A Travellerspoint blog

01-01-12

all seasons in one day

Let me start this entry by saying "HAPPY NEW YEAR!!!"

Ang bilis ng panahon. Grabe!!!

I wanted to start this year with a new year’s resolution.

Not the typical resolution na madaling i break. Madaling makalimutan. I want a long term goal or a long term plans. 2011 was not a good year for me but its not as bad as i think it is.

I want to start my 2012 with a new life. New perspective and a new outlook in my life. I want to do something completely different with it and i will travel a lot. I will never look my past as if i have failed or i was been defeated. Its just a matter on how will i handle my new chapter in my so called FUCKING LIFE. Ehe.

Like what I said, it has been my regular practice to go back and reflect on past events, always in search of lessons I could learn from such happenings. I am again sharing with you some year-end thoughts, 3 things I will try to keep in mind as we enter 2011 — (1) something that I want to sustain and continue; (2) something I want to improve on and extend; and lastly, (3) something new I want to explore and emerge in my life. As I share these, I also wish that you likewise spend some year-end reflection time — may we all live a happy and meaningful life and an amazing 2012.

Hopefulness

I’d like to sustain and continue my practice of having a “beauty bias” — that is, always looking at the brighter side of things. I’d like to grow old with lots of good memories. By always seeking to see the good perspective, I help myself in becoming more encouraging and loving. It reminds me too that there’s always something good to look forward to in life, it gives me an optimism that energizes, a hopefulness that soothes the soul, preparing it to experience more and to give more.

Mindfulness

In the coming year, I will try to practice more “mindful living.” Mindfulness is the energy of being aware and awake to the present moment. It is the continuous practice of touching life deeply in every moment of daily life. To be mindful is to be truly alive and present with those around you and with what you are doing. We bring our body and mind into harmony while doing the most mundane of things, like talking to a friend, running on the threadmill, washing the car, dressing up, etc.

Purposefulness

Living a Life Larger than Just for One’s Self is a notable inspiration I got while doing my year-end reflection. I read somewhere, an advise from a successful corporate man, “when inspiration strikes, act.” Thus I would like to take this inspiration, this opportunity to act and push myself forward, even against my own comfort. In the past days, I’ve been thinking that to really concretize some actions to make this purposefulness a reality, I have to identify certain things that I need to sacrifice — because, indeed, sacrifice is the touchstone of love.

So there it was, my three reflections. I hope you have your own year end reflection as well as a new year resolution. HAVE A GREAT YEAR EVERYONE.

Posted by yebahboi 04:57 Archived in Philippines Comments (0)

Ang Gusto Ko Paglaki...

sunny

Unang apo si Vincent.

Dahil kauna-unahang lalaking apo sa pamilya, lumaki siya sa piling ng kanyang mga lolo't lola.

At ang kanyang lola ang nag aruga sa kanya mula ng umalis ang kanyang ina upang mangibang bansa.

Likas sa kanyang lola ang pagiging relihiyosa. Tuwing ika anim ng umaga, sa tuwing pagtunog ng kampana ay tatayo na ito upang magdasal at magpasalamat. At tuwing ika anim naman ng gabi ay naghahanda na ito para sa nakaugaliang orasyon.

Maraming imahe ng Santo at Birheng Maria ang nakalagay sa tahanan nina Vincent. Nasaksihan niya ang kanyang pinakamamahal na lola kung gaano at paano niya ito pinahahalagahan bawat isa. Kung paano niya ito pinagsisindi ng kandila at nag-aalay ng bulaklak na sampaguita kasabay ang taimtim na pagdadasal.

Kaya nga't nakamulatan na ni Vincent ang pagiging isang relihiyoso.

Tuwing sasapit ang araw ng Linggo, maagang nagigising si Vincent upang samahan ang lola para magsimba sa kabayanan.

Iyon kasi ang nakaugalian nilang maglola.

Gigising ng umaga at magsisimba bago pumunta sa palengke.

Dahil may kalayuan ang kanilang tahanan sa simbahan, lagi na lang nahuhuli sa upuan sina Vincent.

Madalang pa sa patak ng ulan ang matapat sila sa electric fan na nakalagay sa bawat dingding ng simbahan.

Kaya nga't ramdam ni Vincent at init at pawis sa noo tuwing sila'y magsisimba.

Nakikita niya kung paano taimtim ang pagdalangin at pakikinig ng kanyang lola sa bawat homiliya na namumutawi sa bibig ng pari bagamat madaming tao ang nagsisiksikan sa simbahan.

"Lola, ang init." bulong ni Vincent habang pinupunasan ang pawis sa noo

"Halika tabi ka sa akin." sagot ng lola at sabay yapos sa kanyang mahal na apo

Kumuha ng maliit na karton ang lola't at sabay na pinaypayan si Vincent.

Ramdam ni Vincent kung gaano siya kamahal ng babaing katabi niya.

Sa bawat hanging dumadampi sa kanyang pawis na balat ay ibayong katuwaan ang nararamdaman niya sa dibdib.

Umaapaw ang katuwaan sapagkat pagkatapos ng kanilang pagsisimba ay ibibili niya ito ng kanyang paboritong kakanin sa labas ng kanilang bahay sambahan.

Naalala ni Vincent na tuwing sasapit ang araw ng Linggo at tuwing sila'y nagsisimba, lagi na lang siyang pinapaypayan ng matanda. Ramdam nito ang kapaguran ng lola.

Masikip at madaming tao ang pumupunta sa simbahan.

Kaya nga isang Linggo habang taimtim na nakaluhod ang lola bigla niya itong binulungan.

"Lola paglaki ko, gusto kong maging pari?" bulong niya.

Biglang napamulat ng mata ang matanda. Nagulat at namangha sa tinuran ng apo.

"Ano kamo?" tanong ng lola sa kanya.

"Gusto ko hong maging pari paglaki." ulit na sabi ni Vincent

"Kasi ho tignan niyo ang pari. Kahit saan man siya pumunta. Sinusundan siya ng sakristan upang itapat sa kanya ang electric at hindi siya pinagpapawisan tulad natin".

"Gusto ko hong maging pari. Para hindi na kayo mahirapang magpaypay tuwing tayo ay magsisimba." tugon niya sabay hawak sa kamay ng lola

Nakakatawa mang isipin pero totoo ang istoryang aking sinulat.

Ito ay ang istorya ng aming pari. Hango ito sa kwento na naisaad niya sa isang homilya ng 9 na umagang novena para sa araw ng pagkapanganakan.

Si Father Vincent.

Isang pari na Marian devotee.

Posted by yebahboi 22:46 Archived in Philippines Comments (0)

The Problem To Some Married Couple Is...

sunny

"Pare ano masasabi niyo kapag ang isang babae sumama sa lalake kahit alam niyang may asawa ka?" tanong sa amin ni Sher ng minsang magkayayang uminom Sabado ng gabi

"Game ang babaeng yon pare" sabay na sagot namin ni Pung

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin pare" tugon niya habang sinusulong niya ang sarili sa pagkakaupo

"Ibig ko sabihin, ano ang perception niyo kapag ang isang babae kaya niyang magbiyahe ng dalawang oras para lang makasama ka"

"Game nga siya pare" sagot ulit ni Pung

"Kung gusto lang niya to have fun?" tanong ni Sher na desidong makuha ang opinyon ng bawat isa

"Ano ba ang definition ng fun sa inyong dalawa?" tanong ko habang nagsindi ng yosi

"Mamasyal lang at makita ang panibagong lugar" he explained

"Ahh, depende yan." tugon ko

"Kung walang emotional attachment and you are not flirting sa isa't isa i guess she just really wanna have fun." sagot ko sabay buga ng usok

"Period. Yun lang yun. But if ever may malisyosong usapan na kayo and you find yourselves na attracted sa isa't isa that is the big question"

"Eh bakit mo naman natanong" manghang tanong ni Biang na tahimik na nakikinig sa usapan

"Wala naman pare. Eh kaw Biang? Abroad asawa mo, do you find yourself attracted sa ibang guys?" tanong ulit ni Sher

"Oo naman. Hindi naman ganun kadali yun lalo na malayo ang asawa mo. Pero... " bitin na tugon niya

"Pero nasa pagdadala lang yan. Dapat alam mo ang limitasyon mo. Dapat alam mo kapag tama na. Bakit may problema ba kayo ni Misis?" tawang tanong ng nag-iisang babae sa grupo

"Hindi naman nawawala yun" yukong tugon ni Sher. Halatang nahihiya.

"Eh baka naman may ginagawa kang hindi maganda." sabat ni Pung "Baka yun ang dahilan kung bakit nag deactivate ka ng Facebook mo!"

"Nadakip kana siguro na nambabae no? Nakitaan ka ng ebidensya dati!" si Biang habang iniinom ang natitirang redhorse sa baso

Hindi sumagot si Sher. Tanda ng pagsaangyon sa mga nasambit ng babaeng kaibigan.

"Buti ka Pare. Hindi pa kayo kasal. Pwede ka pang makipaghiwalay kung gusto mo" biro ni Pung

"Kung pwede nga lang eh." sagot ni Sher "Pero may anak na kami" pagpapatuloy niya habang iniinom ang alak

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng tatlo. Hindi ako nagsasalita dahil wala ako sa posisyon para magbigay ng kaukulang payo sa sitwasyon.

Wala pa ko sa tamang position para sabihin kung ano ang nasa utak ko.

Wala pa akong asawa at hindi pa alam ang buhay ng may asawa.

Alam kong hindi madali. Pero hindi rin naman ganun kahirap.

Nasaksihan ko yun sa aking mga magulang at sa aking mga kapatid na kapwa may kaniya kaniya nyang pamilya.

"Ikaw pare, ano masasabi mo?" tanong niya habang taimtim na nakatingin sa akin

"Ako? Base sa pananaw ko lang pare. Kung hindi kana masaya, hindi batayan ang pagkakaroon ng anak para maghiwalay. Madalas o minsan kadalasan iniisip natin ang kapakanan ng anak, pero sa totoo lang, lalo lang natin pinapahirap ang kalooban ng bata. Kung sa tingin mo hindi kana masaya, choice mo makipaghiwalay. Kung masaya ka at mahal mo, ipaglaban at ipakita mo" sagot ko

Kinuha ko ang baso at uminom.

"Hindi naman maiwasan ang pagiging nagger ng misis. Pero tanong ko ano ba ang dahilan kung bakit siya ganun? Dapat alamin mo kung ano rin ang pagkukulang mo sa kanya."

"Baka kulang sa sex pare." ngiting biro ni Biang

"Tama!" pagsang ayon ko

"Baka kulang sa romansa" napangiti na rin ako

"Pare, tandaan mo na kaming mga babae, gusto yung feeling na secure sila." tugon ni Biang

"Kase pare, lalo na kung nasa bahay lang ang misis mo. May pagkakataon talaga na mararamdaman niya ang ganung insecurity. Syempre wala naman siyang time para pumorma."

"Gusto nila yung nararamdaman nila na sila ay well appreciated" Biang explained

"That's why normal lang yun!"

"Kaya ikaw pare. Dapat alam mo kung saan ka titigil"

"Huwag kang papahuli tulad ng nangyare sa akin dati" sabi ni Pung

"Bumili ako ng langerie na small ang size"

"Nakalimutan kong tanggalin sa maleta ko nung umuwi sa Pinas"

"Eh medium si Kumander" biro niya

"Eh sira ka mali ang palusot mo." sambit ni Biang

"Dapat sinabi mo sa kanya talaga yun at akala mo small ang size niya" tawang hirit

"Oo nga" sagot naming dalawa ni Sher

At sabay sabay kaming nagtawanan.

Posted by yebahboi 04:49 Archived in Philippines Comments (0)

Gaya Ng Dati

sunny

Sa mga babaeng pinsan ko sa father side, si Abby ang masasabi kong pinakaclose ko sa lahat.

Anim na taon pa lang kasi kami ng maging magkaibigan.

At simula noon ay hindi na kami napaghiwalay.

Sa gimik man o sa kalokohan.

Sa kasiyahan at kalungkutan.

Saksi ang paglipas ng panahon kung paano namin tinuring ang isa't isa na parang magkapatid.

O masasabi kong higit pa sa magkapatid.

Tinulungan namin ang isa't isa sa mga unos at sa lahat ng bagyong dumating sa buhay ng bawat isa.

Pinanday ng mga taon ang tibay ng aming pagsasama.

Madalas man kami magtampuhan at walang balitaan, hindi yon naging hadlang kung gaano at paano naming pinapahalagan ang bawat isa.

Nagdaan ang mahigit dalawang dekada pero patuloy pa rin kaming nagkaroon ng ugnayang magpinsan.

Naging saksi ang paglipas ng taon sa bawat pagbabago ng mga buhay.

Ang dating matalik na kaibigan ay unti unting nagkaroon ng kanya kanyang buhay at tinahak ang sariling pagbabago.

At si Abby ay nagsimulang bumuo ng bagong mundo kapiling ang kanyang sariling pamilya.

Samantalang ako'y nagpatuloy na mamuhay at nakipaghalubilo sa mga taong nakikilala.

Bagamat may kanya kanyang ng prioridad, sinikap naming ipagpatuloy ang nakaugaliang bonding.

Kaya noong Sabado, inaya ko siyang lumabas.

Gusto kong magkaroon kami ng oras katulad ng mga taong lumipas.

Pag-usapan ang kaniya kaniyang buhay.

Ibahagi ang mga pangyayaring naganap at nagaganap.

At muli'y magkaroon ng oras na gaya ng dati'y kami lang ang may hawak.

Photo1435.jpg

Photo1436.jpg

Photo1438.jpg

Photo1444.jpg

Posted by yebahboi 18:14 Archived in Philippines Comments (0)

Pampanga Week! What A Week! Wiwik!

sunny

Ngayon ay ika 440th Day Celebration ng Pampanga.

This year theme: "Kulturang Pagyamanan, Balayan A Pakamalan".

In Tagalog: Kulturang Pinagyaman, Bayan na Pinahahalagahan.

Ang daming events na prinepare para sa nasabing celebration.

Kaya ang inyong abang lingkod ay hindi masyadong nagparamdam mahigit isang linggo sa blogsphere.

Pasensya na. Mahirap ang artista.

Madaming nakaline up na projects and of course ayaw kong maging cause of delay.

Char!

At dahil nga Pampanga Day, what a way to put an entry in my blog today.

Sa totoo lang hindi gumagana utak ko sa kaorasan na ito.

May hang over pa dahil nagkayayaang uminom kagabi kasama ang mga HighSchool Friends.

Opo. Ako po ay isang friendly na tao.

Huwag kana kumontra Sir Archie.

Lalo ka na Sam.

Alam niyo naman na isa talaga akong approachable na tao.

Pati nga MMDA kinakaibigan ko diba?

But anyway, madaming nangyare sa isang linggong lumipas.

Kami kasi ang nakaatas sa mga ibang events.

Una ang Agro Industrial Trade Fair.

Idagdag pa ang Pampanga Cultural Presentation ng mga Empleyado.

We Won! Woooohooooo!

Share ko lang.

Pero mamaya ko na kwento about it.

Simulan na muna natin ang unang araw ng one week long celebration ng aming Pinakamamahal na Lalawigan.

Ang Pampanga!

December 06, 2011.

Kinausap lahat kami ni Boss na dumating sa Agro Industrial Trade Fair ng 6 ng umaga.

Ang aga lang diba?

Kasi naman pinalitan ang pinagdausan ng annual fair.

Panibagong lugar. Sa Olongapo Gapan Road idinaos.

Kahit every year kami ang nakatoka sa nasabing bazaar iba pa rin kapag pinalitan ang venue.

Ang daming dapat i take to consideration.

Una hindi siya accessible sa tao.

Wala kang target market.

Walang kuryente.

Walang Comfort Rooms.

Halos lahat yun inisip ni Boss. Paano mo gagawin mga yun sa isang remote area. Na halos walang taong dumadaan.

Kaya si Boss:

Nagpagawa ng CR.

Nagpalinya ng kuryente.

Pinagrass cut niya ang mga damo't talahib sa lugar.

Nagpalagay ng mga kubo dahil mainit at minsan maulan ang panahon.

Kakabaliw lang mga demands ng mga tianggerot tianggera.

Buti naman at nalagpasan at nag paid off ang pagod at efforts ng aking boss at mga tao sa likod ng nasabing Agro Industrial Trade Fair.

Photo1415.jpg

I love the sunrise. I don't know why.

Photo1416.jpg

Ang Agro Industrial Trade Fair.

trade_fair.jpg

trade_fair2.jpg

Ang mga kasama ko sa trabaho. Ang danda danda ng shirt di ba? LOL.

Si boss yung nasa left side na may kalayuan sa group pic.

Kudos sa lahat ng mga taong bumuo ng Agro Industrial Trade Fair.

It was a success.

Okay this story is really funny and amazing at the same time.

We won!

As i said nga before na sobrang busy kami dahil sa kakaprepare ng presentation ng Employees Day di ba?

Isa kasi ako sa napiling magperform para sa cultural presentation ng opisina sa Bren Z. Guiao Convention Center.

It was a contest actually.

Contest siya per office and we were given 20K each group para sa costume and choreographer.

By the way, 6 groups kaming naglaban laban.

We were given 3 weeks to practice and conceptualize the performance.

At first, the organizer told us that we have to create a presentation depicting the Pampanga history before the Spanish occupation till present in 12 minutes.

Ang hirap nun.

12 minutes is impossible to narrate the history.

So they changed the theme into Pre-Hispanic year of Pampanga and each group were given a specific scope or theme.

Bunutan.

We got the "Kapampangan Arts and Trades".

Others picked "Religious and Superstitious Belief"

Aeta/Apung Mallari - indigenous people of Pampanga.

Sinukuan - an event of Pampanga every December and its origin.

Tarik Soliman - one of the first Kapampangan hero during the Spanish period.

Sa totoo lang, i am really hesitant to participate.

8 years na akong nagtatrabaho at first time kong sasali sa annual competition.

Aside from the fact na lageng talo ang grupo namin, hindi talaga ako sanay sumali sa ganong klaseng pagtatanghal.

Nahiya lang ako kay Boss dahil sumali kasi siya.

At nakiusap sa amin na we need to participate.

Nahiya naman ako.

Sino ba naman ako para tumanggi.

Eh siguro naisip niya may star quality ako kaya sinali ako.

Chos!

Prior sa nasabing event, araw araw yata kaming nagpapractice.

Walang nangyayare.

To the point na nasisira lang ang araw ko kase puro kabaliwan lang ang nagaganap sa rehearsals.

Ni minsan hindi kami nakumpleto sa practice.

Ang daming errands.

Madaming nagbibigay ng idea na wala namang kwenta.

At mabigat pa dun, halos ang mga kasali sa grupo ay myembro ng Cataduanes group of island.

Catanduanes = Majojonda. 5 years from now ay may 20 percent discount na sa maraming establishments.

You know what i mean.

LOL.

Sooooooo what a good way to prepare the presentation?

Nagresearch kami about the Pampanga history and its arts and trade.

After collecting all the ideas and researches, and asking some Kapampangan curator and historian, we summed up with one theme.

We decided to come up with something unique presentation.

A stage play.

With dialogue.

Beki language ang gagamitin. LOL.

Kapampangan dialect of course.

Less dance.

Parang Amaya.

A tarik (datu) with three magbanuas (group of people) from matasan (bundok of Mt. Arayat), kapatagan (rice lands of Pampanga) and bebe ilog (group of people from Pampanga river).

I was assigned in matasan.

Ang role ko? Nagdadala ng native pig.

Hahaha.

Kakahiya lang di ba?

Seryoso.

Yun ang aking role.

Araw araw kami practice sa may compound ng opisina.

Wala kaming matitinong natatapos dahil nawawala ang mga main character ng play.

Halos lahat kase ng bosses ng group sinali at nagparticipate.

What do you expect from them di ba? Busy lahat sila on their work.

Kaya nag allot lang talaga kami ng isang hapon para magpractice sa pagdadausan ng contest.

As usual, WALA NA NAMANG NANGYARE! LOL.

Kaya at the back of my head i know that we will not win this.

The night before the contest, tinawagan ko si Abby.

Pinsan ko na kasali rin sa contest.

We talked almost 1 hour.

I asked her kung maayos na ba yung presentation nila.

She said yes.

Their group was one the best contender.

Each year they come with something unique and extravagant performance.

Isali mo pa ang mga taga hospitals.

Sila talaga yung nag eexert ng effort each year para manalo.

I saw their performance and it was amazing.

Kaya alam ko na talaga na matatalo kami.

Abi asked kung okay na yung sa amin.

I said "No. Simple lang yung samin at hindi siya talaga maganda. Nakakahiya nga eh. Baka magkalat lang kami."

Coz it was true naman na hindi talaga maganda yung presentation namin base sa practice.

I told her na we will just perform for the sake of presenting.

As simple as that.

Importante lang sa amin na may maipakita. At hindi kami expect na mananalo.

Paano ka makikpagcompete sa mga grupong kumuha ng choreographer at nag rent ng bonggang bongang costume.

Eh yung sa amin, sariling sikap lang talaga.

Binudget lang talaga yung 20K para sa costume at iba pang gastusin.

December 08, 2011.

Araw ng contest.

Napag-usapang pumunta muna ng office bago pumunta sa convention center.

Call time. 7AM.

8AM na wala pa mga ibang participants.

Hindi pala malinaw yung usapan.

Akala nila 7AM sa convention.

Putek!

Araw na ng pagtatanghal eh wala pa kaming naaayos kahit attendance lang.

We said we will practice.

Hindi na rin nangyare kase busy na talaga kami lahat sa mga costume at props na gagamitin.

After ko magbihis tumuloy na kami ng mga iba sa venue.

Kakapasok ko palang sa Convention Center napamura na ako sa sarili.

"Putang ina!"

Nakita ko yung ibang grupo na sobrang ganda ng costume.

Pinag-isipan.

Nakita ko yung props na ginamit.

"Putang ina" bulong ko ulet sa sarili.

Ang bongga ng mga props at production design.

May gumawa ng life size na kubo.

May gumamit ng mga kawayan at fiesta theme.

May nakabody make up pa talaga at bahag para magmukang Aeta.

Pagkasalubong ko sa mga kaopisina ko.

Nagtinginan na lang kami lahat.

Saksi kasi sila sa walang kakwenta kwentang practice namin araw araw.

Alam na namin na talo na.

Sabi nga ni kuya "Tignan mo yung props nila at costume, yung sa inyo wala man".

"Oo nga" tugon ko at biglang bagsak ang self confidence.

Pumunta ng ako sa back stage.

Lalo ako nawalan ng lakas ng loob kase parang commotion talaga yung ginamit na production design.

Paking Shet!

So our group knew from then on na talo na.

We told ourselves na ienjoy na lang yung performance.

Gawin na lang namin yung best namin.

We will just enjoy it.

Nagstart yung contest proper after our governor announced our bonus.

20111209_bonus.jpg

We were dancing, shouting, clapping and screaming after hearing the good news.

Merry nga Christmas ng mga empleyado. LOL.

Basta malaki siyang halaga.

Pwedeng makabili ng isang LED TV.

Anyhoo, nagpunta na kami lahat sa back stage para magprepare.

Sa maniwala kayo't sa hindi.

Nagdasali kami.

I personally prayed na sana maging maayos lang yung ipepresent.

Hind ko hiningi na manalo.

Ayoko lang mapahiya sa maraming tao at matatak sa isipan nila if ever maging katawa tawa man kami.

Nagstart na ang contest.

Pang-apat kami na magpeperform.

Hindi ko na masyadong pinansin ang mga nauna sa amin.

Ayoko kasing kabahan.

Or magdoubt sa kakayahan ng grupo.

Oras na namin para magperform.

Isang malaking cross sign lang ginawa ko at kinuha na ang mga props namin.

Tumunog na ang tilaok ng manok.

Ibig sabihin hudyat na para lumabas sa back stage.

Binuhat na namin ni Tito Teddy ang kawayang nagdadala ng buhay na kambing.

Paglabas pa lang namin sigawan na ang tao.

"This is it. Break a leg!" bulong ko sa sarili.

Diko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob sa ginawa naming presentation.

Hindi ko na pinansin mga tao sa loob ng convention center.

Inisip ko practice lang to.

Ng turn na namin para ipresent ang arts at trades ng mga taga bundok.

Mali pa ang entrada ng mga nagdadala ng sibat at pana.

Natawa na ako sa sarili ko.

Problema ko pa si Tito Teddy sa unahan dahil ayaw nyang sumulong.

Nag freeze bigla sa isang lugar.

Pinilit kong iusog ang kawayang nag-uugnay sa parehong balikat namin pero hindi niya ako pinansin.

Ramdam ko ang bigat ng kambing sa aking balikat.

Mga 25 kilos rin yata yun.

Idagdag pa yung damong dala ko sa kaliwang kamay.

Pagkaramdam ko ng hudyat para lumuhod naramdaman kona na tama ang ginawa namin.

Sabay sabay kaming yumuko.

Pumalakpak na ang mga tao.

Sumunod na rin nag-alay ang mga taga kapatagan dala ang kanilang ani at mga palay.

Nakita ko sa unang pagkakataon ang kagalingan ng isa sa mga arnis exhibitionist.

Natuwa naman ako.

First time niya kasing sineryoso at umikot pa talaga siya habang hinahampas ang arnis na dala.

Sabay din silang yumuko.

Ramdam ko ang palakpak ng mga tao.

Huling nag-alay ang mga taga bebe ilog.

Ang galing ng pagkakadeliver ng linya.

Malalim ang boses.

Sigawan ang mga kaopisina ko at iba pang opisina na kakampi namin.

Ang pinakamagaling na nangyare sa mga oras na yun ay ang pagpasok ng mga ginawa naming bangka.

Ang mga bangka ay gawa sa kahoy na may malilit na gulong para umusad.

Sigawan ang mga tao dahil pagkatulak sa mga ito ay sabay ang pagtunong ng agos ng tubig.

Huling linya ng datu ang "Luid Kayu. Luid tamu. Luid ya ing Pampanga" (Mabuhay kayo. Mabuhay tayo. Mabuhay ang Pampanga!)

At sabay sabay kaming magsasabing Luid ka Pampanga.

Sabay exit sa dulo kasabay ng pagdadala sa datu sa kanyang inuupuan.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa exit, sigawan nakaming lahat.

Alam namin na maayos ang pagkakagawa ng play.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil hindi ako nakatulog ng gabi ng performance.

Iniisip ko kase ang kahihiyan.

Mali pala ako.

Dapat i trust my group no matter what.

Parang nagconspire lahat ng mga event ng mga oras ng presentation.

Ang lighting ng mga spotlight.

Ang mga lapel microphones na ginamit. (Kami lang ang naglapel. Mga iba nag dubbing!)

Ang mga props na ginawa.

Ang lines ng mga main character.

Lalo na ang performance ng bawat isa.

Parang nagwork lahat sa isang 10 minuto.

By the way, kame ang pinakamabilis na nagtanghal.

Less than 11 minutes compare sa mga ibang participating group.

Pagkatapos ng play. Kumain muna kami kasama ang mga ibang kaopisina.

Hindi pa kasi nag aalmusal at lunch that time.

Sobrang sakit na ng sikmura ko.

Oras na ng announcement of winners.

Hindi na kami pinagpalit ng costume.

Kailangan kasi namin pumunta sa harapan.

The judge came out and he said na there was a tie between the two groups.

Base on the play presented and performance lang talaga nagkatalo.

The third prize went to Sinukwan group.

Then they announced the second prize and they announced our number.

Sigawan kami lahat coz we didn't expect to win.

We didn't even noticed na tulakan na pala kami sa harapan at sigawan.

I don't know what happened pero ang galing lang.

Sobrang lalim ng kasiyahan ng bawat isa.

Hindi magkaugaga ang mga kagrupo ko sa natamasang prize.

First time naredeem ng grupo ang integrity ng bawas opisina.

Dati kasi lagi lang kaming consolation prizes.

But now, we won.

And it is a good feeling.

The grand prize went to the Aetas.

Which is really fair naman ang judging.

Sad to say, natalo ang grupo na kinabibilangan ng pinsan ko.

Pati ang mga ibang kaibigan na kasali rin sa contest.

Pagkapalit na pagkapalit ko ng damit tinignan ko ang phone kung tumawag na si Pepeg.

May text akong natanggap.

Kay Abi.

"Putang ina ka, pa humble kapa! Ang ganda ng sa inyo ang sosyal ng production." text niya.

Hindi na ako nagreply.

Natawa na lang ako.

Kase sa maniwala man siya o sa hindi.

Hindi naman talaga namin inisip na mananalo kami.

We never really tried to win kaya i guess we won.

Ang labo! LOL.

I didn't had the chance to take some pictures coz i am thinking if kukuha ako ng mga pix eh mawala phone ko.

Wala kasing bulsa yung costume ko and ayoko namang ipagsapalaran yung phone kong maganda. LOL.

But i took some pictures from different friends in facebook.

I hope they don't mind.

Hehehe.

The third price winner.

Sinukwan group. I heard they paid 75K for this. Ang mahal ng talent fee ng kanilang choreographer ha.

group3.jpg

According to ate Arlene, they paid 75K because the choreographer thought na 100+ kyaw ang grand prize.

sinukuan.jpg

390761_320..92500_n.jpg

Group_3.jpg

Ate Arlene and Shira (some of my friends in HRMO) are also part of the Sinukwan group.

Bilib ako sa guy na yan.

Kase during their presentation, yung bahag niya nahulog until naka white briefs na lang siya.

Buti na lang hindi siya nakilala dahil sa kaniyang body make up.

Actually tuloy lang siya sa pagsasayaw at the show must go on ang drama.

Nakita ko siya sa back stage actually after the presentation and he is smoking na nakabriefs.

Walang takip takip.

Parang casual lang na nasa CR.

MIS.jpg

Friends from Management Information System. Sad to say they didn't make it to top 3.

We were mocking at the back stage. They were calling me Kungfu Panda because of my costume.

And i was laughing at them because sobrang laki ng tiyan ng mga iba.

MIS2.jpg

Their performance.

Sorry guys pero nainip ako sa presentation niyo. LOL.

Ganda nga ng props pero hindi nagmaterialize.

Hirap pa yung dubbing hindi ko maintindihan. (Mamintas ba?)

And the phasing of the play ang tagal. Nakakainip.

20111209_ita.jpg

The winning group.

In fairness ang galing ng kanilang presentation.

Pero mas maganda amin.

Hehehe.

Share ko lang ha. On our way home, i heard someone na dapat kami yung nanalo. Pero okay na yun sa amin. Sabi ko nga we are not expecting to win di ba?

5group4.jpg

Our group picture after we were announced as second prize winner.

Did you notice the guy with a long hair? The datu? Actually kalbo po siya.

Wala pa namang datung kalbo that time di ba?

Kaya wig kung wig ang costume.

Our governor laughed about it when he saw Sir Crispin Guinto wearing the wig.

arts_and_trades.jpg

engr__bogs.jpg

We call him Engr. Bogz. The one with the deep voice. He plays the role of datu from the bebe ilog. This picture was taken after the presentation. Feeling niyang maging head datu for a minute. LOL.

And of course me with the live goat.

I never thought that someone might actually take a picture of me bringing this.

kamarinayan.jpg

Nakakahiya! LOL.

Pero its worth the embarassment naman!

Haaaaay, what a week! Pampanga Week!

Carpe Diem.

Posted by yebahboi 20:27 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 41 - 45 of 91) « Page .. 4 5 6 7 8 [9] 10 11 12 13 14 .. »