A Travellerspoint blog

C R V

sunny

Inaya ko umuwi si Myra sa kanto habang nasa kalagitnaan kami ng inuman.

Kailangan kong kunin ang laptop ko bago magsara ng bahay sina nanay.

Mahirap na.

Mahirap ng umuwi sa kabilang bahay ng lasing at iniisip ang pagtawag sa kanila sa kalagitnaan ng gabi.

Baka masermonan pa ako.

At ayokong mangyari yun.

Minsan lang kasi magkakasama ng mga kaibigan kaya siguradong mapapahaba ang inuman at kwentuhan.

Habang naglalakad pauwi, nagkwentuhan kami ni Myra.

"Kumusta naman ang buhay Mye? Tumaba ka na!" bungad ko

Sumagot si Myra na nakatawa: "Oo nga. Buti nga tumaba taba na ako. Di ba dati para akong si Olive?" tawa niya

Sabay kaming tumawa.

Last May pa yata ng kami'y huling nagkita.

"Okay kana ngayon? Nakakaraos na?" tanong ko sa kanya habang nagyoyosi

"Heto mas okay na kesa dati. Atleast ngayon may trabaho na kaming pareho ni Eldie."

"Nagkasabay sabay kasi mga gastos. At lalo na yung pagpapagamot ni nanay" wika niya

Nagkaroon kasi ng cancer nanay niya.

Umabot hanggang buto.

Buti na lang cancer free na siya ngayon.

Habang masaya kaming nagkukwentuhan, niyakap ako bigla ni Myra.

Nagpasalamat.

"Salamat tol ha. Sa mga tulong."

"Dami ko na utang sayo. Pangako makakabawi rin ako sayo."

"Wala yun ano ka ba?" tanging tugon ko sa kanya

Nakarating kami ng bahay na may makita akong CRV na nakapark sa tapat.

Nagtaka ako kung sino.

Wala naman akong kamag-anak na may ari ng isang mamahaling sasakyan tulad ng 2008 model na SUV car.

Dagli dagli akong pumasok.

Nakita ko si ate at ang pinsan kong babae.

Natanaw ko rin ang kaibigan nilang si Joel.

At isang lalakeng nakatalikod.

Semi kalbo.

Payat.

Hindi familiar ang hulma ng ulo.

Pagkaharap, nakilala ko agad.

Si Kuya Allan.

Ang favorite kong ex bf ng ate ko.

Mahigit 15 taon na yata kaming hindi nagkikita.

Ang huling kita niya sa akin, bata pa ako.

At malamang ang naalala niya sa akin ang aking walang humpay na pagtambay sa tabi nila ng ate nung siya'y nanliligaw pa.

Ewan ko ba kung bakit nawalan ako ng pagkakataong magsalita ng mga panahong yun.

Dala siguro ng hiya at kalasingan hindi na ako nakapagtanong kung kumusta siya.

Ang tanging narinig ko lang sa kanya eh:

"Ang laki mo na Mart."

"Parang kahapon lang."

Oo parang kahapon lang ng may sipon pa ako sa ilong at muta sa mata.

Parang kahapon lang din ng magkaroon ako ng mabait na kuya sa katauhan niya.

Pero sayang hindi sila nagkatuluyan.

Hindi siya naging "kuya" legally.

Dagli dagli ko ng kinuha ang laptop at isinilid sa bag.

Mainit init pa.

Kakatanggal lang pala ni nanay sa outlet.

Habang nakikipagkwentuhan si Myra kay ate, nagtanong si Kuya Allan kung bakit kailangan kong dalhin ang lappy.

Nasabi ko lang na hazzle kung manggigising pa ako after ng inuman.

Naunawaan naman niya agad.

Hanggang ngayon, isa pa rin siyang mabait na kuya.

May concern sa bawat kilos ko at galaw.

Umalis na kami ni Myra pagkatapos.

Paalamanan sa mga iniwan sa bahay.

Nasa kalagitnaan ng kami ng paglalakad ng bigla akong sinumpong.

Lumabas na naman si Nepotetix.

Ang aking alter ego.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay.

Naisip ko kase ang CRV.

Pagkapasok sa gate, wala akong kaabog abog na nagtanong.

"Kanino yung CRV sa harap?"

"Sa akin." si Kuya Allan

"Bakit?" natanong niya

"Wala naman. May basag kase sa harapan."

"May kalakihan".

Pigil ang tawa ko.

Dahil sa totoo lang, hindi naman talaga basag.

Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaction nila.

Gagu ako eh.

At aminado ako dun!

:)

Posted by yebahboi 22:51 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint