A Travellerspoint blog

Paglalakbay...

sunny

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone.

Akala ko si Pepeg.

Hindi pala.

Si Jayson.

Ang aking kaibigan noong High School.

Kahit pagod pa ang katawan sa nagdaang trabaho, napatayo ako sa aking nabasa.

Patay na raw nanay niya.

Dagli dagli ko siyang tinawagan.

Hindi sinasagot.

Busy marahil sa mga bisita at nakikipaglamay.

Pagkalipas ng ilang minuto tinawagan ko ulit.

Sinagot na niya at kinuwento ang nangyari.

Parang umakyat ang dugo sa aking ulo.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko maisip sa isang iglap, mawawala ang buhay ng tao.

Last week pa lang kasi ng puntahan namin sa hospital.

Kahit hindi na nakapagsasalita, alam mong gagaling siya.

Nakita ko rin kase kung paano tumawa at ngumiti habang kinakausap namin siya.

Kahit wala siyang salitang binibigkas sa bibig, alam kong masaya siyang makita kami ulit.

Para na rin kasi namin siyang nanay.

Nakita ko rin kung paano pagsilbihan ni Jayson ang kanyang ina.

Kahit nahihirapan sa financial ang aking kaibigan, pinili pa rin niyang dalhin sa isang magandang hospital ang dakilang ina.

Nakakatuwa na sa kabila ng karamdaman at hirap na pinagdadaanan, nakukuha pa ring makipagbiruan ng bawat isa.

Tuwing may itatanong si Jayson para siyang nakikipaglaro ng Pinoy Henyo style.

Itatanong ang bagay at sasagot si nanay sa pamamagitan ng pagtango o paghindi ng ulo.

"Tao ba to?"

"Kilala ko ba to?"

"Taga hospital ba?"

"Kamag anak ba natin?"

"Doctor ba?"

Nakita ko rin kung paano asikasuhin ng aking kaibigan ang mabuting ina.

Sa bawat ubong naririnig mabilis niyang hinahaplusan ang dibdib.

Sa bawat laway na lumalabas sa bibig, isang pahid ang iginagawad.

Buhat buhat ang ina.

Inaagapay.

Ramdam ko ang bigat sa dibdib ng aking kaibigan.

Ramdam ko rin ang takot na mawala ang kanyang ina.

Siya kasi ang panganay sa dalawang magkapatid.

Lagi niyang sinasabi, "mahalin ang magulang".

Kahit sa post niya sa Facebook, pinaparamdam niya kung gaano kahalaga at kamahal ang kanyang ina.

Marahil dahil si nanay ay iginapang ang dalawang anak ng mag-isa.

Maagang nabyuda.

Madaming sakripisyo upang mabuhay at mapag-aral ang mga anak.

Kaya siguro ganun na rin lang ang takot ng aking kaibigang mawala ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya.

Ang lakas niya.

Ang inspirasyon niya.

Ngayon, wala na si nanay.

Kinuha na siya ng Lumikha.

Maalala ko lang ang huling tingin niya sa akin.

Kahit walang boses na lumalabas sa bibig, alam ko ang ibig niyang sabihin.

Isang pasasalamat sa aming pagbisita.

Alam ko masaya na siya kung saan man siya naroroon.

Kasama na niya ang kanyang kabiyak.

Malayo sa paghihirap.

Malaya sa anumang karamdaman.

Kasama ang may Likha.

Naway maging maayos ang kanyang paglalakbay.

Sa iyo Tita, masayang paglalakbay.

At maraming salamat.

Live... Love.. Be Happy...

Posted by yebahboi 23:15 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint