A Travellerspoint blog

Ewan Ko Sa'yo

sunny

Two weeks ago, nagkaroon ng re-organization sa opisina.

Dahil paretiro na sa government service ang head ng Admin Division, naisip niyang emerge niya ito kasama ang aming division.

Okay lang naman.

Madaming trabahong nadagdag pero carry lang.

Di naman ganun karamihan.

Kahit walang dagdag sahod, sulit naman kasi mas gusto ko na matutunan ko ang flow ng transaction.

Problema lang nagkaroon ng isang mainit na discussion between me and my officemate.

Because we had a meeting prior to the said plan, we discussed that all the documents, reports or any transmittal regardless kung inter office man ito o sa labas, kailangan naming malaman.

So we came up with this new record management plan so we have trace back sa lahat ng documents na pumapasok at lumalabas.

It was a good idea actually.

Lahat kame involve sa nasabing plano.

Pero isang hapon, i had a hot discussion to this "ass----" sa opis.

I was busy doing the payroll and printing all the necessary supporting papers when this officemate of mine came to our division and asking Rhea about his travel orders.

Rhea was busy doing something (at hindi siya naririnig), i answered his question politely.

I even said "po' or "opo" to my sentence.

He said to me upfront: "Ewan ko sayo!"

Without any sign of joke to his face.

I was really frustrated to his choice of words.

"Tito kase alam ko yung mga travel orders dumating na last week pa? kase halos pinamigay na." i said

"Pakialam ko syo!" he told me

Parang nagpintig ang tenga ko sa narinig.

"Paano ko hindi malalaman eh nag emerge nga ang opisina di ba?" i said while sorting the supporting papers in front of me

"Bakit ka sumasagot? Ikaw ba tinatanong ko?" he said

"Eh may ginagawa kasi si Ate Rhea eh." sagot ko

"Bakit kaw ba si Rhea? Pangalan mo ba Rhea?" he shouted

"Pakialemero ka kase! Ihampas ko sayo tong notebook na to eh!" he said (trying to slap the notebook to me)

Hindi na ako sumagot.

Hindi dahil natakot ako or something pero at that point naisip ko na walang mangyayare kung sasagot pa ako o hindi.

I am not afraid if he will slap that notebook in my face.

Madali lang namang magsumbong sa civil service kung nangyare yon.

I know hindi ako ang tinatanong niya, aminado ako.

Aminado ako na dapat hindi na ako sumagot kase in the first place i am not Rhea.

But i answered his question politely.

POLITELY!

Sana nagkaroon lang siya ng kahit kaunting gracious act towards it.

Kase hindi naman ako nambastos or pabalang na sumagot.

I know most of the time i am making myself look stupid but not all the time.

There are times na hindi ako seryoso pero when it comes to serious matters, i am acting professional.

He created this kind of animosity inside me towards him.

I felt bad.

After that incident, i never spoke to him.

Kung hindi man kami mag usap or mag usap man kami.

I don't really care.

Okay lang kahit hindi na kami mag usap kahit kailan.

I've learned my lesson very well.

Never dwell into something lalo na kung hindi kaw ang tinatanong.

Kase regardless kung magalang o bastos ka mang sumagot, may mga tao talagang hindi iniisip bago ibuka ang bibig.

May mga taong wala sa mood.

May mga taong iniisip na mas superior sila because of their position.

Pero now, pakialam ko sa kanya.

Bahala na siya maghanap sa mga susunod na linggo sa kanyang mga travel orders at kapag dumating ang time na siya naman ang magtatanong (which i know malapit na!)...

I will tell him the same thing that he said:

EWAN KO SA YO!

LOL!

Posted by yebahboi 21:38 Archived in Philippines Comments (0)

What Happens in Bora, Stays in Bora.

Pero sa Part ko Hindi Yun Applicable!

sunny

Isang buwan na naman akong hindi nakapagblog.

Hindi naman sa ayaw kong magsulat pero madalas wala akong time.

Opo.

Ako na ang busy.

LOL.

Pero dahil ngayon ay araw ng Sabado at maaga aga akong nagising, kinuha ko na ang pagkakataong ito para magshare ng mga pangyayare sa buhay ko.

Sa isang buwang lumipas, marami rami na ring pangyayareng naganap.

Kaya ngayon gusto ko i sum up na lang lahat sa isang blog entry.

Mga event na may connection sa isang buwan.

Ready????

Okay.

February 19 - 21.

Nasa Boracay ako.

As an old saying goes: WHAT HAPPENS IN BORA, STAYS IN BORA!

Tomooooh!

Pero for me: What happens in Bora, you should brag it! LOL.

Hindi kaya lahat nakakapunta at nagkakaroon ng superb experience sa pinagpalang islang ito.

Second time ko ng pumunta ng Bora actually.

First time ko nakarating when the Supah friends and I decided to take a long trip.

A bad experience for a first timer.

I still remember first time kong sumakay ng barko sa kasagsagan ng bagyo.

Na feeling mo any minute pwedeng lumubog dahil ang lakas ng impact ng alon.

Parang 8 hours of earth quake.

Ganun!

First time ko pumunta sa isang isla na halos ikamatay ni Sam.

Opo muntik na siyang malunod sa famous temptation island na ito.

Buti na lang malakas ang loob.

Malaki ang joga! At may built in floater ang katawan, kung hindi, siya ay isang Sam in a box pagkauwi sa Manila.

Parang ganito lang siya during the Bora trip! LOL.

Sam1504.jpg

At ganito:

Sam1505.jpg

Daba? Ang saya lang!

LOL! (I love you bakes!)

First time ko rin sumakay ng erplen!

At dahil nga bumabagyo ang supposedly na 45 minutes trip ay umabot ng 4 hours sa himpapawid!

Daig mo pa ang pumuntang Japan or South Korea sa tagal.

Hehehe.

Isama mo pa sa masamang experience ang liit ng plane na sinakyan.

Asian Spirit!

Buti na lang we didn't fly as an Asian and landed as a Spirit!

LOL.

Basta maraming experience ang Bora trip na yun.

And i wanna keep it that way kase marami akong masasayang alala at that time.

By the way, doon din nasira ang camera ni Sir.

Dahil sa mga pictures na pinagkukuha niya habang umuulan ng malakas.

But anyway, dahil nag aya nga si ate pumunta ng Bora.

Sinamahan ko naman siya.

Kasama ang kanyang bestfriend na lalake at kanyang mga jupatid!

December pa lang ay nagpa book na kami.

Mura lang siya.

And i took the opportunity to take some photos of Bora.

Nag shoot at nagpakaitim lang ako ng todo sa isla.

At ginawa ang mga bagay na hindi ko naexperience nung unang punta ko.

Tulad ng:

Kuhanan ang beautiful sunset ng Boracay!

Ang ganda pala niya!

Amazing!

Wala kasi ang araw during my first visit.

Puro ulap.

Makapal na ulap at mahamog na panahon.

At malakas na alon at hangin.

Kaya heto ang mga resulta ng unang encounter ko sa sunset.

Beautiful!

Boracay.jpg

Heto pa.

Boracay2.jpg

At heto pa:

Boracay3.jpg

Speaking of photo opportunity, may bad experience ako sa isang tourist.

I guess she's from Slovenia or kalapit na bansa.

I was in the shore taking some photos when suddenly this middle age woman approached the shore with her daughter.

Take note: nasa likod ko sila and they went in front me.

While i was busy taking some pictures of the beach, she was furious and waving her hand on me and said: NO PICTURES! NO PICTURES!

I was taken aback on what she said.

I asked myself why.

"What? Pardon?" i said while i am holding my camera

"No pictures. No pictures. I am not taking my daughter a picture so please stop that!" sabe ng bilat na mukhang espasol

Parang nagpintig ang tenga ko sa kanya.

Ano siya celebrity?

Sumagot ako na may authoritarian voice.

Kase naman hindi ko naman siya kinukuhanan ng picture.

Why would i do that aber?????

"Excuse me, but i am not taking any pictures of you and your daughter. I just wanna ask, why would i do that? Even if you check my camera there are no pictures of you in here. And if ever i will capture a shot of you and your child, i would ask a permission. But i guess it is impossible coz i am not interested." sagot ko sa kanya sabay pagtayo ko sa kinauupuan kong buhanginan

Napansin niya siguro na napipikon na ako at siya na mismo ang humingi ng dispensa.

Putakels niya.

Akala niya dahil isa siyang turista at isa akong local e palalagpasin ko ang ginagawa niya.

Kaya siya na mismo ang umalis sa lugar.

Dinaman ako magpapatalo lalo na kung alam kong nasa tama ang sitwasyon ko.

LOL.

Filipino atapang na tao. Aputol a tutut hindi atatbo!

LOL.

Kinuha ko rin ang pagkakataong ito para makakita ng mga nag popoi dance.

Ang galing nila!

Gusto ko matutunan to sa totoo lang.

Parang ang astig lang.

DSC_0173.jpg

Mahilig kasi ako maglaro ng apoy.

Bwahahaha.

Another thing i did in Bora is to walk during night time.

Gabi kasi ang pinaka highlight ng isla.

Tuwing sasapit ang gabi doon mo makikita ang mga nocturnal na tao.

Parang bampira lang.

Lumalabas sila para gumimik.

We stayed in Station 2 at that time kaya pagkalabas mo palang sa hotel eh kita mo na lahat ng gimikan.

Kapag sumasapit ang gabi, doon nagsisimulang mag set up ang mga resto at bars ng kani kanilang lugar para mag anyaya ng mga guest.

Me and my companions decided to drink first in the hotel.

Para makatipid.

It was our last night that is why we want to spend it with a bang.

Around 1 in the morning we went outside and search ng mga gimikan.

Luckily, we saw this bar na free ang entrance.

Grabe mga tao dun.

Parang mga langgam lang.

Dahil lango na ako sa alak at that time, medyo aware na ako sa mga nangyayare sa loob at labas ng bar.

What is really frustrating at that time eh yung mga ibang "Filipina" na nakikipagharutan sa mga foreigners.

As i entered the bar, where our table is located near the Comfort Room, i saw this girl na nakikipaghalikan sa isang tourist.

I felt bad on her coz after that incident, the guy pushed her sa kanyang kasama.

Parang laruan lang na pinagsawaan at tinapon na lang basta basta.

Nagtaka bigla yung girl.

But i guess okay lang sa kanya kase sanay na siya ganung kalakaran.

The Bora night is something you must see if you decide to visit this island.

Ang daming happenings na hindi mo inaasahang mangyare.

I saw some gay couples kissing while they were dancing.

Some Koreans na nakikipagharutan sa mga kapwa Koreans.

We even had an encounter that night, when this American girl went to our table at biglang sumayaw sa mesa namin.

It was a blast!

Her boyfriend was really furious about it but we said it is okay coz we are all here to have fun.

Sabi nga: Bora is the place to be.

Everyone danced to the beat of Adele's disco mix.

I decided to slip myself to the crowd and makipagsayawan.

After all, i went there as a stranger and i will leave as a stranger.

LOL.

I had a blast if i may say.

Actually may nangyare sa Boracay that night.

Nakakatawang isipin pero i wanna keep it to myself.

It happened when i went outside to breathe some fresh air and allow myself to sit down and relax near the shore.

There this "person" na inintroduced ang sarili niya sa akin.

Nakakatawang isipin na tinigtignan na niya pala ako ng matagal sa loob ng bar.

Being a friendly neighborhood, naging mabait naman ako.

Nakipagkwentuhan.

At tumutulo ang dugo sa ilong dahil ang lalim ng inglis ng putah.

Hahaha.

We stayed there chatting and talking about things.

Syempre di ko naman binigay lahat ng detalye sa buhay ko.

Malay ko ba kung sino siya.

Bwahahaha.

Past 3 A.M. na yata ng pumasok ako sa hotel.

I bid my goodbye and i immediately called Peg about the incident.

Natawa lang siya sa nangyare.

Isang oras lang ako natulog and prepared myself for the departure.

Sa totoo lang, wala naman akong balat sa pwet pero kapag pauwi laging may cause of delay.

Una, ang 9:00 A.M. flight ay inabot ng 10:30A.M. dahil nga hindi pa raw dumarating ang erplen galing Manila.

Okay lang i told to myself.

I have time to sleep sabi ko.

Dumating ang oras ng departure at nakasakay na kaming lahat when the pilot announced that we will have a delayed flight due to the hydraulics failure.

We were advised to stay in the lobby.

Ang supposedly na 9:00 A.M. flight ay inabot ng 3:00P.M. flight!

Gusto kong sumigaw sa sobrang asar.

Pero wala naman akong magagawa kaya ang ending nagphotoshoot na naman ako.

Lakad dito.

Lakad doon kahit sobrang init at that time.

Nakarating rin kami sa Manila around 4:00 P.M.

And nakauwi sa bahay ng mga alas otso na ng gabi.

Sa totoo lang para akong nirape sa sobrang pagod.

Kaya ang ending, alas nuebe pa lang ng gabi:

TULOG NA AKO!

And i said to myself: What Happens in Bora, Stays in Bora!

Pero hindi yun applicable sa akin!

Hahaha..

Carpe Diem!

Posted by yebahboi 19:42 Archived in Philippines Comments (0)

A Night of Fun and Laughter (Part II)

sunny

Pagkalipas ng 15 minuto, bumalik si Jan.

Nakahinga ng maluwag si Sam.

Akala kasi ay tuluyan ng lumisan ang mahal na jowa.

Akala niya'y na turn off dahil sa mga natuklasan sa pinakamamahal na girlfriend.

Dahil pareho kaming nagyoyosi ni Jan, naisipan naming lumabas at panandaliang manigarilyo.

"Naiinis na si Sam kanina. Akala kasi niya ayaw kong sumama." wika niya habang humihithit ng yosi

"Diba prior ka panaman umuwi sinabihan na kita?" tugon ko

"Hindi ko alam na ngayon na pala yun" si Jan

"Ang dami ko kasing inaasikaso pagkabalik, inaayos ko mga papeles ko papuntang Singapore. Balak ko na kasi siyang isama dun" wika niya

"Ganun ba. Sana nga" sagot ko

Masaya ako para kay Sam. Sa wakas ay nakakita ako ng taong mamahalin siya at hindi siya paiiyakin.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Jan kay Sam.

Kahit hindi masyadong palakibo, nakikita kong nag-eenjoy naman siya sa gabing yon.

Bumalik kami sa loob ng resto at nakita naming tumatawa ang mga kaibigan.

Nagpahinga lang kami ng saglit at naisipan lisanin ang lugar.

Oras na ng inuman.

Pumunta kami sa kabilang kalye kung saan nakapark ang sasakyan ni Sar.

Nakita namin ang isang bar at pumasok pero hindi na rin tumuloy dahil sobrang ingay.

Marahil gusto lang namin ng isang gabi na katahimikan.

Marami rami rin kaming dapat pag-usapan.

Pagkukwentuhan.

Pumasok kami sa loob ng Clark Zone. Naghanap ng lugar na pwedeng makapag unwind.

Dahil sa Hot Air Balloon Festival na ginaganap,marami rami ring taong nagstay sa loob ng former base militar.

Marami rami ring taong nag-aabang sa nasabing festival.

Gusto man naming mag stay sa 7 eleven, nagkaroon ng shortage of cold beer.

Ayoko namang uminom ng beer na parang pinakuluan sa init.

Haleer! Beer yun hindi kape.

Okay lang sana kung mojitos o hard drink yun.

Kaya ang ending: Sa mini stop kami pumunta. Malapit sa Sutherland Call Center Office.

Tulad ng inaasahan, madaming taong nag-uumpukan.

Mga taong nag-aantay ng umaga.

Mga call center agents na nag-iinuman.

Wala kaming maupuan pero gumawa na lang kami ng paraan.

Opo, kami na po ang maparaan na tao.

Lumipat kami sa side ng establishment at doon nag set up.

Kaya ang kinalabasan, nakatambay kami malapit sa mga CR ng 24 hours store.

Pero keber lang. Importante magkakasama kami.

DSC_0082.jpg

Ang King and Queen of Hearts at that time.

DSC_0067.jpg

DSC_0097.jpg

As usual, kwentuhan, lokohan at asaran.

At walang humpay na tawanan.

Nakakatuwang isipin na kahit paulit-ulit ang mga kwentuhan at parang sirang plaka lang ang mga kwento, still, it brings back the laughter.

Call it weird, pero ganun talaga siguro ang magic ng friendship namin.

Na kahit ilang buwan kami hindi nagkikita, parang walang sayang na panahon.

Mag-aalauna na ng naisipan naming umuwi.

Hinatid kami ni Sar sa apartment ni Carmz.

Dun na lang kami magpapalipas ng oras bago pumunta sa Hot Air Balloon Festival.

Bago kami bumaba, may binigay si Sar sa amin.

3 ticket ng nasabing event.

DSC_0130.jpg

Arrrgh! Ang bait talaga ni Archimedes! Siya na ang generous.

Define generous!

Generous is a word that describes Sir.

Yun na!

Pumasok kami sa apartment ni Carmz.

May kaliitan.

Pero carrybells na.

Siya lang namang mag-isa.

If you will ask me how about Sam and Jan?

Ayun, nasa ibang room sila.

Medyo may kalasingan na si Sam so malamang naglaro sila ng jack stone.

Mahilig kase sa bola si Sam.

LOL.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala kaming tatlo sa isang maliit na bed.

Parang pinikit ko lang ang aking mata at pagkamulat eh gising na kaming lahat.

"Ikaw yung naghihilik no tol? tanong ni Carmz sabay tingin sa akin

"Hello. Hindi kaya ako natulog!" sagot ko habang nakatakip ang bibig

"Baka si Bacil!" depensa ko

"Sige na ako na ang naghilik. Kahit dinig ko sa unan ang ingay ng bibig mo BFF!" tawag sagot ni BFF

Share kase kaming tatlo sa isang malaking unan.

Kaya malamang ako talaga ang naghilik.

Hahaha.

Mahilig lang talaga akong mag escape goat sa nangyare.

Ayokong umamin.

Mga aalas kuwatro ng kami'y bumaba sa apartment. Sa may daanan napansin kong may isang sign sa dingding na nakuha ang aking atensyon.

"BAWAL MAG-EWAN NG TSENELAS SA LABAS".

Binasa ko ng malakas.

Natawa kaming lahat at hindi inisip na may mga taong natutulog pa sa 3rd floor.

Ewan ko ba kung bakit may pagka hyper ako at that time.

Sanay kasi akong hindi natutulog kaya ang energy ko hindi bumaba.

Nakarating kami sa may Clark Economic Zone ng makita namin ang haba ng pila.

Oh my Gooodnesss! Hindi namin naanticipate ang mga taong dadagsa sa event.

Buti na lang at maagap si Carmz.

Naisipang magtaxi.

Umikot ikot kami sa may Sapang Bato kung saan nakatira si Apl. De. Ap.

Kung di mo kilala si Apl. De. Ap. eh siya lang naman yung member ng Black Eye Peas at kumanta ng:

"Bebot.. Bebot.. Be.. Bebot.. Bebot.. Be.. (ikaw ang aking)"

Kung hindi mo pa rin kilala. Tae ka!

Ayun nakarating kami sa site ng mga ala singko ng umaga.

Dahil 3 nga lang ang ticket na binigay ni Sir, napagdesisyunan ni Sam at Jan na magpaiwan na lang sa labas.

Ayaw na nilang makipagsiksikan dahil sa sobrang kapal ng tao.

Okay lang naman yun sa akin kase alam ko enjoy naman si Sam the night before the Hot Air.

She was so HOOOOOOOT kaya that night!

Ewan ko lang kung narelease yung heat...

Keber ko na lang.

Chos!

Ayun, picture picture.

Pose. pose.

Ikot ikot.

Kuha ng picture dito.

Kuha ng picture don.

Nag-enjoy ako ng slight lang.

Hindi katulad ng last year na pumunta kami.

Sobrang kapal kase ng mga tao.

Hindi mo na maenjoy yung sight.

Idagdag mo pa ang alikabok sa lugar.

Ang sakit sa patilya!

Hahaha.

DSC_0154.jpg

Dumating din si Sir sa event at nagkita kita kami.

Halatang pagod at wala pang tulog.

Nag almusal lang kame at naisipang umuwi na.

Kailangang magpahinga ng todo.

Bago pa man kami makauwi, naging kalbaryo ang pagsakay ng jeep.

Ang daming nag-aabang if i may say.

Idagdag mo pa ang paghilab ng tyan ko.

Opo! Nagtatae ako that time.

Dahil siguro sa walang katapusang gulay na kinain ko the whole week.

To make the story short, nakarating kami sa Rob mga alas 10 ng umaga.

Sabay sa pagbukas ng mga mall.

At dun ko nilabas ang sama ng loob ko.

Buti na lang wala pang masyadong tao that time.

Natawa lang ako kase habang taimtim akong nagcoconcentrate sa puting trono, may narinig akong pumasok sa kabilang toilet.

Parang arm alight lang ang pwet.

Ang lakas.

Ang ingay ng pagbulwak ng tae.

Eewwww!

Kahit naisin ko mang ilabas ang aking jerboks, nahiya naman ako sa lakas ng kayang paputok.

Kung baga sa fireworks, five star lang akin, ang kay kuya ay Goodbye Philippines.

I swear on my lola's grave ang baho at ang lakas ng paglabas ng tae niya.

Nacurious ako kung sino ang nagpalabas ng vintage bomb na itey.

Kaya lumabas akong tahimik at umupo sa upuan na malapit sa CR.

Gusto kong hintayin kung sino.

Mga 2 minuto ang lumipas, nakita ko rin sa wakas kung sino.

Si manong Security Guardo Versoza pala.

Award!

Hahaha.

Sinarili ko nalang ang tawa.

Sabi ko sa sarili pareho lang kaming tumae, what makes it different from mine eh yung frequency.

Lumipat kami ni BFF sa may SM at naisipang magpa fezial.

Gusto ko ring magrelax at that time.

Kaya ang ending ng istorya.

Heto.

Si BFF naghilik sa spa!

DSC_0258.jpg

Great weekend everyone!

I love the supah friends!

Live.. Love.. Be Happy...

Posted by yebahboi 21:00 Archived in Philippines Comments (0)

Untitled

Just a morning thought

overcast

Just a quick post.

Wow! This is my 60th blog entry na pala.

How amazing!

Nung una nagblog lang ako para magkaroon ng diversion sa isang busy schedule.

But now, it became my source of detoxification.

This site became my sanctuary where i can put what's on my mind into words.

It became a habit.

A hobby.

My blog is like my baby kung saan nakikita mo siyang lumalaki at lumalago.

I feel proud of myself.

Kahit wala akong mga maraming readers i know there are "constant" readers of this.

And i wanna say thank you to all you guys!

You know who you are..

February 16, 2012.

8 years na rin pala ako sa trabaho.

Hihihi.

Sa trabaho ko nakilala ang mga tunay na kaibigan na magpasa-hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa rin.

I still remember, ayokong pumasok sa government but now i am happy.

Kase kahit hindi ganun kalaki ang sahod, no money can even buy the happiness within me.

Coz nakilala ko ang mga taong alam kong magiging kaibigan ko kailanman!

Kudos!

Live.. Love.. Be Happy...

Posted by yebahboi 19:19 Archived in Philippines Comments (0)

A Night of Fun and Laughter

overcast

Matagal tagal na rin pala akong hindi nakakapagsulat sa blog.

Wow.

Kahit may mga ilan ilan lang akong tagabasa sa mundo ng pagsusulat, gusto ko parin humingi ng dispensa.

Marami kasing ginagawa sa unang pasok ng February.

Daming dapat gawin.

Tambak sa trabaho at laging pagod pagkauwi galing sa maghapong trabaho.

Kaya ngayon, heto, nakakuha ng pagkakataong magsulat at magbahagi ng panibagong adventure ni yebahboi.

There are a lot of events and happenings na nangyare sa dalawang linggong pamamahinga.

Pero walang makakapantay sa isang gabi ng puno ng saya at ligaya kasama ang mga kaibigan.

Kaya gusto kong ibahagi ito sa inyo:

----------------------------------

----------------------------------

----------------------------------

----------------------------------

----------------------------------

Sabado.

Nagising ako ng maaga kahit wala naming pasok.

Dagli dagli akong bumangon at naghilamos.

Ginawa ang mga dapat gawin sa maghapon.

Naglinis ng room.

Check.

Nagcharge ng cellphone.

Check.

Nagcharge at naglipat ng mga pictures ng camera.

Check.

Kinausap si Pepeg bago siya matulog.

Check.

Nag-impake ng gamit.

Check.

Nagjakol!

Isang malaking Chhhhheeeeeeck.

LOL. Joke lang.

After magawa ang lahat ng dapat gawin. Dagli dagli na akong naligo at nagbihis.

Magkikita kita kasi kami ng mga Tsupa Friends sa SM.

Hindi naman halatang excited si BFF sa lakad naming magkakaibigan, kase naman, nakalimutan niyang dalhin ang kanyang phone.

Tinawagan ko kase bago umalis ng bahay.

Malas si Mudrax niya ang nakasagot.

Hindi ko alam kung galit o kung galit talaga talaga siya sa kabilang linya.

“Wala na ate niya. Umalis na!” tugon niya pagbungad pa lang sa telepono

“Okay thank you po..” humble voice

Natawa ako pagkababa ng phone.

Ayaw kase umaalis ni tita si BFF.

Weekend lang kase talaga ang kanilang bonding.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe ng magtext si Sam.

“Tang inang 4PM no? Anong petsa na! Saan na kayo?”

“Sa intersection.” Reply ko, kahit malayo pa ang babagtasin ko papuntang SM

Nakarating ako sa National Bookstore pasado alas kuwatro kasabay na rin ng pagdating ni BFF.

As usual. Yakap yakap.

Jump jump jump habang magkayakap at mahabang kumustahan.

Nakwento ko agad sa kanya ang nangyare sa phone conversation.

At natawa siya at nagkwento sa nangyare sa bahay.

Habang nagkukwentuhan, dagli dagli naming pinuntahan si Sam sa may Partyland kasama ang kanyang boyfriend - future husband to be.

Malayo pa lang kami ng makita ko ang isang babaeng may pagka "chubby" sa dulo ng mga upuan sa labas ng resto.

Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya.

Halatang blooming.

Halatang sabik sa lalake.

Chos!

"Tang ina tagal niyo no? Kanina pa akong ala una dito" bungad niya habang kayakap si BFF

"Tae ka. Sino ba nagsabe na dapat pumunta ka ng maaga? Di ba may lakad naman kayo talaga ni Jan, kaya nga maaga kayong umalis diba?" sagot ko habang pinagmamasdan si Jan

"Oo nga sabi ko nga" tugon niya

Dagli dagling tumayo si Jan upang ipakilala ang sarili kay BFF.

Nagkamayan lang kami ng kanyang jowa na parang matagal na magkakilala. Matagal na rin kasi siyang kaibigan sa facebook.

Inad niya ako.

Hindi ako ang nag add.

Hahaha.

After 20 minutes of patching up things, napagkasunduan naming kumain.

Gutom na rin kasi ako at that time.

Napagkasunduan naming kumain ng something "light".

As usual saan pa ba ang may light na food at laging lugar na kinakainan.

Hello kailangan pa bang imemorize yan?

Tokyo Tokyo!

Akala ko naman ililibre kami ng jowa ni Sam.

Sad to say, hindi.

We need to pay our own meals.

Harhar.

Umorder kami ni BFF ng share yakisoba at ng isang Shogun bagga (burger).

At ng onion rings.

Natawa si Sam sa amin kase heto ba raw ang definition ng light meal for us?

Duh?!

Pareho kaya kaming matakaw ni BFF.

After meal, nagtext na si Sar na parating na raw siya.

He asked me kung saan kami magkikita kita.

We said sa Starbucks.

Dumating si Sar mga around 7PM.

"Anong kape gusto niyo?" tanong niya agad

"Huwag na Sir. San mig Light na lang" tugon naming lahat

"Hindi. Kahit maliit lang habang nagkukwentuhan tayo?" akmang tatayo para umorder

"Ayoko Sir. Pero kung mapilit ka sige Sir isang Mint Mocha hot" sagot ko na nakatawa

Nagkatawanan kaming lahat.

Ganun talaga si Sir.

Spoiled kaming lahat sa kanya.

Isipin mo naman, he spared his busy schedule just to spent time with us.

How coooolll is that?

While Sir is ordering our coffee, sabay ang pagdating ni Carmz.

Wow pumayat si Mama.

Improving ang kanyang workout at ang kanyang diet.

Wala pa ring pinagbago sa outfit.

Shorts at shirt.

Tagal na rin kaming hindi nagkikita.

Months i guess.

Daming nagbago sa kanya.

Gaya ni Sam, mukha ring blooming.

Baka may lovelife kase panay ang hawak sa cellphone at tikitext din.

Assuming? Hehehe.

Habang umiinon ng kape, walang pigil naming binabanatan si Sam.

Hindi rin makapag react violently ang aming kaibigan kase nga pa girl ang drama ng bilat.

"Kayo talaga... Ihhhh tama na kaya?" lagi niyang sagot with her mahinhin voice

Puta yan!

Para lang siyang virgin mouth kung makapagsalita.

Para lang siyang uber sexy kung makasandal sa jowa.

Nakakatuwa siyang tignan.

Pero hindi naman ako nagpapigil sa lahat ng banat ko sa kanya.

Ewan ko ba, ang sarap kasi niyang inisin.

Pero mahal na mahal ko ang gagang yun.

Siya na yata ang isa sa mga kilala ko na walang kapikon pikon sa katawan pagdating sa mga kaibigan.

Me: Sam hah, sabi ko sa iyo wag mo muna isuko ang Bataan.

Sam: Ihhhh wag kang ganyan

Me: I'm just reminding you hanggang Bacolor ka lang

Sam: Oo na!

Sir: Buti naman at may pinakilala ka ng boyfriend

Sam: May boyfriend naman ako dati hah

Sir: Oo may boyfriend ka nga, pero imaginary lang

Hahaha.

Sam: Buti pa Sir umalis na tayo

Sir: Saan tayo pupunta after dito?

Sam: Kaw na bahala

Sir: Tang ina nyo ako na manlilibre ako pa ang mag-iisip kung saan?

All: Tawanan

Sir: Ano ba gusto niyo ngayon?

BFF: Kahit ano basta huwag lang pizza at chicken.

Sir: Okay tara na.

Dagli dagli kaming lumabas ng mall.

Binagtas ang NLEX at nagpunta sa may Balibago Angeles City

Destination: New York Supreme

Wow ang ganda ng place.

Ang daming tao.

As usual si Sir para lang artista.

Daming kakilala kahit saan mang magpunta. I even asked him while we are on our way why hindi siya humabol as a politician sa Angeles City.

Hindi raw niya feel.

Hindi raw niya genre ang pagiging politiko.

Wow! Siya na!

Siya na ang ayaw maging politiko.

Sabagay kung ako rin ayokong maging isang politician.

Parang kumuha ka lang ng batong ipupukol mo sa ulo.

Habang namimili ng kakainin ang mga kaibigan, napansin kong may wifi signal ang phone ko.

Kaya naman, I asked the waitress about the wifi password ng establishment.

Me: Miss pwede malaman ang password ng wifi niyo?

Waitress: Sorry hindi po namin pinamimigay

Taka naman aketch.

Me: Bucket meal? (why)

Waitress: Wala lang po. (Blank face)

Me: Ay ganun bakit may wifi pa kayo kung ayaw niyo naman pamigay. Buti pa ang mga ibang resto at ang SM libre.

Waitress: May binulong

Ano raw tanong ko sa sarili.

Nalaman ko na lang na binulong pala niya ay "Sa iba yun at sa SM!"

Tang ina much! Kung narinig ko lang sinabi niya yon sa harapan ko tatawagin ko ang kanyang manager.

At sasabihan kong turuan siya ulet ng proper conduct.

Sarap upakan.

What is ironic about it eh, she's not even pretty.

At may karapatan pang magtaray.

Idagdag pa ang kanyang flat chested breast.

Kinumpara ko nga ang kanyang twin towers kay BFF at i am happy to say malaki ang sa kaibigan ko.

Yung sa kanya parang kinagat lang antik na langgam.

Or may sugat kaya ang ending tinubuan ng kulani pero hindi sa kilikili pero sa harapan ng katawan.

I bet itim din nipples nun!

Harhar.

(Gosh why am i using some vulgar words right now??!)

Enough of her.

Dumating ang order namin.

Ang sarap ng food.

Di ba ayaw namin ng chicken at pizza?

Ang order ni Sir?

Pizza at chicken.

Hehehe.

Pero yung pizza ang amazing dun.

Kase it's thin crust.

Pinakita ni Sir kung paano kainin ang pizza.

You need to put some pesto paste on top of it and some organic leaf and alfalfa (alpalpa! whatever) and you roll it.

Then put it in your mouth and say.

Ohhhh lala!

Ang pait ng puta!

Ewan ko pero hindi ko trip.

Pero masarap dun yung salad at yung pasta.

Hind maalat at hindi creamy.

It's a nice dinner if i may say.

Heto ang mga pics.

New York Supreme. Home of the great pizza and pasta. Ang sosyal.

Parang narinig ko lang si Alicia Keys. New York! Concrete jungles where dreams are made of. There's nothing you can't do.

DSC_0010.jpg

As usual photo shoot ni BFF at ni Sam. Walang kakupas kupas.
DSC_0015.jpg

If i am not mistaken, this is calzone salad. Heto kinain ko ng bonggang bonga. Gusto ko na pangatawanan pagiging vegetarian sa totoo lang.
DSC_0017.jpg

The pasta. Ang sarap! Hindi siya creamy at heavy sa tyan. At hindi maalat.
DSC_0021.jpg

Si Sir trying to demonstrate how to eat the pizza with a twist. Keber ko! Hindi ko trip ang alfalfa at yung parang mustasa. Mas masarap yun sa burong hipon. LOL.
DSC_0026.jpg

Heto pa na isang klaseng pasta. I don't know ano ang tawag dito. Nagcompliment yung pesto sauce dun sa mismong pasta.
DSC_0035.jpg

Ang aking pinakamamahal na supah friends. Sayang hindi kumpleto ang barkada. Kulang si Jaime (hindi pwede kase magiging tatay na) at si Jackulin (ang madre ng barkada. Baka nagdarasal pa sa mga kaorasan na yun. LOL.)
DSC_0030.jpg

Anyway, nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ng biglang nag excuse si Jan para mag CR.

At nabigyan ng pagkakataong ipakita at isiwalat ni Sam ang kanyang nararamdaman.

Kanina pa pala niya pinipigil ang sarili para magsalita at magreklamo sa lahat ng banat namin sa kanya.

"Respetuhin nyo naman ako habang kasama natin siya. Nakakahiya. First time lang niya kaya sa ganitong klaseng usapan." bungad niya sa amin

"Ano ka bakla, pakita mo na kulay mo sa kanya. Magiging asawa mo na rin naman siya di ba?" tugon ni BFF habang gamit ang DSLR at kumukuha ng iba't ibang picture sa resto

"Kahit na. Kapag iniwan ako ng taong yun at hindi na bumalik kasalanan niyong lahat!" sabay turo sa amin isa isa

"Speaking of iwanan? Ang tagal naman niya sa CR?" tanong ni Carmz

"Baka lumabas na at hindi namalayan." sagot ko

"Ah loko, may daan dun sa loob ng banyo Sam alam ko. Baka umuwi na at iniwan ka" seryosong sambing ni Sir.

Ang tagal nga ni Jan napansin ko.

Mahigit 10 minuto na ang lumipas at hindi pa siya lumalabas.

Ano ang nangyari?

Tama kaya si Sir na may exit sa loob ng banyo?

O baka tumae lang?

O much worst eh nagdadalawang isip sa pagpapakasal sa aming kaibigan?

Baka naman hinigop siya ng toilet flush?

Ano nga ba ang nangyari?

Matutuloy pa ba ang kasal sa kabila ng mga panlalait at panloloko namin sa kanyang chubby girlfriend?

Itutuloy.........

Posted by yebahboi 04:41 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 31 - 35 of 91) « Page .. 2 3 4 5 6 [7] 8 9 10 11 12 .. »