A Travellerspoint blog

Untittled

sunny

Mag-iisang buwan na rin akong hindi nakakapagblog.

Matagal tagal na rin.

Heto na yata ang isa sa mga pinakamatagal na period na hindi ako nakapagsulat.

Madami kasing nangyare sa mga nakalipas na araw.

Daming nangyare.

Hindi nakaya ng powers ko.

Muntik na akong himatayin sa mga events-activities-happenings na nangyare.

Daig ko pa ang artista.

Kaya heto gusto ko lang ishare kahit wala namang taong gustong malaman kung ano pinaggagagawa ko sa buhay.

Simulan na natin.

Una, before the month of April ended, my muder and i were talking inside my room.

I asked her kung ano ang gusto niya ipagawa sa bahay dahil nga darating na ang aking midyear bonus.

After i said it, she told me na hingi raw siya ng pampacheck up.

She was bleeding daw for days na.

I was shocked when i heard what she said.

My muder is too old enough to have her monthly menstruation no!

So kahit wala akong pera, i gave her the money para pampacheck up.

Kinabukasan, kasama kapatid ko nagpunta siya sa kanyang Obstetrician.

The doctor told us na may bukol si nanay sa kanyang cervix.

And she needs to go undergo several tests at endoscopy.

Natakot ako bigla.

Hindi ako makapag isip ng maayos.

Umiyak na si ate when she broke the news to me.

Nasa trabaho ako nun.

Umiyak rin ako.

Bakit bukol?

At bakit kailangan endoscopy agad na may kasamang biopsy?

Hindi ba pwedeng ultrasound muna?

Daming naglaro sa utak ko nun.

Apat na araw akong hindi dinalaw ng matinong tulog.

At naisip mga posibleng mangyare.

Paano kung cervical cancer yun?

Saan ako kukuha ng mga pera?

Paalis pa naman si ate at lahat ng ipon ko napunta sa kanya para sa initial deposit for her papers.

Paano kung nawala si nanay?

Kakayanin ko ba?

Basta ganun ang pakiramdam.

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos.

Kahit kalagitnaan ng trabaho iniisip ko sitwasyon niya.

Gusto sana ni nanay na sa katapusan ng buwan na magpatest.

I insisted.

Madaling kitain ang pera pero ang health ng nanay ko hindi.

Binigay ko agad ang pampacheck up at sinabi ko na huwag na ipagsawalang bahala ang nakitang bukol.

Kinabukasan.

Nagpacheck up ulit si mama.

Natapos ang endoscopy at isang linggo pa raw bago malalaman ang resulta.

Sa mga panahong yon, nakita ko ang takot sa mga mata ni ate.

Naramdaman ko rin ang kaba.

Hindi ko pa kayang mawala nanay ko.

Hindi ngayon.

Hindi pa bukas.

Hindi ko pa kaya.

Ganun ako kaclose kay nanay.

Lumipas ang mga araw pero hindi lumipas ang isang oras na hindi ko naiisip ang kalagayan ni nanay.

Tinawagan ko lahat at tinext mga kaibigan ko para ipagdasal si nanay.

Yun lang pinanghahawakan ko sa mga panahong yon.

Mga dasal ng mga kaibigan kasama si Pepeg.

Dahil sa nangyare nagkaroon kami ng pagkakataon ni pepeg na mag-usap.

At naging mas close ulet.

She assured me that things will be better.

We had an agreement na we will pray together till we reached nine days.

Parang novena.

Hindi pa dumarating ang huling ika siyam na araw ng biglang tumawag ang doctor ni nanay.

Lumabas na raw ang resulta.

To make the story short.

Lumabas na ang resulta ng kinatatakutan ko.

Negative si nanay sa cancer.

At nawalan ako ng tinik sa lalamunan.

Kaya yun ang story kung bakit hindi ako nagkakaroon ng pagkakataong magblog.

Dahil sa kalagayan ni nanay.

Posted by yebahboi 21:16 Archived in Philippines Comments (0)

I Loooove BIRDY!

sunny

Okay aaminin ko na.

Simula ng maghiwalay kami ni Pepeg.

Wala akong naging kasama kung hindi ang aking Birdy.

Simula ng matuklasan ko siya, wala na akong ibang gustong gawin kung hindi laruin siya.

Magkukulong ako sa kuwarto at laging siya ang pinaglalaruan.

Hindi ako nagsasawa.

Umaga.

Pati sa opisina.

Hanggang sa pagtulog.

Walang oras na hindi ko siya tinignan o hinawakan.

Kakaiba ang sensasyon at ligaya ang naibibigay ni Birdy.

Para akong napupunta sa ibang dimension.

Kakaiba man ang kanyang porma.

Weird man ang kanyang itsura.

Gustong gusto ko siya tinitigan.

Madalas pa nga napapapikit ako sa tuwing siya'y aking nilalaro.

Nag-iimagine na nasa ibang kalawakan.

Malayo sa kabihasnan.

Malayo sa magulong buhay.

Gusto mo ba makita ang aking Birdy?

Huwag kang mabibigla.

Baka pati ikaw mahumaling sa kanya.

Handa kana?

Kahit nahihiya ako, ipapakita ko na siya.

First time ko tong gagawin.

Pero wala namang mawawala.

Lahat naman tayo may kanya kanyang tinatago.l

May kanya kanyang trip.

Kaya heto na si Birdy.

  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********
  • ********

birdy.jpg

Yan si Jasmine van de Bogaerde.

O mas kilalang sa kanyang stage name na Birdy.

Ang aking bagong artist na pinapakinggan.

Basta nakita ko lang siya at pinakinggan ang kanyang musika.

Malalim.

Masarap pakinggan.

Masarap paglaruan sa tenga.

Hindi nakakasawa.

Napakabata sa edad na kinse.

Ngunit ang talento sa pagkanta at pagtugtog ng piano ang sobrang kakaiba.

Halos lahat ng kanyang mga kanta ay may kalaliman.

Being weird, gusto ko mga kanta nya.

Lalo na 'to.

Take some time to listen.

Posted by yebahboi 20:19 Archived in Philippines Comments (0)

Walang Pamagat

sunny

Biglang tumunog ang telepono.

Akala ko text o tawag galing sa kanya para ako'y gisingin.

Alarm clock ko pala.

Dagli dagli akong bumangon sa kama.

Mag aalasais na pala ng umaga.

Panibagong araw para sa isang panibagong pakikipagsapalaran.

Kahit puno ng muta ang mata at tuyong laway ang aking labi, una ko paring tinignan ang cellphone.

Hinanap ko kung may mensahe akong natanggap.

Wala.

Kahit wala pa ako sa sarili, bumangon na ako para magkape.

Lumabas ako ng bahay para maarawan.

Dala dala ang phone, tinext ko siya.

Kinumusta.

Tinanong kung kumusta ang gabing trabaho.

Habang tahimik na nagninilay.

Naisipan ko ng maligo.

Nagbihis.

At umalis patungong opisina.

Wala pa ring text galing sa kanya.

Marahil pagod at tulog na.

Pagdating sa opisina, binuksan ko na ang computer.

Nagtrabaho.

Inayos ang dapat gawing trabaho.

Encode dito.

Verify doon.

Print dito.

Scan doon.

Mag aalas-dose na ng maalala kong oras na pala ng pananghalian.

Tinignan ko ang phone baka sakaling may text galing sa kanya.

Nagbabakasakali na may mabasa akong text tulad dati.

"Lunch time na. Kain ka na. Mahal kita"

Pero wala.

"Baka tulog pa." naisip ko

Napagod sa magdamagang trabaho.

Tahimik na natutulog o nagbabawi ng lakas para sa panibagong gabing duty.

Lumipas ang araw.

Apat na oras na nakaraan buhat ng ako'y mananghalian.

Natapos na ang trabaho.

At nagsimulang ligpitin ang mga gamit sa harap ng aking mesa.

Sumakay sa jeep patungong sa aking kanlungan.

Kahit lutang ang aking diwa, nakarating ako sa bahay ng matiwasay.

Alas sais na ng gabi.

Sinubukan ko siyang tawagan.

Sinubukan ko siyang miskolan.

Pero patay ang phone niya.

"Baka lowbat" nawika ko

Tatawagin rin niya ako maya maya.

"Ingat ka sa pagpasok. Kumain ka ng dinner sa oras" text ko.

Pero dumating ang alas dose walang tawag o text na dumating.

Tahimik akong nahiga sa kama.

Natapos na naman ang isang araw.

Hindi ako dalawin ng antok.

Nakatingin sa apat na sulok ng kisame at unti unti kong naramdaman ang isang linggong hindi ko inaasahan.

Wala ng manggigising ng umaga.

Wala ng magsasabing "kumain kana. Oras na".

Wala ng tatawag ng alas sais ng gabi para makipagkwentuhan.

Wala ng magpapatulog sa akin kapag inaatake ako ng insomniya.

Wala ng magpapatawa sa akin kapag puno ako ng problema.

Wala ng makikipagpuyatan at makikipagkulitan hanggang maubos ang oras ng Sabado at Linggo.

Wala ng dadamay.

Wala ng aagapay.

Wala na buhay ko.

Wala na si Pepeg.

Iniwan na niya ako....

Posted by yebahboi 22:37 Archived in Philippines Comments (0)

Loca Loca Sta. Monica!

sunny

Martes ng umaga.

Tahimik akong nakikinig ng aking playlist sa phone using my headset sa opisina.

Nakayuko at nakapatong ang ulo sa mesa.

Sakit kasi ng ulo ko due to insomnia the night before.

Taimtim kong pinapakinggan ang "Somebody that i used to Know" by Gotye ng biglang may tumapik sa balikat ko.

Si kuya Jon.

"Si Boss. May tinatanong sa'yo." wika niya

Dagli dagli kong tinanggal ang mga nakasaksak sa tenga ko.

At nag-ayos ng sarili.

Pero huli na ang lahat.

Nakatingin na pala sakin si Boss at biglang nagtanong:

"May travel order kaba bukas?"

"Doc, wala po" sagot ko na may halong ulirat sa kaisipan

"May T.O. po siya Doc." biglang sagot ni Tita Marla, ang aking supervisor

"Ay oo nga po pala, meron" hiyang sagot ko sa kanya.

Halatang wala sa sarili sa pagsagot.

"Ganun ba, sumama ka bukas sa field." mahinahong tugon ni Doc sa akin.

"Okay po." tanging tugon ko sa kanya.

Nahiya man ako pero sa loob loob ko masaya kase i like being out in the field.

Mas mabilis kasi ang oras.

Mabilis kong ginawa yung schedule at groupings para sa sa lakad kinabukasan.

Groupings kung sino ang makakasama ko at lugar ng vaccination.

Masaya naman ako kase si Ate Shirley (my kumare!) ang aking kasama.

Plus, kasama ko pa sa service ang aking tinuturing na nanay at tatay sa opisina.

Si Mommy Au at Tatay Ariel.

Malapit lang sa bahay ang lugar ng field work.

20 minutes away from my crib.

Kaya naisipan kong hindi na pumunta sa opisina ng umaga.

Maghihintay na lang ako sa kanto.

Itetext na lang nila ako kapag on the way na sila.

Kinabukasan.

Mas late akong gumising.

Mga 7:30 ng umaga.

Nagtext sina mommy ng mga pasado alas otso na.

Lapit na lang daw sila sa highway.

Nagpahatid na ako kay kuya.

Para mabilis ang biyahe ko.

Lalo na ngayon bakasyon, walang estudyante kaya mga tsuper humihinto bawat kanto.

Pagdating ko sa kanto andun na sila agad.

Buti hindi sila nagalit kase may dala akong almusal na pandesal at keso.

Pampalubag ng loob.

LOL.

Hinatid muna namin sina Mommy Au at Tatay Ariel sa nakatutok na barangay nila.

San Jose Apunan.

Ang lugar kung saan lumaki ang aking matalik na kaibigan na si Mona.

Mabait ang mga tao at opisyales sa barangay na napuntahan nina mommy.

Halata pa lang pagdating kase may libreng almusal at naghahanda na ng pananghalian umaga pa lang.

May ngiti sa bawat labi at magalang kung i approach kaming mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Kung ano ang swerte nila sa barangay yun naman yata ang kamalasan namin sa Sta. Monica.

Umpisa pa lang butaw na.

Nagtanong kami sa mga nakaumpukang mga mama kung saan ang baranggay hall.

Tinuro naman ang location.

Pero ang nakakainis eh yung mama na kasama sa mga nakatambay.

Konsehal pala.

"Walang tao sa barangay hall. Nakakandado pa!" sagot niya habang sakay sa kanyang bisikleta

"Hindi po ba alam na darating kami? May schedule of vaccination kase kame ngayon eh. Request ng League of Barangay Chairman po at ni Board member Dizon" tanong ko habang nakalabas ang ulo sa bintana ng kotse

Tumingin sa malayo si konsehal. "Hindi ko alam eh" wika niya sabay tingin sa mga kasama

Dagli dagli kaming umalis pagkatapos ng paghingi ng salamat sa direksyon.

True enough, wala kaming nadatnan sa barangay hall.

Nakakandado pa.

Bumaba kami ni ate she para magtanong kung sino ang nakaduty sa araw na yon.

Walang may alam.

Lumapit ang isang mama at nagtanong kung sino kami.

Mabilis niyang tinawag ang isang konsehal pagkatapos naming magpakilala at sinabi ang pakay namin sa kanilang baranggay.

Ilang minuto ang lumipas at dumating si konsehal.

Nakasando at may hawak na sigarilyo.

Halatang wala sa mood sa mga araw na yun.

"Ilan po ang purok niyo dito?" tanong ni ate shirley

"Labing anim." tugon niya.

Pinitik niya ang sigarilyo. "Punta tayo bahay bahay para malaman nila na may magbabakuna."

"Ay hindi po pwede yun Konsehal." sabi ko

"Masyado hong malaki ang baranggay niyo at kailangan sila ang pumunta sa lugar."

"Pwede naman hong pumunta tayo sa isang destination. Maglagay ng mesa at dun nating papuntahan ang mga magpapabakuna ng aso" sagot ko

Halatang na offend si konsehal sa tinuran ko.

Haller!

Anong gusto niya? Maglakad sa kasagsagan ng init?

"Hindi kasi nila alam eh. Kagabi pa lang sinabi ni Kapitan." wika niya

"Eh ano ngayon kung kagabi pa sinabi? Hindi nyo ba inabisuhan kaninang umaga ang mga tao?" bulong ko sa sarili

"Kung gusto niyo ho. Magdadalawang grupo po tayo. Bigyan niyo na lang kami ng guide at kami na bahala." sabi ni ate shirley na halatang naiinis na rin sa ugali ng kausap

"Sige. Punta kami ng isang purok at kayo maiwan na kayo dito" turan ni Konsehal

Lumabas kami ni ate shirley para magprepare ng gamit.

Umalis na rin ang isa naming kasama, kasabay si Konsehal patungo sa labas ng highway.

"May kalakihan pala ang lugar na to" naisip ko.

"Matatapos kaya kami agad?"

"Halatang wala ngang taong nagduduty sa baranggay hall no?" bulong ni ate she sa akin

"Tignan mo naman mga upuan. Ang dudumi at alikabok. Hindi pa maayos."

"Pati electric fan madumi" turan niya

Napansin ko rin yun simula pa lang.

Hindi na lang ako nagsalita at magpakita ng angas sa kaharap na opisyales ng barangay.

After all, we are all civil servants.

And we all make the same mistakes sometimes.

Nagsimula na kaming magtrabaho ni ate.

Nagpwesto kami sa labas ng barangay hall.

Sa ilalim ng puno ng akasya.

Nakakainis isipin na hindi man lang kami inoffer ng mga upuan sa lugar.

Buti na lang may mabait na tinderang nagpahiram ng mga upuan niya.

Mabilis na dumating ang mga taong gustong ipabakuna ang kanilang mga aso.

Madali naman ang trabaho.

At dati pa naman hindi kami mareklamo.

Ang kinasasama lang ng loob ko eh kahit alas onse na ng umaga at katirikan ni Haring Araw ay walang nagbigay sa amin ng tubig.

Walang nag offer ng kahit isang malamig na basong tubig sa aming dalawa.

Buti na lang mabait si manang tindera at napansin niya na uhaw na kami.

Mabilis niyang inutusan ang bunsong anak upang kumuha ng tubig sa bahay.

"Pasensya na kayo ha." sagot niya habang pinagbubukas niya kami ng suman

Inabot niya ang sumang binuksan at nilagyan ng asukal.

"Last term na kasi nila kaya hindi na masyadong nagpapakitang gilas"

"Pati nga health center, nawala sa amin. Nilipat sa Sto. Tomas. Isipin mo ang laking tulong na sa amin nyan. Libreng diaper. Libreng gamot. Hindi ka na mamasahe." mahabang kwento niya

"Ewan ko nga ba. Anong nangyari." bulong niya

"Hindi naman po ibig sabihin na last term na e dapat magtamad na. Syempre naman po may mga taong umaasa." si ate shirley

"Atleast po sa susunod na election alam niyo na kung sino iboboto." banat ko sabay subo sa suman

"Sana nagsabi kami na magbibigay kami ng mga relief at pera!"

Si Ate: " Baka mag-unahan pa sila kamo kung sinabi nyo yon!"

Tinapos namin ni ate she ang trabaho kahit walang umalalay sa amin.

Dahil sanay na kami sa init at sa kakalakad, hindi na namin inalintana ang sikat ng haring araw.

Mag aalasonse na ng dumating ang dalawang konsehal ng barangay.

Parang sino lang kung mang-utos kung saan kami pupunta pagkatapos sa barangay hall.

Dala dala ang kanilang tricycle, dagli dagli kaming sinama sa lugar na hawak nila.

Magtatanghalian na non at unti unti na namin nararamdaman ang gutom.

At much worst hindi man nila kami tinanong kung uhaw o gutom na kami.

Dinala pala kami sa mga bahay nila para doon ipabakuna ang kanilang mga alagang hayop.

Tirik ang haring araw non ng biglang tumawag si boss kung kumusta ang lakad namin.

Sinabi namin ang totoong nangyari.

Nagdesisyon si Boss na puntahan kami upang saklolohan ang mga natitirang lugar na hindi pa nacocover ng vaccination.

Gusto pa pala ni Konsehal na dalhin kami sa labas ng highway kahit disoras na ng tanghali.

Pero umalma kami dahil mainit na at gutom na.

"Parating po boss namin konsehal. Hintayin lang po natin siya sa barangay hall." wika ko

"Unahan na natin yung sa highway para matapos na tayo."

Biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig.

"Wala ka bang consideration tae ka?" bulong ko sa sarili

"Hindi ho, hintayin na muna natin ang mga kasama namin kase papunta na sila dito!" sigaw ko kahit hindi niya ako naririnig dahil sa tunog ng tricycle

Halos magkasabay kami dumating nina boss sa barangay hall.

Napansin niya ang mga tulong pawis sa aming mga noo dala marahil ng pagod at kainitan ng panahon

"Kumain na kayo?" bungad niya pagkababa namin sa tricycle

"Hindi pa ho Doc. Pagkatapos po dito sa highway na raw kami para matapos" sagot ni ate she

"Kain na muna kayo, kami na ang magtutuloy dun sa mga hindi pa nabakunahan" tugon niya habang pinagmamasdan ang wrist watch

Marahil napansin niya na pasado alas dose na.

"SIGE, TEXT NIYO NA LANG AKO KAPAG TAPOS NA KAYO NAGLUNCH!" sagot ni Konsehal na marahil ay hindi alam kung sino ang kausap

Dito nagpantig ang ulo ni Doc.

"Ibig nyo ho bang sabihin walang nagsadya ng kahit pagkain man lang sa mga kasamahan ko sa trabaho?" tanong niya

Napanganga si Konsehal.

Nagtataka kung kailangan ba talagang may tanghalian.

"Hindi naman kami inabisuhan. Kagabi pa lang sinabi sa amin na may darating na bisita." wika niya

"Bakit asan HO ba ang Kapitan niyo?". Halatang naiinis. "Sa totoo lang po malaki ang barangay niyo at dalawa lang yung nagbabakuna. Nirequest po kasi ng ABC President ng munisipyo nyo at ni Board Member _______".

Nataranta si Konsehal. Marahil napagtanto niya na head ng opisina ang kausap.

Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob upang sabihin ang mga kapalpakang ginawa nila.

Ang kanilang walang awang pagpapatayo sa amin sa gitna ng daan.

Walang tubig.

Walang upuan.

Sinabi ko na rin ang nangyari na insidente sa konsehal na aming napagtanungan at pagdating namin na sarado pa ang barangay hall.

"Kung gusto nyo po sa amin. Pero mga pancit at lomi lang nandun sa canteen" tarantang sagot ni Konsehal

Marahil ay marami na ang nakakarinig.

Marami ang nakasaksi sa sitwasyon.

Dala siguro ng kahihiyan sa nangyare sa kanilang barangay at kanilang mga opisyales, may isang mama na nag alok ng libreng pananghalian.

"Dalhin nyo na lang sa bahay. Malapit lang naman" sabat niya

Si manong pala ay isang balikbayan at kagagaling lang sa abroad mga dalawang araw pa lang ang lumipas.

Sa madaling salita, sa kanila kami nananghalian at nagpahinga na kaunti.

Sina boss at mga iba pa naming mga kasamahan ay tinuloy ang trabaho sapagkat tapos na silang kumain bago pa kami pinuntahan.

Humingi ng dispensa sina ate sa nangyare.

Nahihiya dahil sa mga kapalpakan ng kanilang mga opisyales.

At dagli rin naming naipaliwanag ang sitwasyon.

Kung bakit kami nagalit.

Kung bakit kami nagreklamo.

Sa totoo lang okay lang sa amin na walang libreng pananghalian.

Ang tanging gusto lang namin ay sana magpakita ng kahit kaunting enthusiasm sa pagseserbisyo sa mga nasasakupan.

The mere fact that we are all working as a public servant, we should take it to consideration.

After all, ang gobyerno ang nagpapasahod sa atin.

Kaya dapat ibalik natin sa gobyerno ang mga bagay na binigay at binibigay sa atin.

Hindi nakakapagod ang trabaho sa totoo lang.

Gusto ko sa field.

Pero kung walang konsiderasyon ang mga namamahala ng isang barangay na pupuntahan, mas gugustuhin ko pang magstay na lang sa opisina.

Kahit walang chibog.

Kahit lakaran pa yan.

Kahit maghapon pa tayo.

Walang kaso.

As long na may proper cooperation within the barangay officials itself.

Haaaiiiist.. Kakaloka Sta. Monica!

Posted by yebahboi 20:57 Archived in Philippines Comments (0)

Ang Pagbabalik ni Sister Jackie of St. Joseph the Clear

sunny

"Sorry i just missed your 1000 calls. Just returned from an island trip in Bataan. Left my phones. Be back in Angeles late afternoon"

Yan ang reply ni Sar sa mga sandamakmak na tawag na ginawa ko noong nakaraang Lunes sa kanya.

Sa dinami dami ng mga tawag ko simula umaga, hindi ko naisip na nag overnight stay sila ng kanyang pamilya.

Sayang kasi ang pagkakataon.

Buo kaming magkakabarkada.

Except kay Arnal James of course.

Given na yun dahil bagong panganak ang asawa.

One week pa lang may plano na kaming magkita kita.

It's been months i guess since nakumpleto ang mga Roaming Animals.

Kaya naman si BFF, tinawagan niya ang lahat ng barkada at nagset ng mini reunion.

Parang post Easter Celebration.

Umaga pa lang, nagprepare nako for the said event.

Kahit alas diyes ng umaga ang usapan, tinaon ko talagang magpalate.

Para maiba lang.

Gusto ko kasi laging nauuna si Sam sa meeting place.

"Saan kana nimal" text niya lagi sa akin

As usual isa lang naman laging sagot ko.

"Bacolor!" reply ko

Hindi niya alam nasa bahay pa lang ako at nagpeprepare para umalis.

Samantalang siya nasa McDo na at naghihintay.

Dagli dagli kong tinext si BFF.

Paalis na rin sa bahay.

Nakatricycle.

Chutchal!

May service.

Right on the time of nick! LOL.

Sabay lang kaming makakarating sa San Fernando.

True enough, nandun na nga sila sa lugar.

Magkasamang nag-oorder sa counter.

As usual, yakap yakap.

Kiss kiss.

Mga gestures na hindi namin kinakahiyang ginagawa kahit madaming taong nakatingin sa amin.

As usual ulet, get up ni BFF. Parang tibo na naman.

Cargo Shorts.

Polo.

Flip flops.

at Aviator Sunglass.

Si Sam, as usual ulet. Ang kanyang pamatay shorts.

Kung may award for "Lakas at Tibay ng Sikmura" for puke shorts category.

Wagas! Panalo na si Sam.

Walang makakatalo.

Siya na!

Siya na talaga!

"Namiss kita Marts! ihhhhh" wika ni Sam habang iniinom ang kanyang McFloat

"Puki mo nimal!" tugon ko.

"Ang tagal mong hindi nagparamdam!"

"Oo nga bakla. sabi ni Jan magpapainom siya kapag paalis na" sundot naman ni BFF kay Sam

"Hindi na niya nakuha kase dami niya nilakad at inayos." tawang sagot niya

"Aysus sabihin niyo ayaw niyo lang magpaistorbo." si Bacill habang nilalagay ang creamer sa kape

"Nagbago ka na Sam!" wika ko

"Yan ba nagagawa ng may lovelife? Pati kaibigan nakakalimutan?" pabirong hirit ko

"Ihhhh ikayu talaga! (Ihhhh kayo talaga!)" pigil tawang tugon ng masayahin kong kaibigan

Habang masaya kaming nagkukwentuhan, dumating na si Sister Jackie of St. Joseph the Clear.

Si Jackulin.

Wala paring pinagbago.

Madasalin pa rin.

hahahah.

Nakakamiss ang oras kapag nandiyan si Jack.

Isa kasi siya sa mga taong hindi mahirap patawanin.

Parang she can laugh at the top of her lungs kahit sa pinaka corny na joke sa mundo!

Ganun siya kababaw.

Hahaha.

Actually, may tampo sa amin si Jack.

Paano naman, 3 buwan siyang nakaratay sa bahay due to the "car" accident last year pero ni minsan hindi kami nakapasyal.

At masama pa dun, pinagtawanan namin.

Paano naman kaya, the "car" accident is not actually a car accident.

It's tricycle accident.

Opo, si Jack ay nasagasaan ng tric.

LOL.

Imagine that?

Si Jack nasagaan ng tric sa paa.

Diba nakakatawa naman talaga.

Pero we told her na we are sorry kase akala namin na hindi seryoso ang nangyari sa kanya.

At what is important eh okay na siya at maayos na siyang naglalakad.

jack.jpg

Magtatanghalian na ng maisipan na naming umalis sa McDo at magpunta sa mall.

Si Carmz naman nagtext na hahabol na lang sa lakad dahil may gym at derma schedule siya.

At dahil Sir is not answering our phone calls, we went to Robinson's Starmalls.

Dito ako nag enjoy ng todo.

Kase we became young again.

Naglaro ng mga arcade games malapit sa cinema center.

Para lang kaming mga tangang naglaro ng mga iba't ibang games sa loob.

Nag enjoy ng todo si BFF.

Naglaro siya ng parang bata.

Isang booth don ang nag enjoy kami ng todo.

Dahil ang daming barya.

Kailangan mong maghulong ng piso sa loob.

Yung piso na pinasok mo yung magtitrigger na itulak ang ibang coins sa loob.

At kung sinuswerte ka, voila mahuhulog ang pera sa dispenser.

Parang ganito lang.

dispenser.jpg

Kaya naman si BFF naubos yata ang isang daang pisong barya sa larong to.

pera.jpg

She is like a kid na kapag hindi nahuhulog o namintis ang paghulog ng barya, nagmamaktol o naiinis.

Hahaha.

Ganun siya kaadik sa larong to.

Sinubukan din naming maglaro ng panchinco ball.

panchico.jpg

Nakakahiya kami.

Kase naman sigaw ng sigaw mga kasama ko.

Parang naiipitan ng ++++ sa bawat mintis o kapag namumuro na.

Libreng token kase ang prize kapag nakapag create ka ng pattern.

Nakatingin lahat sa amin ang mga tao at much worst lumapit pa sila para makiusyoso.

Nakakabaliw lang.

Kaming dalawa yata ni Sam ang maswerte sa larong to.

Lagi kaming nakakagawa ng pattern.

Sumakit na nga ang mga leeg namin sa kakayuko para kunin mga dinispense na token.

Samantalang si Jack at BFF puro hingi lang.

Mga butaw!

Hahaha.

After an hour. Heto na ang mga nakuha naming ticket.

Naka 176 tickets kami.

award.jpg

Kaya ang ending, pinapalit namin sila into some prizes na katumbas ng mga points.

Ang sosyal ng prize.

4 pcs of Plants Vs Zombies pins.

Worth 5 pesos each!

Tang ina much lang.

Hahaha.

We decided to grab something to eat after the long hours of playing and shouting.

Nag init siguro ang mga lalamunan ng mga timang kaya na-ayang maghalo halo.

Kumain na ako ng kanin that time.

Hindi kasi ako nag almusal sa McDo kaya Tom Jones na me.

halo_halo.jpg

After smoking outside at kwentuhan ng mga anik anik sa buhay, naisipan naming mag BINGO!

Hindi yung cookies hah.

Yung larong BINGO talaga.

Yung parang sa kanto lang na sinisigaw ng announcer ng ganito "Sa letrang O... My favorite position! 69" yun ganun.

Beginner's luck "raw" ang drama kasi halos hindi pa kami nakapaglaro ng BINGO.

At para lumipas ang oras habang hintay si Carmz.

Pagkapasok namin sa Binggohan.

Natawa ako bigla.

Halos Catanduanes pala yung mga naglalaro dito.

Sing tanda lang ng lola at lolo ko mga karamihan.

Yung iba nga parang nakasaklay na lang eh.

Pero ang cute lang kasi parang diversion nila sa buhay ang paglalaro ng B-I-N-G-O!

Nahiya ako bigla kasi naman nakatingin lahat sa amin.

Bawal daw ang mga camera sa loob kaya ang ending: heto lang nakuha kong larawan.

Bingo.jpg

Nag-enjoy ako sa announcer actually.

Ang ganda ng modulation ng voice.

Malalim.

Parang galing lang sa ilalim ng lupa.

Parang pwedeng maging DJ sa AM frequency.

Parang si Rey....

Aquino?

Hindi...

Valera?

Hindi rin...

Pumaloy?

Lalong hindi..

Langit???

Hindi....

Rey.....

Rey Ban.....

LOL...

Paano kang hindi matatawa eh ang lalim ng boses tapos hindi mo maintindihan minsan.

Buti nalang may malaking monitor para makita mo kung anong numero ang lumabas.

At parang may speech defect ang drama!

Sabi ba naman niya: "SA LETRANG B! SICK!"

Ano raw???

Sino may sakit????

As expected walang Beginner's Luck!

Talo!

Kasama kasi namin si Sister Jackie.

Bawal ang sugal after holy week.

Dapat raw may contemplating at introspection pa until the end of the month.

Ganun!

Pumunta na lang kami ng Department Store at CDR King after the Bingo event.

Kasabay ng pagsusukat ng mga damit ni Sam ang pagdating ni Carmz.

As usual, hug hug.

Kiss kiss.

Muwah muwah.

Tsup tsup!

Dahil wala na kaming maisip gawin at that time, naisipan ko na lang magyosi sa labas.

At magphotoshoot.

sam.jpg

Ang mga tsupah friends girls!

rob.jpg

Si BFF na mukhang Willie Garte na tomboy????

rob1.jpg

rob4.jpg

Si Sam at ang kanyang makasaysayang poses...

rob3.jpg

rob2.jpg

Sa kalagitnaan ng putashoot, may biglang tumawag kay BFF.

Akala ko si mudrax!

"Hoy tumabi kayo at baka masagaasan kayo ng bus!"

Si Sir Archie pala.

Nasa parking lot na.

It is fun when Archie is around talaga.

Dagli dagli kaming sumakay sa service na dala ni Sir.

Hindi kami magkaumayaw sa pagmamadali.

Gusto kasi naming mag front sit si Jackulin.

For old time sake baga.

Hahaha.

"Kumain na kayo ng pizza?" tanong niya

"Hindi pa kase wala kaming card" sagot ko

"Libre mo kami?"

Dagli dagli kaming dinala ni Sir sa S & R.

At nag order ng sandamakmak na pagkain.

Si Sir Archie talaga para kaming mga batang matatakaw kung mag order.

Isang gigantic pizza.

Dalawang calzone salad.

4 na potato french fries.

At 6 na overflowing softdrinks.

Sa totoo lang hindi namin naubos ang pagkain.

Ang dami kase.

Ang laki kasi talaga ng mga slices niya.

Two slices each.

Si BFF hindi naman gutom.

Naubos lang ang dalawang slice sa loob ng 15 minutes.

Si Sam hindi na humihinga sa sobrang busog.

Ganun din si Jackulin.

Lalo na ako at si Carmz.

"Sayang ang gym tol!" birong hirit ko kay Carmz

"Oo nga tol!" bulong niya. "Hindi ko maubos!".

Madaming natirang pagkain lalo na ang frenchfries, kaya binalot nalang namin at binigay kay Sister Jackie.

Pasalubong para sa kanyang pamilya.

After the great meal, nagkayayaan kaming lumabas.

At nagshoot na naman.

Sr.jpg

sr2.jpg

It is so much fun having this guys around.

Kahit paulit ulit ang usapan, walang pinagsasawaan.

"Sam, may nangyare na sa inyo ni Jan?" tanong ko sa kanya

"Ano? Ano kaba virgin pa ako nimal!" nagbublush na sagot

"Saang parte?" si BFF

"Animal kayo, ako na naman pinuntirya nyo!" nagmamaktol na sagot.

Lumapit si Sam kay Sir at pinatong ang siko sa balikat sa kanya.

"Pumayat ka Sir! Ano tinitira mo?"

Si Sir napatawa. "Shabu!"

"Over sex yan!" sagot ko habang kinukuhanan ko sila ng picture

Dahil sa sobrang kabusugan at laging kape ang hinahanap ni Sir after meal, inaya namin siyang pumunta sa LA Bakeshop.

LA Bakeshop is the house of delicious cheesebreads. It is located at the heart of San Fernando.

But i guess they decided to expand their business that's why they end up putting a bakeshop near the highway and caters foods and coffees.

Ang ganda ng ambiance ng lugar.

Para siyang attic at napaka light ng interior.

The resto is simple.

Elegant.

The customized lights are one of the best attraction of the place.

Nilagay yung mga bombilya sa mga garapon kaya they created a certain kind of illusion na malaki ang lugar.

We ordered brewed coffees.

Masarap naman.

But nothing spectacular.

Ordinary brewed coffee na parang ginawa lang sa isang coffee maker.

We took the time to capture the moment.

It was our first time to be in that place that is why we took the opportunity to capture the moments.

We had a blast.

ilaw.jpg

garapon.jpg

friendship.jpg

Sir Archie wants to try other caffeinated drink so he ordered the Japanese green tea with roasted rice.

Sosyal ng pangalan di ba?

Parang pang high end na beverage.

Hindi pala.

Ang ending ganito:

Si Sir Archie at ang kanyang pakete of Japanese green tea with roasted rice.

LOL.

Parang lipton tea lang.

Ang mahal pa!

archie.jpg

Around 8PM na kami mag decide umuwi.

May pasok pa kasi kami lahat kinabukasan.

Si Sister Jackie unang umuwi sa amin.

Sumunod si Sam, sinundo ng mga pinsan.

Sir dropped us (Carmz, BFF and I) at McDo.

We bid our goodbyes.

Around 9 ng gabi na yata ako nakauwi.

On the way home, BFF's muder is calling me.

BFF is not yet home.

I told her that we parted ways around 7:30 and maybe she is on her way home.

But what's really weird eh mas madali ang travel time niya kesa sa akin.

Natakot ako bigla.

Syempre naisip ko paano kung hindi nakauwi.

Naligaw ang pusa at ginawang siopao sa kanto?

Hindi naman sa natatakot akong marape siya.

Kase for sure hindi yun mangyayare.

LOL.

I called tita again around 10PM and BFF is not yet home.

"Text niyo na lang ho ako kapag nasa bahay na siya tita" i told her

Around 11 PM nagtext siya to tell me that my bestfriend is home.

Safe.

Nakahinga ako ng maluwang.

Ang tangengot pumunta pala ng SM National Bookstore.

She bought her Bob Ong's book.

Lowbat pala ang phone kaya nakapatay at hindi nakapagpaalam sa nanay.

Hinintay magsara ang SM hanggang 10 ng gabi.

At ang ending?

Si BFF, sinermonan ng nanay!

LOL.

Live.. Love.. Be Happy..

Posted by yebahboi 22:11 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 21 - 25 of 91) « Page 1 2 3 4 [5] 6 7 8 9 10 .. »