A Travellerspoint blog

Afternoon Delight with BFF

sunny

Dalawang buwan na rin kaming hindi nagkikita ng mga supah friends.

Last time we met eh during the time ng Hot Air Balloon Festival.

Kaya bigla akong natuwa ng magtext si BFF.

"Musta na guys? Ano na balita?" she texted

"Aba nabuhay ang patay! Anong meron at bigla kang nagparamdam? Heto miss na kita ng sobra" i replied

"Dito na ako sa bahay. Wala ng trabaho kaya nagpasundo na ako kay mudrax!" tugon niya

"Talaga? So kailan tayo magkikita?"

"I'm free tomorrow. If you want bukas tayo magmeet at magbonding?" she told me

Ano nakain ng kaibigan ko at siya ang nag initiate ng lakad? I asked myself.

Dati rati kasi laging ako ang nagpaplano for the meet. Pero now iba.

"Okay see you tomorrow. Before lunch puntahan niyo ako sa opisina." tuwang reply ko

"Okay. See you tom BFF. Tulog na ako pagod sa biyahe eh. Good night! Muwah muwah Tsup tsup!!" baliw na sagot niya

I immediately called Sam to tell her the good news and the plan of meeting up.

Matagal tagal na rin kasi siyang nag-aayang lumabas.

Pagkasagot ng telepono, halatang bangag ang lola ko.

Umiinom pala ang baliw.

Sinabi ko sa kanya na dumating ang pusa at maglilibri ng Martes.

She said na mga after lunch pa lang siya makakapunta kase may gagawin siya ng umaga.

Okay fine.

Siya na ang mayordoma sa bahay.

Kase raw may maglalaba at kailangan niyang bantayan!

Kinabukasan, hindi na ako nag-uniform.

Undertime sa trabaho ang plano ko.

I brought my camera with me para may mga documentation akong magagawa.

Alas diyes ng umaga ng tumawag ako kay BFF to confirm kung tuloy ang lakad.

Hindi sinasagot.

"Another old story of her" nabulong ko sa sarili

But after an hour, nagtext ang mokong.

Napahaba raw ang tulog.

I decided to eat my lunch and wait for her till 12 noon.

Soon enough dumating na ang pusa.

As usual, pormang lalaki ng dumating.

LOL.

Mukha na namang tibo!

270_DSC_0224.jpg

Sad to say, hindi makakasama si Sam.

Nalasing daw!

Dumating ang pusa pero ang biik wala naman.

Hahaha.

First plan namin ay pasyalan si Sir Archie to his office and grab some coffee sa may SB Marquee.

Pero dahil nga lango sa alak si Sam, at hindi kami marunong magcommute ni BFF.

We decided to go to SM.

I called Sir to tell him about the plan.

Hindi rin niya sinasagot.

Nagmessage lang: "Sorry i can't answer your phone call at this moment."

Ansabeh?????

Pero tumawag naman siya to asked what our plan is.

Sabe ko nalang na pupunta kami ng SM and if he can follow just text us.

Around 2 noon na kami umalis ni BFF sa opisina.

Pinakilala ko na rin siya sa mga bago kong kaibigan.

Akala ng mga iba girlfriend ko si BFF.

Lagi na lang yun ang tanong sa akin.

Sorry pero hindi kami talo.

Pareho kaming may titi.

At para na kaming magkapatid o higit pa sa magkapatid ang turingan.

Dumating kami ni BFF sa SM around 2:30 in the afternoon.

Ang daming tao.

Ang init.

Hindi kaya ng aircon ng mall ang kapal ng tao na naglipana sa mall.

Unang destination namin?

Ang pambansang bookstore ng Pinas.

Ano pa?!

National Bookstore!

Kung meron man kaming magkatulad ng hobby ni BFF ay ang pagbabasa ng libro.

Nagkataong nag offer ng 20% discounts ang bookstore kaya ang ending nakabili na nanaman aketch ng bookies.

Mga books na matagal tagal ko ng hinahanap!

A Thousand Splendid Sun by Khaled Hosseini!

Photo1556.jpg

Nais namin sanang manood ng sine pero hindi kaya ng oras eh.

Gusto ko sanang panoorin ang Hunger Games kasama si BFF.

Pero 4:30 pa ang susunod na viewing time.

At matatapos ng 7 ng gabe.

Hindi maaari!

Hindi kami maaaring magpagabi.

Strict ang peyrents namin lalo na mudraz ni Bacill.

Napagdesisyonan na lang namin na mag ikot ikot sa mall.

Dahil i downloaded a photography e-book, naghanap agad ako ng mga led lights.

Gusto ko kasing gumawa ng light writing experiment.

Parang ang saya lang magsulat at magshoot na gawa lang sa ilaw ang image.

Pumunta kami sa may Ace Hardware.

Wala rin.

Medyo may pagkatanga lang yung napagtanungan.

Kasi naman i asked kung may LED light stick sila he said meron.

Kinuha yung LED light na bombilya.

Ang sakit sa patilya.

Pero malay ba nila yung led light di ba?

So i gave him the benefit of the doubt and left the store after.

Kumain na lang kami sa aming peyborate food chain.

Ang Tokyo Tokyo!

Medyo busog pa ako that time.

Si BFF nag lunch din.

Pero daig pa niya ang naglilihi sa inorder!

Pork Tonkatsu.

Tempura.

Miso soup.

Red iced tea.

Peach jelly for the dessert.

DSC_0242.jpg

Isang Giant Baggah! (burger)

DSC_0241.jpg

If you are asking me why baggah, asked Daniel Matsunaga.

According to him in his commercial: "In Japan we call it baggah!"

Tanga lang siya kase in Pinas we call it berjer!

Parang call center agent lang na may parang nakalagay na kutsara sa ngala ngala kapag nagsasalita????

Yun ganun yung tamang pronunciation ng burger!

Berjer!

O ha may bago kang natutunan!

But anyway, parang hindi naman gutom si BFF ano?

Parang gusto ko awatin sa pag order.

Pero hinayaan ko lang. Treat niya.

Who am i to disagree and complain.

Im just a simple boy with a simple dream.

To eat the giant baggah!

LOL.

DSC_0246.jpg

As usual, lafang lafang ang drama namin.

Tahimik kaming nagkukwentuhan when i saw this couple in front of me doing some PDA.

No! Hindi Phil. Dental Association ang tinutukoy ko.

You know the Public Display of Anggas!

Hahaha.

Affection!

I was eating my tempura when i saw this couple na naglalampungan.

Nasa sulok kase sila kaya hindi masyadong halata.

The boy is kissing the girl to the point of licking her neck and ears.

Hihihi.

Hellow! Go to the nearest motel bulong ko (Inggit much!)

Ang lapit lapit na nga ng Sogo Hotel bakit hindi kaya nila dun ilabas init nila sa katawan.

Gusto ko na nga ibigay yung discount card ko sa kanila para magtikiman silang dalawa.

Haaayyy, sensiya!

Inggit lang.

Dagli dagli kaming umalis ni BFF pagkatapos kumain.

Marami rami kasi kaming gustong puntahan.

We went to Cyberzone area of the mall to see if there's LED light.

Last chance na lang namin ang CDR King.

Kung wala dun, malamang wala na kaming makikita.

I was really amazed to see establishment.

Ang dami na nilang produkto.

Nakakamangha na kahit mga electronic signage meron na sila.

Pati refrigerator at LED TV meron na!

Huwaaat???

Kulang na lang, gagawa na sila ng softdrinks or much worst mga sanitary napkins.

LOL.

As expected, wala rin silang LED light.

Meron sila pero hindi battery operated.

I lose my hope na.

Kaya ang ending umeskapo na kami ulet bago pa kami maghintay sa sobrang damakmak na taong bumibili.

Paalis na kami ng Cyberzone ng biglang napahinto si BFF.

Ang galing, may nakita siyang LED light store.

Napa clap clap ako sa tuwa!

Sa wakas nakahanap rin.

"Pano mo nakita BFF?" i asked her

"Oh well, kung ikaw eh may queer eye sa mga celebrity, ako sa mga gadgets at hard to find stuff" tawang tugon niya while looking at the light keychains

"Oh, ikaw na!" sagot ko habang namimili ng mga led light

May kamahalan sila pero carry bells na.

Importante nakahanap na ako.

At masaya ako!

Pumunta rin kami sa may Artwork.

Yung store ng mga damit na may mga work of art?

Nakabili rin ako ng damit na 50% discount.

Sayang lang kase may isang damit akong gusto pero hindi kasya.

Medyo may kaluwagan sa aking semi fit body. LOL.

We end our afternoon trip sa may Robinson's Starmills.

Naghanap hanap lang kami ng mga libro at mga stuff sa may Japanese Surplus.

Ikot dito.

Ikot doon.

Halukay dito.

Halukay doon.

Yan ganyan ang drama namin.

Mag-aalasais na ng gabi ng bigla kong maisip na kailangan ko palang bumili ng underwear.

Medyo may pagkawa Willie Garte na pala mga briefs ko sa bahay.

Willie Garte - No Garter - Bacon!

Kaya ayun, nagpunta kami ng Dickies.

You know Dickies?

Those Dickies that na paborito ni Sam.

That's Dickies.

LOL.

Naghanap ako ng mga briefs na kulay black.

Actually maganda kasi ang quality ng mga underwear nila.

Matagal ang life span ng mga garter at hindi agad naluluma.

You can use it up to 5 years i guess.

Napaka accomodating ng saleslady i swear.

Sobrang bait niya magcheck at mag ask ng mga anik anik to me.

And when i told her na i like it black, naghanap talaga siya sa loob without any hesitations.

Gora lang siya pumasok sa bodega to check if there's available black briefs.

I salute her.

Magbabayad na sana ako para makauwi ng biglang nawalan ng ilaw!

Photo1555.jpg

Ramdam mo yung sigawan sa loob ng mall.

First time kayang mangyari yun sa akin.

Nakakatawa yung tili ng mga babae.

Parang hinawakan o minanyakan lang sila at ang lakas ng hiyaw.

Parang naipitan ng alam mo na. LOL.

Parang hindi sanay sa brownout.

Hahaha.

After 5 minutes bumalik naman yung kuryente.

May ilaw na.

Nakakatawa lang yung mga ibang stores kase nagsara pa talaga sila ng mga establishments.

Feeling may magnanakaw.

I was about to pay my stuff ng biglang magtanong si saleslady.

Saleslady: GF niyo yung sa labas sir? (BFF) Ang dami niyang tattoo hah?

Me: Hindi kapatid ko siya.

Saleslady: <smile> Talaga Sir, mukha kayong magbf.

Me: Hehehe. Lagi nalang sinasabi yan sa amin.

Saleslady: Hindi po kase kayo magkamukha

Me: Ah oo, tatay niya kase Koreano. Nepalese naman tatay ko. Pokpok nanay namin eh.

Saleslady: Jaw drop. Hindi na nagtanong.

And silently gave my change.

Of course i wanna end the day with a bang di ba?

Harharhar.

Live.. Love.. Be Happy...

Posted by yebahboi 22:42 Archived in Philippines Comments (1)

Sana . . .

overcast

I grew up listening to Apo Hiking Society's music.

They are one of my favorite OPM artist.

Listening to their music until now, makes me nostalgic of the moments that i had with my family, friends and the people that i'd met.

One of my favorite song of them is Batang bata Ka pa.

It reminds me of my childhood days with my auntie who kept me grounded when i was growing up.

I am amazed how they created a song that resonates its meaning to their listeners.

Until now, when i find myself disoriented i'll just play their music and voila! I am okay.

I love how they manage to stay in the business for more than a three decades i guess.

Though they already retired in the music industry, Apo Hiking Society is a Filipino artist that we must be proud of.

What sets them apart is the idea of having a three member group with own individuality.

Each member has its own unique characteristic.

Hindi sila isang music icon na nabibilang sa isang pangkariniwang grupo.

Kilala bawat miyembro.

Walang sapawan.

Walang Jim, Buboy, o Danny.

Meron lang Apo!

At bawat isa ay may kaniya kaniyang personalidad.

Last Tuesday night, i had this chance to watch Sir Jim Paredes' interview with Mel Tiangco.

His interview is a breath of fresh air.

Mas nakilala ko si Sir Jim.

Ang dami pa pala niyang gustong gawin sa buhay niya.

Jack of all trade na tao.

Aside from being a musician.

He has a blog.

He teach.

He is a photographer ( had an exhibit twice!)

He is a writer. (wrote three books!)

A columnist. (writes column in Phil. Star)

At madami pang iba.

Woooah! What a great man! Galing galing!

What i love during the interview was his attitude.

He is a self proclaimed nationalist.

If i am not mistaken, he works for PNoy.

But i don't know exactly what post he is into.

Ang galing niya sobra.

Makikita mo sa aura niya na ibang level ang katalinuhan.

He shared his everyday routine and i found out that he spend most of his time writing, checking his facebook and twitter.

How amazing!

Gustong gusto ko yung mga post niya sa mga blog.

Dami ko natututunan.

Malalim na tao.

I want him to be my friend even in Facebook.

So as write this entry, i decided to give it a try.

I searched his name and click the "add friend" button.

I must admit, i have this apprehension at first.

But i decided to give it a try.

But sad to say, it was unable due to over pending of friends request on his account.

I sent him a message and asked if i can add him.

I hope he will reply.

And i am hoping he will add me as his friend.

And if ever man na matupad yun? He will make me happy.

Sana.

Fingers cross!

Posted by yebahboi 21:33 Archived in Philippines Comments (0)

Bawal Lumaklak ng Alak! Gatas na Lang Raw!

Ano ako Bale??? Duh!

sunny

Sabi nila masama ang alak sa katawan.

It can cause liver cancer.

Nakakabutas ng bituka.

At higit sa lahat nakakahirap ng buhay.

Alam ko naman yun.

Pero diba lahat ng manginginom gusto lang natin talaga ang malasing habang kasama ang mga kaibigan.

Yun ang sense ng pag-inom.

Enjoying the moment with friends.

Mapa good times or bad times, laging kasama ang isang bote ng alak.

Aminin natin mga tomador!

Sa totoo lang madalas kami mag-away ni mama dahil sa habit ko na pag-inom.

Lagi niya sinasabi;

Hindi mo naman matatalo ang alak!

Lagi ka nalang umiinom!

Uminom ka na lang ng Gatas!

Huwaaaat?

Ansaveh?????

Gatas?????

Ano yun? Formula milk for babies?

Kakaloka lang banat ni nanay!

Pero may point si nanay sa sinabi niya.

Aside from the fact that milk is nutritious and rich in calcium, maganda siya sa kutis.

However ang panget naman yata kung gatas ang iinumin kapag may problema.

Pag may party!

Pag may birthday!

Pag may pinagdadaanang pagsubok.

Mas maganda pa rin ang alak!

Pangit naman yata kung sasabihin mo mga ganitong linya kung gatas ang pipiliin mo kaysa sa gatas.

Sample:

"Pare, birthday mo ngayon! Padede kanaman!"

or

"Pare pumasa anak ko sa bar exam, magpapadede ako mamaya!"

Another example:

"Anibersaryo niyo ng gf mo pare, sabihin mo naman padede siya!"

or

"Pare, pagkatapos ng kasal, magpapadede ba kayo?"

Pang-asar baga. LOL.

Tapos kung may problemang pinagdadaanan, ang sagwa kung sasabihin mong:

"Pare, may problema ako, tara tulungan mo ko, dede tayo sa kanto!"

o kaya naman, "Mare, asan si pare? Dumedede na naman?"

Hahahaha.

Ang panget ng putah!

Ang bastos din kung sasabihin sa isang kaibigan na tumama sa jueteng o lotto ang ganitong linya:

"Pare (mare) nanalo ka pala sa jueteng (lotto) pwede ka bang magpadede?"

Malamang upak ang kalalabasan ng ganung eksena.

Kaya mga kaibigan, kapag sinabi sa inyo ng isang tao na mas maganda ang gatas kesa sa alak.

Sabihin nyo: "Bakit magpapadede ka ba kung gatas?"

Not unless, nanay o kamag-anak ang nagtanong sa inyo!

Hahaha.

Happy Tuesday Everyone!

Posted by yebahboi 20:26 Archived in Philippines Comments (0)

Si Manong Vase

overcast

Mabilis lang to.

Gusto ko lang i share ang isang karanasan na nangyare dalawang oras na ang nakakaraan.

Gusto ko 'tong ibahagi bago malipasan ang nararamdaman kong emosyon tungo sa isang hindi ko maipaliwanag na event today.

Alas nuebe ng umaga, ng tahimik akong nagtatrabaho.

As usual, nasa harap na naman ako ng aking computer at ginagawa ang mga sandamakmak na reports.

Nasa kabilang side ko si tita Donna at nakikipagkwentuhan kay Tita Jet.

Biruan.

Asaran.

Tsismisan ng mga panibagong nangyayare sa loob at labas ng opisina.

Busy akong pinupunan ang mga data sa aking report ng biglang bumukas ang pinto.

Akala ko kung sino.

Tindero pala.

Sa totoo lang, madami daming nagpupunta sa opisina para magbenta ng kung ano ano.

Mula sa mga panyo, mga gamit sa bahay, bed sheets, blouses at even underwear.

Yeah, you heard it right. UNDERWEAR!

Pero ang tinderong nagpunta ay isa sa mga kakaibang naglalako na aking nakita sa higit kumulang 8 taon ko sa trabaho.

Kase ang binibenta niya ay isang malaking vase.

Alam mo ba yung vase na nakalagay sa sala na may mga 4 feet ang taas?

Yung parang chinese vase na nilalagay sa living room na pwedeng lagyan ng mga ornaments?

I know you are familiar to this.

Imagine how big and heavy that vase is!

Manong asked us kung gusto naming bumili.

Some of us didn't even bother to ask how much it is.

Maybe we find it absurd kase paano mo nga naman iuuwi ang isang malaking banga sa bahay.

Idagdag mo pa yung dahilan ng iba na nakabili na sila.

Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman that time.

Bigla akong naawa.

"Ganon po ba? Pasensya na ho kayo hah!" he said, ng mapansin niya na hindi kami halos interesado

That line created a big impact in me.

It created a big lump inside my chest na parang sasabog ako.

I saw his eyes.

Tears are starting to form sa mga mata niya.

Naramdaman ko ang pagod niya.

Bigla kong naisip, sino ang taong magbebenta ng isang bagay at hihingi ng dispensa dahil hindi interesado ang mamimili?

Sino ang taong mag-iisip magbenta ng vase na alam niyang kasagsagan ng kahirapan?

Marahil may malalim siyang dahilan.

Regardless kung ano pa ang dahilan niya, nakaramdam ako ng unexplainable feeling.

Gusto kong umiyak right at that moment.

And i did.

Honestly, umiyak ako.

Hindi ko lang pinahalata.

Dagli dagli lumabas si manong sa pintuan.

Nasa harap ako ng computer pero hindi mawala sa isip ko ang eksenang naganap.

Bigla kong naisip si tatay.

Naisip ko, paano kung si tatay yun?

Paano kung ireject siya?

Paano kung 4 na oras niyang binubuhat ang vase pero walang bumili?

Sayang ang pagod.

Sayang ang pagbubuhat.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

Dagli dagli akong tumayo at kumuha ng pera sa wallet.

Hinabol ko siya.

At inabot ang pera sa palad niya.

Sinabi ko: "Hindi ko ho mabibili yan pero sana makatulong to?" sabay abot sa pera

"Salamat boss! Salamat!" tugon niya sa akin at umiyak siya

Pagkasambit ng mga katagang yon, tumalikod na ako.

Ayokong makita ako ng mga kaopisina sa ganung pagkakataon.

Sabay ng pagtalikod ko sa kanya ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Call it weird.

Pero naisip ko lang ng mga oras na yon.

Gusto kong makatulong.

Hinahangad ko ang makatulong.

Hindi man kalakihan ang naibigay kong pera sa kanya, enough na sa akin na alam ko kahit papano nagkaroon ako ng pagkakataong iabot ang kamay ko sa kanya.

Wika nga nila:

"What we do to ourselves dies, but what we do for others remain. We make a life out of our living, but we reach out to others by giving".

Live.. Love.. Be Happy...

Posted by yebahboi 20:27 Archived in Philippines Comments (0)

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

A Movie Review Kuno.. LOL..

sunny

Nahihilig ako ngayon sa mga "indie" movie.

O yung mga tinatawag na mga independent movie na gawa ng mga independent director.

Ibig sabihin, mga pelikulang hindi masyadong pinagkagastusan pero may laman ang istorya.

Marami rami narin akong napanood na mga pelikulang nasasakop sa ganitong uri ng sinematograpiya.

Bilang isang manonood, masasabi ko na ang pelikulang Pilipino ay unti unting nagkakaroon ng malawak na kamalayan na nagbibigay kahulugan sa saklaw ng takbo ng lipunan.

Sumasalamin sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Pang-araw araw na buhay ng mga ordinaryong tao na hindi "masyadong" naisasalarawan sa mga tipikal na pelikulang pinalalabas sa makabagong panahon.

Ang mga independent movies ay isang aspeto ng sining na nagbubukas ng bagong kamalayan sa akin na hindi kailangang "marketable" ang nasabing pelikula.

Tulad ng mga baguhang direktor, ang paggawa ng nasabing pelikula ay nagbibigay ng pagkakataong sakupin ang buhay ng ordinaryong tao sa isang ordinaryong pagkakataon.

Minsan o madalas pa nga, ang mga nasabing pelikula ang nakakatanggap ng mga pagkilala hindi lamang sa Pilipinas pero sa ibang international critics award giving bodies.

Isang patunay na rito si Direktor Mendoza na nagbigay karangalan sa pagkakapanalo bilang Best Director sa Cannes Film Festival.

Akalain mo yun? Napatumba niya ang mga international directors kabilang na si Ang Lee.

Oscard awardee yun!

Makes me proud to be a Filipino at maging isang true blood Kapampangan.

Last week, nagkaroon ako ng pagkakataong mapanood ang isang pelikula na gawa ng isang independent producer at director.

Heto yung isa sa mga masasabi kong pelikulang saklaw ang buhay ng isang ordinaryong Pilipino.

Buhay ng isang Pilipino na maaaring marami ang makakarelate.

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

large_maxi.jpg

Marahil marami sa inyo ang napanood o nagkaron ng ideya kung ano ang pelikulang nasambit.

Ito ay pinalabas noong 2005.

Matagal tagal na rin.

Kung hindi ako nagkakamali, mga dalawang beses ko na tong napanood.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon ko palang nasabing "maganda" at "malaman" ang istorya.

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ay idinerek ni Aureus Solito at hango sa panulat ni Michico Yamamoto.

Kung hindi ako nagkakamali, kasama rin dito ang mga creative ideas ni Ricky Lee at mga estudyante niya sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang pelikula ay umiikot sa buhay ni Maxi na ginampanan ni Nathan Lopez. Isang batang lumaki sa piling ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid na sina Boy at Bogs (played by Neil Ryan Sese and Ping Medina respectively) at tatay niyang si Paco (Soliman Cruz).

Si Maxi ay bunso sa pamilya at isa siyang nagdadalagang "bading". Isa siyang mabait na anak na kung saan siya ang nagluluto at nag-aasikaso sa kanyang pamilya. Siya ang inaasahang mag asikaso sa gawaing bahay at pagsilbihan ang kanyang ama.

Siya ay isang typical na nagdadalagang bading kung saan pinapakita niya ito sa kanyang araw araw pakikpagsapalaran.

Nagsusuot ng damit pambabae.

Naglalagay ng bulaklak sa tenga at palamuti sa kanyang mukha.

Pakendeng kendeng kung lumakad.

Ang tanging hilig ni Maxi ay ang panonood ng mga pelikulang may tema ng romance.

Marahil pinakita dito na ninais niyang maging isang ganap na babae at makatagpo ng isang lalake na magmamahal sa kanya balang araw.

Si Maxi ay isang masasabing maalaga at masunuring anak at kapatid. Kaya siguro mahal na mahal siya ng kanyang pamilya at hindi kinakitaan ng anumang pagmamaltrato sa kanya.

(Isang scene na gusto ko dito ay nong naglambing sa kanya ang kanyang kuya bogs at nagpatirintas sa kanya.)

Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang kuya sa kanyang bunsong kapatid.

Ang kanyang pamilya ay lumaki sa isang iskwater at salat sa kahirapan.

Tanging kinabubuhay lang nila ay ang pagnanakaw ng kanyang ama at mga kapatid.

Hindi lingid sa kaalaman ni Maxi ang hanapbuhay ng pamilya at ni minsan ay hindi niya kwinestyon ang ilegal na kabuhayan ng pamilya.

Nagsimula ang ikot ng istorya ng dumating sa buhay niya ang batang pulis na si Victor (played by J.R. Valentin).

Pauwi na noon si Maxi ng bigla siyang pagtripan ng mga lasing na tambay at dumating ang pulis upang ipagtanggol siya.

Simula noon, umusbong ang paghanga at pagbibigay ng halaga sa bagitong pulis.

Naging matalik silang magkaibigan at unti unting nakaramdam ng natatanging damdamin si Maxi kay Victor.

Pinagdadala niya ito ng pagkain sa prisinto at sinasamahan hanggang makauwi.

Ngunit ang magandang samahan ay unti unting nagkaroon ng suliranin ng minsang masangkot si Boy (Maxi's brother) sa isang krimen.

Dito papasok ang hamon upang sukatin ang katapatan ni Maxi sa kanyang pamilya at sa natatanging kaibigan.

Kung susukatin ang kabuuan ng pelikula, masasabing kulang ito sa teknikal na aspeto.

Medyo may kadiliman ang ilaw at may kagaspangan ang galaw ng kamera.

Ngunit kung susumahin ang kalidad ng isang "independent film", masasabing nahigitan nito ang kategoriyang ito.

Hitik ito sa mga tagpong may tagos sa puso.

Malalim na pinag-isipan ang bawat tauhan at kung paano binigyan ng hustiya ang bawat karakter.

Katangi tangi ang patalakay sa realidad ng isang pamilyang salat sa pamumuhay at walang ibang paraan upang mabuhay kung hindi ang magnakaw.

May lalim ang pagbibigay buhay sa bawat katauhan: mula sa isang amang iligal ang trabaho ngunit mapagmahal sa kanyang mga anak, kuyang sumusuporta sa kanyang mga kapatid, pulis na namulat na ang pagiging pulis ay hindi isang trabaho kung minsan ito ay uri ng karahasan, at isang homosexual na nagsisimulang umusbong ang pagmamahal at tanging pagsinta sa unang pagkakataon.

Kung isasalarawan ko ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, ito ay isang pelikulang dapat panoorin at dapat tularan ng mga bagong director na gustong sumabak sa paggawa ng ganitong klase ng sining.

May laman.

May istorya.

Makatotohanan.

Ang pagtalakay sa bawat aspeto ng pamumuhay ng pamilya Oliveros ay sumasalalim sa buhay ng ibang Pilipino. Maaaring may mga eksena na masasabing pwedeng mangyare ito sa atin.

Pinakita rito ang realidad ng buhay.

Pinakita ang kapangitan at walang dinagdag upang maging maganda ang pelikula.

Tinalakay dito na hindi nasusukat ang pagkatao ng isang indibidwal base lamang sa karahasang nakikita sa panlabas.

Ang pagtanggap ng pamilya sa "kaibahan" ng isang miyembro nito at pagbibigay suporta at maluwag na pagtanggap sa pagkatao nito.

At pag agapay sa tuwing babagsak ito.

Ang pelikula ay may isang malalim na istorya at kailangang bigyan ng kaukulang pag-unawa sa bawat eksena.

May lungkot sa dulo nito pero kung susumahin, ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ay isang pelikulang dapat panoorin ng isang mapanuring manonood.

Great Saturday everyone!

Heto pala yung soundtrack ng pelikula na kinanta ni Bayang Barrios.

Posted by yebahboi 21:26 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 26 - 30 of 91) « Page 1 2 3 4 5 [6] 7 8 9 10 .. »