A Travellerspoint blog

Happy Feet.. Kami na ang may Itchy Feet...

sunny

Nagising ako na may text galing kay Sir.

"What time kayo pwede?" tanong niya

Nagreply naman ako agad kahit wala pa ako sa katinuan.

"Mga after lunch Sir. Tawagan ko si Sam. Kita kits na lang tayo" reply ko

"Okay" simpleng tugon niya.

Kinagabihan pa lang ay tinext na ako ni Sir for our plans today.

Dahil holiday at wala namang practice for the Cultural Presentation, napagkasunduan naming magkita-kita at pumunta sa bagong bukas na grocery.

Ang S & R.

Gusto raw niyang magpamember.

Mabilis kong tinawagan si Sam para sa plano at madalian naman siyang umoo.

As usual, siya naman ang may pinakamaraming free time sa mundo.

LOL.

Tanong niya kung pwede ba raw mag shorts?

Eh pakialam ko kung nakashorts siya?

Lam ko lang ay nakashorts rin ako. Hahaha.

Napag-usapan naming magkita sa McDo around 12:30 ng tanghali.

Putakels!

Kahit malapit lang siya sa meeting place hindi pa rin siya tumupad sa pinag-usapan.

Mag aalauna na ng hapon eh wala pa siya.

Sagot niya sa akin. "Mabagal raw ang jeep at ayaw niyang bumaba dahil sobrang init?"

Gusto ko sanang sagutin.

"Tae ka, bakit kung masusunog ka sa araw magiging lechon de leche ka ba?"

LOL.

Hinayaan ko na lang. Tagal na rin kaming hindi nagkikita. Hahaha.

Busy kasi sa love life ang tae.

Dumiretso na kami agad sa S&R.

Photo1380.jpg

Ayun nakita namin agad si Sir Archie na nakapila para sa membership transaction.

Photo1377.jpg

Ang daming tao.

Ang lamig ng lugar.

At ang daming paninda.

Nag-ikot ikot lang kami sa loob ng S & R.

Naghanap ng pwedeng bilhin.

Photo1379.jpg

Sabi nila mga imported goods ang karamihang mabibili pero natawa kami dahil may "Boy Bawang".

May Century Tuna.

At Pampanga's Best.

Dahil walang mabili at wala naman talagang gustong bilhin, napagkasanduang umalis na lang sa lugar at kumain.

Pumunta kami sa may Bubusuk sa may Northwalk.

Photo1383.jpg

Hiya naman ako kay Sir today, kaya ako naman ang nagtreat ng lunch.

Mura lang naman eh.

First time pala niyang kumain dito.

At masaya naman dahil nasarapan siya sa soup.

Humingi pa nga siya ng extra.

LOL.

Inoorder namin:

Photo1382.jpg

Sizzling chicken.

Sisig.

Tokwa't Baboy.

Garlic rice.

At iced tea.

Good for 4-5 persons ang inorder namin pero sa kagutuman inubos namin lahat.

Konti na lang natira.

Bawal muna ang diet.

Bawal muna ang iwas food.

Kain kung kain.

Lamon kung lamon.

Buti na lang hindi kami naumay sa nakita naming view kanina sa kabilang table.

Mga magbabarkadang lalake na kasabay naming kumakain.

Guys, i want you to meet my new friend, si Brute.

Photo1381.jpg

Obvious naman bakit Brute di ba?

Natawa talaga kami ng makita namin ang beautiful sight na ito.

LOL.

After the full meal, we decided to go in SM.

Sir Archie asked us if we want to watch a movie.

We simply obliged.

Showing na rin naman nung kay Gerald Anderson and Sarah G eh.

Joke lang.

We watched Happy Feet 2.

Ang ganda sobra.

No dull moments.

Hindi siya boring.

I think mas maganda pa siya sa unang Happy Feet.

You should watch it.

The story is about family.

Friendship.

And believing in your inner power. That you can make impossible possible, if you just really believe into it.

That each and everyone of us is unique on our own way.

That the people you meet along the way would probably be a good friend in the end.

Alam ko magrereact na naman si Sam sa sinabi ko. Ako na raw ang movie critic! LOL.

Napagkasunduan naming pumunta sa Starbucks after the movie.

Matagal tagal na rin kasi kaming hindi nagkakape magkakaibigan.

I reall need it badly, umikot kasi ang diwa ko sa batang nasa likod ko sa sinehan.

Paano naman kaya sinisipa niya ang chair ko dahil siguro sa excitement.

Naging happy rin ang feet niya.

Gusto ko na batukan eh.

Pero siyempre, ako ay isang peace and loving civil servant of the Republic of the Philippines.

Bawal ang manakit ng bata.

Dahil nag aya nga sa Starbucks si Sir Archie, chance ko na to para malagyan ng sticker ang coupon para sa pinapangarap kong SB Planner 2012.

Hihihi.

Ang inorder namin:

Sir Archie - Hot Green Tea Latte (walang pinagbago)

Sam - Hot Mint Mocha (first time!)

Me - Hot Peppermint Mocha (once a year lang nagcacater ng ganitong hot drinks why not grab the chance)

And dalawang peppermint brownies.

Photo1386.jpg

Chillax lang kaming tatlo while slurping the coffee.

Relax mode lang kami kanina.

Kwentuhan kung kailan ulit magkikita at when iseset ang Christmas party ng barkada.

After an hour, nagdecide ng umuwi si Sir.

Naiwan kami ni Sam para hintayin pinsan niya.

Umikot lang kami sa mall at naghanap ng flipflops.

Define Flipflops????

Tsinelas ng havayabas!

Pero walang magandang design sa store kaya lumipat kami sa Robinson's Starmills.

Same story. Walang magandang design.

Kaya ang ending. Nagpunta kami sa Christmas display sa labas ng mall.

Actually every year naming pinupuntahan 'to.

This year Circus ang tema.

Photo1390.jpg

Ano pa ba ang gagawin sa ganitong eksena?

Photo opportunity.

Ano pa nga ba?

LOL.

Kaya heto si Sam.

Kasama ang kanyang imaginary boyfriend.

Meet Februarius Tinulak.

Photo1392.jpg

I lilly lilly looovveee this picture.

Carpe Diem.

Posted by yebahboi 02:51 Archived in Philippines Comments (0)

5 Things You Don't Know About ME

sunny

I am running of creative ideas lately.

Madami kasing ginagawa sa opisina.

Dagdagan pa ang preparation for the Pampanga Day Celebration next month.

Dami kasing activities for the said event.

Isa na rito ang Cultural Presentation na gagawin ng mga piling empleyado.

Sad to say, kasama ako sa isang 12 minutes of embarrassment.

Goodluck na lang to us.

Okay guys, i know most of my friends know me truly.

But i think there are certain things about myself na hindi pa talaga nila alam.

Mga fears and mga ugaling halos ako lang ang nakakaalam.

Mga ibang bagay na lately ko lang natutuklasan.

As i said, i am running of creative ideas and i don't know what to put in my blog.

So i decided to write some of the facts about myself.

And this would be my first and "probably" the last time i will tell you about weird stuff sa sarili ko.

Here we go:

1. I have a claustrophobia.

I don't know when it started. I guess during my childhood, i was left sa isang dark room at takot na takot ako sa isang masikip na lugar. Kaya siguro natrigger ang phobia at nadala narin hanggang pagtanda.

Kaya takot na takot akong sumakay sa elevator.

I remember when my boss and I had a seminar in Holiday Inn Galleria. We were in the 17th floor and hindi naman pwede dumaan sa stairs para lang makarating sa room.

Ano yon?

Penitensya???

Once incident na nangyare that time, naiwan niya yung phone niya sa room so i have to come back to get it. Hindi ko naman masabi na takot ako sa elevator. Pero i have no choice. Nasa 3rd floor kami nun and i need to go inside the elevator.

ALONE.

Ayun i had a shortness of breath at feeling ko i was suffocated. Ganun pala yung pakiramdam, parang umiikot yung paningin mo tapos you have have a motion sickness kasama ang malamig na pawis sa noo.

I was gasping for air.

Akala ko sa pelikula lang nangyayari yon pero it can really happen pala talaga.

Buti na lang hindi ako nagcollapse.

Kakahiya.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa elevator, i felt the sudden relief.

2. Ayoko sa mga gory movies.

Oo. Takot po ako sa mga pelikulang may putulan ng ulo at mga ibang parte na katawan.

Hindi kasi talaga ako fan ng mga movies na may mga ganung tema.

Siguradong pipikit lang ako at hindi ko panonoorin.

Remember the Kill Bill Movie Part 1?

It was a good movie pero tang ina nyan ang sakit sa mata nung fighting scene.

Kahit black and white pa yung background, hindi ko parin nakuhang tumingin sa mga nagliliparang ulo.

Pati na yung Spartacus Series?

It is a cable television program na depicting the ancient warriors at kinahumalingang panoorin ng mga kasama ko sa trabaho.

Ang weird lang, hindi ako takot sa dugo o sa mga injections. Every year nagpapakuha ako ng mga blood test pero hindi naman ako takot sa mga karayom.

Tinitignan ko pa nga ang pagkuha sa akin ng blood samples.

3. I don't wear a watch

I know time is really valuable.

But i don't find it necessary na magsuot ng relo.

May dalawang reason kasi ako kung bakit.

Una, hindi ko nakasanayan.

Pangalawa, ayoko yung pakiramdam na kailangan mong habulin yung oras sa lahat ng bagay.

Ayoko yung pakiramdam na nakatali ka sa isang maliit na bagay na nakalagay sa wrist.

Na ang oras yung nagdidikta kung ano yung gagawin maghapon.

4. Takot ako sa mga sharp things

Kung si BFF ay fan ng mga balisong, ako ang kanyang complete opposite.

Takot ako sa mga kutsilyo.

Kahit sandamakmak na kailangang hugasan na dishes, iiwan ko talaga ang kutsilyo.

Hindi ko kayang hugasan.

Ewan ko, pakiramdam ko kase masusugatan ako.

Hahaha.

Weird.

5. I am a certified neat freak

Hindi talaga ako mapakali kapag hindi malinis ang room ko or may mga clutter inside my drawer/closet.

Nadala na rin siguro ang pagiging neat freak ko simula nung bata.

I don't know if it is an advantage or a disadvantage ang ganitong ugali.

Di naman sa sobrang obsessive o compulsive sa pagiging malinis, pero mas masarap kasi matulog kapag maayos ang room.

Mabango.

At higit sa lahat alam mo kung saan hahanapin ang mga bagay bagay.

Kaya alam na alam ko talaga kapag may gumamit o kumuha ng mga things inside my room.

Ako na ang may OCD...

LOL.

Carpe Diem.

Posted by yebahboi 21:07 Archived in Philippines Comments (0)

Make You Feel My Love

semi-overcast

You know that Pepeg and I are having some problems lately..

But good to know that we are okay now..

Ika nga ng isang kaibigan...

Ang buhay pag-ibig raw ay parang isang musika..

Madalas kailangan rin ng katahimikan para maappreciate ulit ang uri ng tunog na nakasanayan..

Dahil kung walang katahimikan:

Magsasawa.

Mawawalang bahala.

At magiging complacent ka sa lahat ng bagay na umiikot sa buhay mo.

To you Pepeg, you know how much i love you..

God knows how much i do..

And though we fight over some "silly" things, i want you to know that there is nothing in this world can make me fall out of love from you.

You are the reason of my being.

Yaikkkks.. How cheesssssy.. Hahaha..

Sige na nga heto na lang ang isang song na gustong gusto kong pakinggan lately.

Swak sa pagmamahal na nararamdaman ko for you.

Make you Feel My Love on this song Pepeg.

Posted by yebahboi 04:29 Archived in Philippines Comments (0)

Until She Finally Comes Back on Her Old Self

sunny

"We are doing the same thing everyday" sagot niya sa kabilang linya

"It's becoming routinary. I am getting tired of this issue."

"I have so many things on my plate. I can't handle so many problems right now".

I became silent for a couple of minutes when i heard those things from Pepeg.

I have no idea why we are arguing on so many things lately.

Akala ko okay kami pero hindi pala.

Marami pala kaming issues na hindi namin sinasabi sa isa't isa.

Particularly mga issues niya.

Maling akala.

Nasanay na ako sa routine namin maghapon sa totoo lang.

Gigisingin niya ako ng umaga.

Usap ng sandali.

Pasok sa work samantalang siya naman ay matutulog dahil kakalabas lang galing sa duty.

Habang maghapon akong nasa opisina, mahimbing naman siyang natutulog.

Gabi na kami kung mag-usap pagkauwi, habang siya'y naghahanda para sa isang malalim na gabing trabaho.

I know it is a routine. Nothing to look forward to.

But we don't have the same time.

We don't have the same schedule.

That is why we end up having this kind of set up.

But lately, things are falling apart.

She said those things to me.

I have no control on her situation.

Her duty takes all her time. And i am just hear to understand her.

Her frustrations.

Her short comings.

I don't know how long will it take.

All i know is, i am patiently waiting.

Waiting until she finally comes back on her "old" self.

Until she finally realize that things will be alright.

That the limited time that we have is immeasurable on the happiness she brings to me.

Posted by yebahboi 18:30 Archived in Philippines Comments (0)

I Am a Nicholas Sparks Fan

Correction: Hindi siya isang Romance Novelist

sunny

I am a Nicholas Sparks Fan.

You know him right?

nicholas-sparks.jpg

Kung hindi goodluck na lang sa'yo.

Siya lang naman ang isa sa mga pinaka highest paid na novelist sa buong mundo.

Ang may akda ng mga libro na naisapelikula na.

Tulad ng A Walk to Remember.

Message In a Bottle.

Dear John.

Nights in Rodanthe.

At ang The Notebook.

nicholas_sparks_book.jpg

Ang shala lang di ba.

I still remember kung paano nagsimula ang pagkahilig ko sa mga libro niya.

Galing ako sa bahay ni bestfriend Mona sa Fairview at napag-isipang dumaan sa bookstore ng SM North Edsa bago umuwi.

Tingin dito tingin doon ng mga libro na pwedeng basahin sa byahe.

Parang blessing in disguise naman at sale ang "A Walk to Remember" book niya.

a_walk_to_remember.jpg

Kasagsagan ng Mandy Moore at Shane West craze that time kaya naisipan ko itong bilhin.

Even i know it is a bitter sweet ending (dahil napanood kona ang movie prior ko nabili ang libro), i still bought the book.

Madalas kasi iba ang atake ng libro compare sa movie.

Iba ang emotion.

Iba ang dulot ng ikaw mismo ang bumabasa sa nobela. It's like you are into the situation. You feel the pain, the happiness and the sorrow when you are reading his works.

Anyway.....

Natapos ko ang libro sa loob lang dalawang araw.

Nasa duyan ako nun sa likod bahay at ramdam ang ihip ng masarap na hangin.

Ayokong bitawan ang libro.

I was hooked.

I must admit, umiyak ako pagkatapos ko 'tong basahin.

Tagos kasi sa puso.

Napaka riveting at hindi mo maunawaan kung bakit hindi nabuhay si Jamie.

Kung bakit napaka tragic ng nangyareng ending.

Kaya simula non isa siya sa mga best novel na nirerecommend ko sa mga kaibigan.

Actually pinahiram ko siya sa pinsan kong si Harold at dalawang araw rin niya itong iniyakan.

LOL.

Nanghinayang rin kung bakit ang saklap ng ending.

Nakakabasag ng trip.

Nakakaloko lang.

Kaya simula noon, naging fan na niya ako.

Ang simpleng pagbili ng isang libro niya ay nauwi sa isa tapos dalawa hanggang maging sampung libro na ang nabili ko.

At naging instant follower na rin niya ako.

Sayang lang at hindi ako available na imeet siya personally nung dumating siya sa bansa para ipromote ang kanyang dalawang bagong obra.

Birthday kasi ni nanay.

Sayang!!!! Once in a lifetime opportunity lang kaya yun. Sana nakapagpa autograph ako sa kanya.

Last Saturday, nagkaroon siya ng interview with the King of Talk, Mr. Boy Abunda sa programang The Buttom Line.

Boy asked Sparks why he didn't consider to put a happy ending to the book "A Walk to Remember".

He said na from the very start ng paggawa niya sa nobelang ito, fix na talaga ang ending. The main character will eventually die.

Hango ito sa istorya ng kapatid niya na lumalaban sa sakit na cancer.

Kaya nga sa ending ng book, may nasambit ang author na "And i believe that miracles do happen".

Which is one of my favorite line in the book.

Boy Abunda also asked him kung paano niya iniisip ang ending ng libro.

According to him, it is a bitter, sweet, tragic, happy kinda sad ang laging ending ng mga novels niya.

Mr. Sparks doesn't consider himself as a romantic novelist pala.

Because he thinks that romance novels are more on the "fantasy".

It always ends in happy endings.

For him, he writes love stories that is full of emotion, love, anger, tragedy.

Which is profoundly true naman base sa mga librong nabasa ko.

He said great love and great tragedy comes hand in hand.

One cannot go without the other.

Ang galing ng pananaw niya no?

Kakabilib kung paano niya naiisip ang mga bagay bagay tungkol sa usaping pag-ibig.

As the interview goes by lalo akong na amaze sa kanya.

There are two particular questions that Boy Abunda asked on him.

Natawa talaga ako dito promise.

Una, he asked if he consider himself sexy? Or if he is naughty?

"I don't consider myself sexy." he said smiling

"But most of the people think you are" Boy abunda said while clapping his hands at tumatawa

"If that's what they think. I am flattered. I also have a naughty side, i drink and get drunk with my brother" he said leaning his back sa upuan

Dito ako nawala sa sarili. Sobrang galing ng timing ng pagkakatanong na parang hindi offended si Mr. Sparks.

"If you are a sexual position, what are you and why?" tanong ni Boy

PKD!!!!

Panginoon Kong Diyos!!!!

Gusto kong mahulog sa kama sa tanong na ito.

Nawala ako sa katinuan.

Pero buti nalang at sports si Nicholas Sparks at sinagot niya na common position lang siya.

Sabay ngiti ang gagu.

Under pressure ang mokong pero nakuha niyang sagutin ang tanong na walang halong kabastusan.

At nagpalakpakan ang mga audience.

"You made us fall in love" ayon kay Boy at inabot ang kamay sa nobelista

Watching Nicholas Sparks doing an interview with a local host put a smile on my face.

Ang dami ko nalaman about him.

Ang kanyang kagalingan at kanyang istilo sa pagsusulat.

Mga pananaw tungkol sa personal na buhay at buhay pag-ibig.

Maaaring sa iba isa lang siyang nobelista na kumikita sa mga librong nailimbag sa pangalan niya.

Pero sa isang tulad kong fan.

Si Nicholas Sparks ay isang nobelista na hindi takot gumawa ng istorya na magbibigay sa iyo ng mga emosyon na hindi mo inaasahan.

Posted by yebahboi 04:08 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 46 - 50 of 91) « Page .. 5 6 7 8 9 [10] 11 12 13 14 15 .. »