A Travellerspoint blog

Si Don Robert

sunny

Walong taon na ang lumipas ng magsimula akong magtrabaho sa aking opisina.

Dahil bago at wala pang kakilala, madalas lang akong nakaupo sa sulok.

Mag-isa.

Dahil araw araw akong naiiwan sa harap ng computer.

Nakilala ko si Don Robert.

Ang aming janitor.

Naalala ko non, lage niya ako kinukwentuhan sa naging buhay niya.

Kahit hindi ako interesado, taimtim akong nakikinig sa kanyang talambuhay.

Araw araw siyang umuupo sa tabi ko at nagkukuwento ng mga bagay bagay tungkol sa kanyang nakaraan.

Kung paano siya napadpad sa trabaho.

Tanda ko pa nun, araw araw nya akong kinukwentuhan tungkol sa kanyang pakikipagsapalaran sa bayan ng mga Arabo.

Isa siyang OFW sa Saudi.

Habang sinasalaysay niya ang buhay OFW, unti unti niyang nilalabas at pinapakita ang mga larawang nakuha niya bilang souvenir sa buhanginang bansa.

Kupas man at may pagkaluma na ang kanyang mga larawan, ramdam ko na iyon ang isa sa mga tagpo sa buhay niya na hindi makakalimutan.

Halata sa mga bawat galas at muwestra ang kagalakan habang siya'y nagsasalaysay sa kanyang buhay.

Marahil iyon ang kanyang finest moment sa buhay ng aming janitor.

Madalas kong makita noon si Don Robert na gumuguhit ng larawan ng isang bahay.

Dahil magkalapit lang ang aming mga mesa, madalas akong mapasulyap sa kanyang ginagawa.

Ginuguhit pala niya ang kanyang dream house.

Kahit madalas siyang pagtawanan sa kanyang pagguhit ng animong "pangarap" hindi niya yon alintana.

Hindi niya yon pansin.

Dinadaan ang bawat tukso sa mga tawa at ngiti.

Lumipas ang panahon, unti unti kong napapansin na nagbabago ng pag-uugali si Don Robert.

Ang dating masigasig na janitor, ay unti unti ng nawawalan ng gana sa trabaho.

Marahil sa katandaan.

O sa marami pang kadahilanan.

Unti unti kong napapansin na palagi siyang nagloloan.

Lahat ng loan na pwedeng pagkautangan, maging kooperatiba man yan o government loan services, pinaputalan niya.

Unti-unting siyang lumalamlam sa trabaho.

Hindi na rin sya madalas makipagkwentuhan.

Malimit na ring makipagbiruan.

Si Don Robert ay unti unting nabaon sa utang.

Ang dating pitong libong sahod sa isang buwan ay nauwi na lang sa kakarampot na halaga.

----------

----------

----------

----------

----------

Lumipas ang isang taong mahigit.

Marami na ring nagbago sa kanya.

Madalas na rin siyang manghiram ng pera sa mga kasama sa trabaho.

Lahat yata kami ay nahiraman niya.

Una, manghihiram pero kinalaunan humihingi na.

Parang nagtatrabaho na lang sa wala.

Sabay ng paglamlam ng kanyang sigasig sa trabaho ang pagbagsak ng kanyang pangangatawan.

Maraming mga pantal at sugat ang nagsulputan sa kanyang balat.

Kung saan marami sa amin ang mangutya.

Nandiri.

O iwasan siyang makatabi.

Unti unti na rin siyang naging mainitin ang ulo.

Naging sensitibo.

Naalala ko dati ng sinabihan kong huwag siyang kumain ng hipon na niluto sa opisina dahil baka lalong mangati ang mga sugat, nagalit siya sa akin.

Madamot raw ako.

Simula noon hindi ko na siya pinakialaman.

Ang hindi ko maunawaan sa kanyang pag-uugali ang pagsagot niya sa kanyang supervisor.

Dahil putol ang kanang paa ni Tito Romi, ang aming Chief ng Administrative Division, madalas siyang mapag utusan.

At yon ang ayaw ni Don Robert.

Ang mapag-utusan.

Mahilig siyang magreklamo pagkatalikod.

Mahilig niyang murahin si Tito Romi dahil sa mga walang katapusang pag-aalila sa kanya.

"Tang inang putol na yan!" madalas niyang sambit pagkatalikod

"Sarap patayin ng putol na paa na yan!"

Hindi ko maiwasang mainis sa mga bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Ng minsang matanong siya kung bakit sobrang basa sa sahit ng aming opisina.

Sagot niya bigla: "Mas maganda yan para madulas ang tang inang putol na yan!"

------------------

-----------------

-----------------

-----------------

-----------------

-----------------

-----------------

Noong Marso, nagretiro na si Tito Romi.

Forced Retirement dahil umabot na siya sa edad na 65.

Naging masaya si Don Robert.

Nabawasan ng tinik sa dibdib.

Nawala ang tinik sa lalamunan.

Pero mas masahol pala ang mangyayari sa kanya.

Araw araw siyang umuubo.

Araw araw kung lagnatin.

Madalas siyang walang gana sa trabaho.

Nakasubsob ang mukha sa lamesa.

-----------------------

-----------------------

----------------------

----------------------

-----------------------

-----------------------

Isang linggong hindi pumasok si Don Robert.

Marahil sa sobrang taas ng lagnat.

Biglang nalaman na lang namin na nasa hospital siya.

Dahil sa sobrang taas ng diabetes.

Umabot sa 500.

At nagkaroon ng inpeksyon sa paa.

Sa hindi inaasahang pangyayari.

Naputulan rin siya ng paa.

Katulad ng kanyang supervisor na si Tito Romi.

Posted by yebahboi 21:35 Archived in Philippines Comments (0)

Just Like the Rainy Season

overcast

The summer is fading away.

And the rainy season is coming.

What a way to end the summer vacation and to enter another maputik and malabsaw na tag-ulan.

I don't know actually what to do with my career lately.

As a promise to myself, this year will be a fruitful and productive year form me.

So as i take another leap in my adventurous life, i decided to take my Masteral Degree.

Yeah nabasa mo ng tama.

I'm planning to go back in school just like my nephew Sophie who is entering her pre-elementary education.

It's been long overdue.

5 years planning.

5 years of saving.

5 years of thinking and introspecting if i should go back to school or not.

But now, i finally or should i say, "I want to go back in school.".

I want to learn something new.

Meet new people.

I miss the stress of doing some home works and researches.

Tomorrow i will be a full pledge student.

Again.

I don't know what my new alma mater will offer.

But this is the best thing about it.

You don't know what is coming.

And i am really excited about it.

Just like the rainy season.

large_Dawn_back_to_school.gif

Photo from iprospect.com

Posted by yebahboi 02:11 Archived in Philippines Comments (0)

Bagyo sa Baguio!

A Photo Blog

sunny

So i was in Baguio last week to attend the 2nd Level Phil-AHIS seminar.

June 04-06, 2012.

What is Phil-AHIS anyway?

Heto yung mga miyembro ng mga silahis sa Pinas!

Chos!

Hahaha.

PHIL-AHIS or Phil. Animal Health Information System is a project of Bureau of Animal Industry that provides an integrated information in livestock health, practices, vaccination and routine services, and inventory of animals in the country.

It is a database system wherein Region 3 is one of the pilot region adopted the said system.

Because i am one of the computer literate in the office and an IT graduate, i was sent together with my supervisor in the city of pines!

I was really reluctant actually to go kase naman ang tagal ng seminar ng to.

Imagine, you only have time to pee or to smoke in a limited time.

Coz if you spend your time too much outside, hala mahuhuli kana sa mga modules.

It is not an ordinary seminar if i must say.

Nakakadugo ng ilong.

Literally!

But anyhoo, i was happy coz i had the chance to shoot the superb view of Camp John Hay.

It was a bliss.

Ang sarap maglakad at manguha ng mga scenery.

So today, nothing spectacular.

Just a simple photo blog to share.

Have a great weekend everyone!

Live.. Love.. Be Happy!

large_pine_trees.jpg

large_baguio_city.jpg

large_shed.jpg

large_road.jpg

large_fence.jpg

Posted by yebahboi 06:02 Archived in Philippines Comments (0)

Sa May Sakayan ng Jeep

overcast

Dahil likas akong mapagmasid na tao, madalas akong makakita ng mga pangyayaring nakakatawa sa paligid ko.

Lalo na sa jeep.

Sa jeep ako kadalasan may mga nakakatawang pangyayareng nagaganap.

Dahil madalas punuan ang tema ng mga pampublikong sasakyan, hindi mo maiiwasang matawa, mainis, o maumay sa mga sumasakay.

May mga pagkakataong maganda o guwapo katabi mo.

Pero malas mo nalang kung mabaho at amoy shawarma ang napadpad sa magkabilang side ng kinauupuan mo.

Gusto mo masuka.

Gusto mo pigiling huminga at ilabas ang lahat ng hanging nabuo sa baga mo pagkababa.

Sa jeep rin ako madalas makakita ng mga magsyotang kaunti na lang ay maghalikan sa sasakyan.

Naglalamasan ng kamay.

Hinahalikan ang babae sa leeg o minsan pa nga kaunti na lang ay gumawa ng isang eskandalong hindi maiiwasang mapuna ng mga nakasakay.

Mga matatandang mapagmasid ang mga mata.

Na kaunti na lang ay murahin ang magjowa dahil sa tingin nila ito ay isang kasalanan.

Sa jeep rin madalas may mga "tangang" pasahero na parang ngayon lang nagkaroon ng cellphone sa tanang buhay nila.

Paano naman kaya, madalas hindi nila maiwasang patugtugin ang kantang nakasave sa mga telepono nila.

Hindi ito disco house or isang videoke bar hijo't hija.

Okay lang sana kung trip ko mga pinapatugtog mo!

Hindi naman!

Malas mga kanta ng Aegis ang sound trip mo!

Walang basagan ng trip ika nga, pero sana naman kumuha ka ng earphone at isaksak mo sa tenga mo ang ng ikaw lang ang makarinig sa walang kakwenta kwentang kanta ng buhay mo!

Sa jeep rin madalas ako makabasa ng mga text message ng mga katabi ko sa upuan.

Dahil nga siksikan, hindi mo maiwasang mabasa ang text ng iba.

Tulad ng isang araw, may isang lalaki na sobrang lapit ko sa cellphone niya.

Kahit ayaw ko mang basahin, hindi ko makuhang tanggalin ang mata ko sa screen ng kanyang Myphone!

"Kumain ka na beh?" text niya

Wow ang sweet ng mokong!

Hihihi.

"Yes beh. Lapit na ng pasukan." reply naman ni beh

"Oo nga. You hard study and dinner eat you na hah?" reply ulit ng mokong

Ano raw????

Hard study????

Gusto ko matawa sa sinabi niya!

Gusto kong mahulog sa kinauupuan ko.

Gusto kong sumigaw at tanungin kung tama ba o mali lang ako sa aking nabasa!

Hahaha.

Sa jeep rin ako madalas makipag away.

OO ako na ang war freak.

Minsan kase tinatanong ng pasahero kung saan ang destination ng jeep na sasakyan.

Syempre ayaw mo naman mapadpad kung saan.

Kaya ang ending magtatanong ka.

Libre lang naman si magtanong!

"Ano po ito?" tanong ko

What i mean to what i asked eh kung ano ang destination.

Madalas lang talaga may mga pilosopong pasahero.

Much worst matanda pa.

"E di jeep?!" sagot ng matandang babae na kasing edad ng nanay ko

Biglang nagpantig ang aking tenga.

"Alam ko po jeep to. HIndi naman ako bulag. Hindi naman mukhang owner o kotse to no? di ba? Tinatanong ko ho kung anong byahe. Yun po ang ibig kong sabihin." sagot ko

"Yun nga tinatanong mo kung ano to? Sinagot ko lang" sagot niya na may halong tawa

"Ah ganun po ba? Salamat po sa pagsagot. Pero hindi naman ho kayo ang tinatanong ko. Bakit kayo ang sumasagot? Talaga naman. Matatanda na wala pang modo. Sa bagay wala naman sa edad ang tinatawag na modo." sagot ko

Nagalit ang matanda.

Pero ako naman hinayaan ko lang siyang magtatalak.

Wala akong pakialam sa mga pagbubula ng bibig niya.

Wala na rin namang dahilan para patulan.

Hahaha.

Sa jeep ako madalas maraming nasasaksihang nakakatawang pangyayari.

Dito rin ako madalas mag-isip.

Magmuni muni.

Mag introspect sa araw na daraan at dinaanan.

Kaya gustong gusto ko ang sumakay sa terminal.

Sa may sakayan ng jeep.

Posted by yebahboi 22:35 Archived in Philippines Comments (0)

Sweet 16

sunny

So tapos na nga ang American Idol Season 11.

Tapos na ang singing contest kung saan isang pinoy na naman ang nakapasok sa isang pinakasikat na talent show sa mundo.

Ang dami dami na rin sumaling may dugong Pilipino sa isang dayuhang patimpalak.

Kung hindi ako nagkakamali, mga 5.

Puro babae.

At ang huling nagbigay nga ng panibagong "hype" sa sinasabing Pilipino pride ay si Jessica Sanchez.

Marami rin ang nagbunyi ng malamang nakapasok siya sa finals.

Saang sulok man ng mundo, pinoy talaga hindi nagpapatalo.

Lalo na kung text votes ang pag-uusapan.

Karamihan ng mga Pinoy ay pinakita ang suporta kay Jessica.

Pero yun nga lang talo ang kinalabasan.

Marami ang nalungkot.

Pero mas marami ang nagdiwang.

Dahil sa pinamalas na angking kahusayan at kagalingan ng isang Filipina.

After declaring Phillip Phillips as the winner, halos nagkaroon ng maraming negative comments about him.

"Another singer on his guitar!" wika ng mga iba.

Marahil tama sila.

Kung bibigyan mo ng pansin ang mga limang lumipas na winner ng American Idol, halos lalaking may hawak na gitara ang tinatanghal na panalo.

"American Idol is a singing contest! Not a beauty contest!" iba pang bato ng mga comments sa online topic.

Yeah i have to admit that Philip Phillips is a good looking man.

Pero hindi niya kasalanan kung pinanganak siyang guwapo or cute.

60 percent of the voters in America are women and 40 percent of them are young girls.

Pasok sa panlasa nila si Phil.

Binoto siya ng mga old American woman because they think of him as the modern Elvis Presley.

Binoto siya ng mga above 50 year old woman bracket because they think of Don Mclean or James Taylor.

Binoto siya ng mga 10 to 20 year old woman bracket because they think of him as Jason Mraz or John Mayer.

American Idol is a talent show in which the winner will eventually have an album contract.

Kahit ayaw man nating tanggapin, Philip has the charisma.

The charm.

The personality that can make a woman's heart melt.

And this are the things na kinonsider ng mga record producer sa isang artist.

Face value plus talent!

Kase dito sila kikita.

After all, this is a business.

And this is how music industry works.

Marketability.

A good voice is not enough to sustain a large audience in this kind of industry.

Sometimes it is more of the appeal.

More of the face value.

Look at Justin Bieber! (Sorry!)

Kahit wit ang boses pasok siya sa banga!

Kase malaki ang kanyang sakop na audience.

I'm not saying Jessica is not pretty or doesn't possess the quality to become a successful singer.

She is just 16 and her voice is beyond her years.

Her talent is exceptional.

And her vocal prowess is magical na hindi mo iisiping bata pa lang siya.

Marami pa siyang matututunan at marami pang maiimprove lalo sa kanyang mga vocal techniques.

And for sure she has a good future ahead of her.

She just needs to wait for the right time and right opportunity.

America is a big country.

And that is one of the reason why i guess Phil won.

Napakalawak ng diversity ng music sa America.

This is a huge country where music vary from one state to another.

What's good in Texas may not be good in New York.

Or what is marketable in Los Angeles may not be sold in Alabama.

Kaya nga kung napansin nyo nanalo si Scotty McCreery last year because the states who listen to country music voted for him.

Ganun kalawak ang sakop ng music sa bansa nila.

Maybe Los Angeles voted for Jessica but how about the other states?

Many people especially Filipinos are dissing Philip Phillips.

But let just stop complaining and comparing who is better and who is deserving.

Both of them had proven how great singer they are.

America has decided and they chose the guy.

American Idol is not the end of everything for Jessica.

It is just the beginning.

Ending up being a second placer doesn't mean her dream ends there.

This is the start of a new opportunities.

A lots of good opportunities if i may say.

Sometimes being a winner does not guarantee you a stardom.

Let's just wait and see after 5 years from now.

After all, many contestants of the said contest became more successful compare to the grand winner.

Look at Jennifer Hudson.

She conquered the Grammy and the Oscar.

And i bet that Jessica can do the same thing.

Considering that she was just only sweet 16.

Kaya tama na.

Move on na! :)

Let's just be happy and be proud that once again isang Pinoy na naman ang naglagay ng tatak sa industriya ng musika.

Posted by yebahboi 19:31 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 16 - 20 of 91) « Page 1 2 3 [4] 5 6 7 8 9 10 .. »