Masarap kasi silang pakinggan. (Based on my own pandinig!)

Kaya heto na lang ang ibabahagi ko at i am hoping that you will find time to listen to them also.

1. Video Games by Lana Del Rey

I love listening to Video Games kase may pagka deep yung voice ni Lana Del Rey at napaka feisty pa ng itsura.

Given the fact that she is really stunning, she has this compelling voice that can make someone listen to her more.

Kinda weird but i love her music video. May pagka 60s ang dating.

At i guess yun ang tipong style na gusto niyang ipakita.

2. Avenue by Agnes Obel

Recently ko lang narinig si Agnes Obel actually.

I bumped into her music while i was watching the Revenge series of ABC.

Ginamit siyang soundtrack sa isang episode.

After hearing her song, i tried to search it sa internet.

Luckily, i found it.

What i like about Obel's Avenue is the meaning of the song and her music inclination.

She grew up in Denmark in an unconventional environment.

At ginamit niya yun upang gumawa at sumulat ng mga kanta.

She learned how to play piano in an early age.

Plus she loves to collect strange objects and instruments such as xylophone and double bass.

How amazing!

I like weird stuff so i like her.

Mahilig rin kasi siya sa photography, film making at pagsusulat.

Maybe some of you don't know her but she is actually famous in Europe.

And her first Album Philharmonics was a certified gold.

According to her:

I don't go out and seek inspiration, I think I get my inspiration from the melody. Sometimes I feel like a melody doesn't have anything to do with me, but it's just something that comes, is accumulated from me playing on the piano, and then this little creature just appears."
—Agnes Obel about her inspiration in The Quietus

3. Love will take you by Angus and Julia stones

This sister-brother duo are soooo freaking amazing!

Seriously!

Ang ganda ng timbre ng boses.

They have their own unique style and unique voice in which they compliment each other.

Ang boses ni Julia ay parang sweet innocent while kay Angus eh may pagka hoarse.

Kaya siguro kapag pinagsama yung boses parang magic!

Una kong napakinggan ang bandang to sa soundtrack ng Breaking Dawn: The Twilight Saga in which they made a song for the said movie.

Nahook ako sa kanta nila kaya ang ending i downloaded their albums.

At maganda lahat ng kanta.

Maybe because their parents are also a folk duo before they were born, ang isa sa dahilan kung bakit lumaki sila sa mundo ng musika.

At mind yah, ang ganda at guwapo ng mga jowakis nila.

Lalo na yung kay Angus, si Isabel Lucas.

If you don't know her, she is the girl who appeared in Transformer.

Yung babaing naging robot.

Kung hindi nyo pa rin kilala, bahala na kayo!

Hahaha.

So there you have it.

My top 3 favorite music on my playlist.

I just hope you had fun watching and listening to them.

Pero kung hindi, sorry naman.

Sabi nga nila, kanya kanyang trip lang yan.

Kaya walang basagan!

Have a great Saturday everyone...

Live.. Love.. Be Happy...

Carpe Diem...

Posted by yebahboi 23:53 Archived in Philippines Comments (0)

Paglalakbay...

sunny

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone.

Akala ko si Pepeg.

Hindi pala.

Si Jayson.

Ang aking kaibigan noong High School.

Kahit pagod pa ang katawan sa nagdaang trabaho, napatayo ako sa aking nabasa.

Patay na raw nanay niya.

Dagli dagli ko siyang tinawagan.

Hindi sinasagot.

Busy marahil sa mga bisita at nakikipaglamay.

Pagkalipas ng ilang minuto tinawagan ko ulit.

Sinagot na niya at kinuwento ang nangyari.

Parang umakyat ang dugo sa aking ulo.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko maisip sa isang iglap, mawawala ang buhay ng tao.

Last week pa lang kasi ng puntahan namin sa hospital.

Kahit hindi na nakapagsasalita, alam mong gagaling siya.

Nakita ko rin kase kung paano tumawa at ngumiti habang kinakausap namin siya.

Kahit wala siyang salitang binibigkas sa bibig, alam kong masaya siyang makita kami ulit.

Para na rin kasi namin siyang nanay.

Nakita ko rin kung paano pagsilbihan ni Jayson ang kanyang ina.

Kahit nahihirapan sa financial ang aking kaibigan, pinili pa rin niyang dalhin sa isang magandang hospital ang dakilang ina.

Nakakatuwa na sa kabila ng karamdaman at hirap na pinagdadaanan, nakukuha pa ring makipagbiruan ng bawat isa.

Tuwing may itatanong si Jayson para siyang nakikipaglaro ng Pinoy Henyo style.

Itatanong ang bagay at sasagot si nanay sa pamamagitan ng pagtango o paghindi ng ulo.

"Tao ba to?"

"Kilala ko ba to?"

"Taga hospital ba?"

"Kamag anak ba natin?"

"Doctor ba?"

Nakita ko rin kung paano asikasuhin ng aking kaibigan ang mabuting ina.

Sa bawat ubong naririnig mabilis niyang hinahaplusan ang dibdib.

Sa bawat laway na lumalabas sa bibig, isang pahid ang iginagawad.

Buhat buhat ang ina.

Inaagapay.

Ramdam ko ang bigat sa dibdib ng aking kaibigan.

Ramdam ko rin ang takot na mawala ang kanyang ina.

Siya kasi ang panganay sa dalawang magkapatid.

Lagi niyang sinasabi, "mahalin ang magulang".

Kahit sa post niya sa Facebook, pinaparamdam niya kung gaano kahalaga at kamahal ang kanyang ina.

Marahil dahil si nanay ay iginapang ang dalawang anak ng mag-isa.

Maagang nabyuda.

Madaming sakripisyo upang mabuhay at mapag-aral ang mga anak.

Kaya siguro ganun na rin lang ang takot ng aking kaibigang mawala ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya.

Ang lakas niya.

Ang inspirasyon niya.

Ngayon, wala na si nanay.

Kinuha na siya ng Lumikha.

Maalala ko lang ang huling tingin niya sa akin.

Kahit walang boses na lumalabas sa bibig, alam ko ang ibig niyang sabihin.

Isang pasasalamat sa aming pagbisita.

Alam ko masaya na siya kung saan man siya naroroon.

Kasama na niya ang kanyang kabiyak.

Malayo sa paghihirap.

Malaya sa anumang karamdaman.

Kasama ang may Likha.

Naway maging maayos ang kanyang paglalakbay.

Sa iyo Tita, masayang paglalakbay.

At maraming salamat.

Live... Love.. Be Happy...

Posted by yebahboi 23:15 Archived in Philippines Comments (0)

Pretty Wings.....

rain

Dahil ang sarap ng panahon.

Maulan.

Masarap mahiga.

Magkumot kasama ang pinakamamahal sa tao sa mundo.

Maglambingan.

Maglampungan.

At mag make love.

Habang sumasayaw sa indayog ng alapaap parang sarap pakinggan ng kantang to.

Haaaay..

Nainggit tuloy ako kay Sam at Jan!

Hahaha.

The weather is REALLY inviting!

Arrrrggggh!

Sakit sa puson!

Rainy and horny evening everyone!

Posted by yebahboi 04:29 Archived in Philippines Comments (0)

Politika...

overcast

Panahon na naman ng eleksyon.

Panahon na naman ng walang humpay na kalakaran sa pulitika.

Ika nga ng lumang kasabihan:

"In politics, there are no permanent friends nor enemies, only permanent interest."

Sa isang bansang malaya tulad ng Pilipinas, masasabing mga lumang mukha ng politiko ang nanunungkulan.

Kung may bago man, marahil mga malalapit na kamag-anak rin ng tanyag na politiko ang hahabol.

Political dynasty.

Masasabing may kasakiman o katakawan sa pwesto ang ibang mga nanunungkulan.

Marahil, iba talaga ang pakiramdam ng nasa taas ng pwesto.

Nakikita mo lahat ng nasa ibaba.

Hawak mo ang kapangyarihan upang palawakin, paunlarin, o pabagsakin ang isang bagay sa isang kumpas ng kamay.

Mukha ngang ang politika sa ating bansa ay kakaiba kung ikukumpara sa form of politics sa ibang bansa.

Ang dami daming political parties.

Kanya kanyang estratehiya.

Kanya kanyang plataporma.

Walang pagkakaiba.

Walang pagbabago.

Ang nagbago lang eh mga lumilipat na politiko sa ibang partido.

Ewan ko nga ba kung bakit kailangan lumipat?

Ang nagbago lang kung paano nila liligawan ang masa.

Kahit hindi pa panahon ng pangangampaya, kaliwa't kanan mo ng makikita ang mga pagmumukha ng mga naghahangad pumwesto.

Tarpaulin sa barangay ng mga pumasa sa board exam.

Tarpaulin sa barangay fiesta.

Mga special project na kung tutuusin hindi naman sila ang gumastos.

Kaban ng bayan at buwis ng bawat mamayang Pilipino.

Madalas pati mga relief goods may mga pangalan ng mga hinayupak.

At much worst pati mga sabon, panty liners, shampoo at mga feminine wash may mukha ng mga walang hiyang tumatakbo.

Next year pa lang naman ang eleksyon, subalit kanya kanya ng patutsada ang mga naglalaban.

Kanya kanya ng pagalingan.

Nakakatawa mang isipin, pero kahit sa telebisyon mapapanood na ang mga walang humpay na pag aadvertise ng mga humahabol.

Mga proyektong pinagawa nila.

Mga paunawa tungkol sa karapatan ng mga kababaihan, kabataan, etc.

Parang mga artista.

Sa totoo lang, ang buhay politika sa Pinas kakaiba.

It's more fun in the Philippines!

Saan ka ba nakakita na ang mga artista gustong maging politiko.

At mga politiko gustong maging artista!

Haaaay....

Last October 1, nagsimula na ang filing of certificate of candidacy.

Nakakabwisit panoorin sa balita.

Parang fiesta.

Kanya kanyang gimik para makakuha ng atensyon sa media.

Ayon nga sa Commissioner ng Election, ang pag file ng COC ay dapat seryosohin.

Kailangang may degnidad.

May subtle touch of dignity.

Hindi parang circus.

Hindi parang palabas.

Sana naiintindihan ng mga humahabol ang nais hipawitig ng Commission on Election.

Nawa'y pakinggan siya.

Ang politika ay hindi isang enteblado.

Di rin ito isang uri ng laro.

Ang politika ay isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Dahil ang tunay na politiko, hindi kailangang maging maingay upang mapansin.

Madalas ang katahimikan ang may pinakamalakas na ingay!

Dahil kung tutuusin ang boses ng masa ang mahalaga kesa sa boses ng nais kumandidato.

Posted by yebahboi 20:04 Archived in Philippines Comments (0)

Wake Me Up When September End..

overcast

Ohhh wellllll.....

It's been a month since last ako nakapagsulat.

Namiss niyo ko?

Ako hindi.

Hahaha.

Dami kase ginagawa lately.

Running errands from left to right.

Photo shoot dito.

Guesting diyan.

Promote ng pelikulang "The Matress" with Bea...

Betty La Bea.

Gawa ng commericial with Kris.

Not Kris Aquino.

Kris Ilag.

Officemate ko.

Wahaha.

At gawa ng movie with Iwa Moto...

Hiniwa hiwa mo to!

Ang linya ko lang sa pelikula...

"Iwa Moto what is your motto?"

Sasagot naman siya:

"Jodi Sta. Maria, Maria pa naman ang apelyido mo pero inagaw mo jowa ko dati. Kaya ngayon inagaw ko asawa mo!"

Haaaay buhay artista nga naman.

Unfair.

Anyway.....

What a Sunday morning.

Nakakainip kaya ang ending nagtitrip na lang ako.

So what's new with me?

Nothing much.

Nothing to brag.

Busy with my Entomology class.

And doing my reports here and there.

Dagdag mo pa yung mga assignment ng anak ng kaopisina ko na pinapasuyo sakin.

Nakakaloka nga eh.

Imagine, sa isang week walang beses na hindi siya nagpasuyo ng mga research papers at assignment niya sa akin.

Okay lang sana pero nakakainis na rin pala kapag every now and then may pinapagawa.

Parang ako yung nag-aral.

To the point na ako na ang magreresearch sa internet.

Ako na ang magtatype.

At ako pa ang magpiprint.

At hala ka, ako pa ang magbibigay sa kanya sa mga natapos ko.

Ni walang "thank you!"

Tang ina much lang.

I told it na rin sa mga kaibigan ko.

Sobrang bait ko raw.

(I know right?)

Kase ang latest, pinasuyo sa akin ang sandamakmak na text book about plants.

Yung transport of minerals and nutrients of a plant from root to leaves.

Ayun, ang ending?

Ako na ang nagbasa at nagtype para gawing research paper.

Ginawan ko pa ng powerpoint presentation.

Hahaha.

Parang ako na yung nag-aral.

Ni mga assignment ko nga sa Entomology class ko hindi ko maasikaso dahil sa mga putrigis na yun.

Last week lang may nangyareng nakakatawa.

May natanggap akong tawag sa telepono.

She: Hey busy ka?

Me: Yes tita. Gumagawa ako ng assignment, report at data presentation ko for this week. Baketch?

She: Wala naman. Papaayos ko kase yung presentation na ginawa mo. Lagyan mo raw ng "animation".

Me: Oh, i see.

She: Sige papadala ko na lang yung USB diyan.

Me: Speechless.

hahaha.

Nagtanong ka pa kung busy ako no?

Parang tanga lang.

Pero carry na rin kahit papano.

Atleast parang refreshing course na rin yung nangyayare dahil sa mga sangkatutak na researches na pinagawa sa akin.

Mula sa Civil wars.

Sa History ng East Timor at Vietnam wars.

Olympics.

Syria's rallies.

Discrimination sa America.

Mga klase ng ornaments na nakalagay sa disk.

Mga nutrients na kailangan ng katawan.

At marami rami pang iba.

Parang bumalik lang ako sa high school.

I wonder lang, paano natututo ang bata kung puro ako ang gagawa.

Di ba?

Parang wala lang.

Spoon feeding ang tendency nun.

Juice ko...

Kung ako bibigyan ng pagkakataong magkaroon ng anak, i will make sure na siya gagawa ng mga homework niya at research.

I will help but not to the point na ako lahat ng gagawa.

Mag effort ka naman ng kaunti.

Baka kung ako gagawa lahat, mabatukan ko lang ang aking junakis.

Hahaha.

Great Sunday everyone.

World Peace!

Posted by yebahboi 19:37 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 6 - 10 of 91) « Page 1 [2] 3 4 5 6 7 8 9 10 .. »