A Travellerspoint blog

Welcome Me Back.....

I don't know the reason why i decided not to write anymore on my blog...

Basta bigla na lang akong bumitaw...

Nawalan ng mga ideas at mga inspiration lately para sumulat...

But now, im back...

Ang sarap pala ng feeling na babalikan mo ang isang bagay na nakasanayan mo ng gawin..

Ang sarap palang sumulat ulit at ilagay sa isang online diary ang mga bagay na nangyayare sa araw araw..

Now, i don't have anything much to say or to write..

I just wanna say sorry to those people who waited almost a year for my post..

To my friends who never gets tired browsing, reading and even criticizing my nonsense thoughts..

One year na pala ang natapos..

One year na pala ang lumipas...

Ang dame na nangyare..

hahaha..

But for now, i just wanna say...

WELCOME BACK YEBAHBOI!!!! :)

Posted by yebahboi 07:19 Archived in Philippines Comments (0)

Patawad

sunny

Gaano ba kadali o kahirap humingi ng tawad?

Paano nga ba ang tamang paraan upang humingi ng kapatawaran?

Sa mundong pabago-bago at walang permanente, ang salitang "I'm sorry" ang pinakamahirap yatang sambitin ng bibig.

Madali lang ang pagsasabi ng salitang: "Oo kasalanan ko. Patawad".

Pero ang mahirap kung kaya o tunay ba talaga ang paghingi ng paumanhin sa mga bagay na nagawa o nasabi.

Sa taong ginawan ng mali, heto ang hinihingi.

Subalit sa taong gumawa ng pagkakasala, heto ang pinakamahirap.

Ang sukatan ng paghingi ng tawad ay naaayon kung gaano kabigat o kalalim ang pagkakasala.

Madali lang sana.

Ngunit paano kung ginawan tayo ng kasalanan ng taong pinamamahal o pinagkakatiwalaan natin?

Ang hirap di ba?

Kung dumating man ang panahon na humingi siya ng inaasam na "sorry", sapat na ba iyon?

Sapat na ba para makalimutan at matabunan ang kasalanan?

Madali bang tanggapin ang lahat sa isang simpleng "sorry" lang?

Kung sa tingin natin madali ang paghigi ng tawad, nagkakamali ka.

Dahil sa totoo lang, mahirap.

Mahirap lalo na kung malalim ang pinag-ugatan ng pagkakasala.

Posted by yebahboi 19:31 Archived in Philippines Comments (0)

Pre Miss Universe Eklabu

overcast

Nalalapit na naman ang Ms. Universe competition.

Magsasarado na naman ang mga parlor.

National holiday ng mga bakla.

Parang laban lang ni Manny Pacquiao.

Passable ang mga daan.

Zero crime rate.

Tahimik ang mga kalsada.

Ang Miss Universe pageant ang isa sa mga inaabangan ng mga kaibigan kong bekis.

Heto yata ang panahon na nagiging tonsil ang mga bayag nila dahil sa sobrang takot at kaba kung papasok ang pambato ng Pinas o hindi.

Luckily, two straight years na pumapasok sa top 5 ang ating kandidata.

I wonder kung kailan mauuwi ulit ang korona.

Sana this year.

Fingers cross.

Pero pakialam ko ba kung manalo o matalo tayo this year.

Wala namang maidudulot sa ekonomiya yun.

Two weeks or so, makakalimutan na nila.

It is a major major forgettable moment.

Pero naisip ko lang today, kung ako kaya ay maging si Leah Salonga at maimbitihan akong maging judge on the said competition, ano mga magiging tanong ko?

Given the fact that the questions are pre-planned at hindi talaga galing sa mga judges ang mga tanong.

Pero kung sakali lang, na manggagaling sa akin mismo ang tanong....

Will i give them a hard time figuring out the answers to my questions?

Marahil masisira ulo nila sa mga tanong ko....

Example:

1. If you will be the most powerful woman in the world, bakit matrapik sa Edsa?

2. Do you believe in the same sex marriage? If you do, will you marry Elizabeth Ramsey?

3. What is your talent? Can you sing? If yes, do you think that Jessica Sanchez can swallow the whole microphone?

4. What's the difference between a liar and a lier? Do you know AMALAYER who can play the lire?

5. If you will have a day to live, what will you choose? Gangnam style or dog style?

6. If the essence of being a woman is being a mother, why do birds suddenly appear? Every time you are near?

7. If you are a pick up girl and Peter Piper pick a peck pickle pepper, how many pickle pepper does Peter piper picked?

8. If you will be invisible for a day, what will be the color of your suit? And why?

9. Technology brought a lot of good and bad things in our society. People tend to forget the simple task without using any devices to simplify things, so my question is, what is agriculture?

There you have it ladies and gentlemen.

My top 9 questions.

I guess kung sino makakasagot sa mga tanong ko really deserves to win.

I thank you.

World Peace.

Posted by yebahboi 19:00 Archived in Philippines Comments (0)

C R V

sunny

Inaya ko umuwi si Myra sa kanto habang nasa kalagitnaan kami ng inuman.

Kailangan kong kunin ang laptop ko bago magsara ng bahay sina nanay.

Mahirap na.

Mahirap ng umuwi sa kabilang bahay ng lasing at iniisip ang pagtawag sa kanila sa kalagitnaan ng gabi.

Baka masermonan pa ako.

At ayokong mangyari yun.

Minsan lang kasi magkakasama ng mga kaibigan kaya siguradong mapapahaba ang inuman at kwentuhan.

Habang naglalakad pauwi, nagkwentuhan kami ni Myra.

"Kumusta naman ang buhay Mye? Tumaba ka na!" bungad ko

Sumagot si Myra na nakatawa: "Oo nga. Buti nga tumaba taba na ako. Di ba dati para akong si Olive?" tawa niya

Sabay kaming tumawa.

Last May pa yata ng kami'y huling nagkita.

"Okay kana ngayon? Nakakaraos na?" tanong ko sa kanya habang nagyoyosi

"Heto mas okay na kesa dati. Atleast ngayon may trabaho na kaming pareho ni Eldie."

"Nagkasabay sabay kasi mga gastos. At lalo na yung pagpapagamot ni nanay" wika niya

Nagkaroon kasi ng cancer nanay niya.

Umabot hanggang buto.

Buti na lang cancer free na siya ngayon.

Habang masaya kaming nagkukwentuhan, niyakap ako bigla ni Myra.

Nagpasalamat.

"Salamat tol ha. Sa mga tulong."

"Dami ko na utang sayo. Pangako makakabawi rin ako sayo."

"Wala yun ano ka ba?" tanging tugon ko sa kanya

Nakarating kami ng bahay na may makita akong CRV na nakapark sa tapat.

Nagtaka ako kung sino.

Wala naman akong kamag-anak na may ari ng isang mamahaling sasakyan tulad ng 2008 model na SUV car.

Dagli dagli akong pumasok.

Nakita ko si ate at ang pinsan kong babae.

Natanaw ko rin ang kaibigan nilang si Joel.

At isang lalakeng nakatalikod.

Semi kalbo.

Payat.

Hindi familiar ang hulma ng ulo.

Pagkaharap, nakilala ko agad.

Si Kuya Allan.

Ang favorite kong ex bf ng ate ko.

Mahigit 15 taon na yata kaming hindi nagkikita.

Ang huling kita niya sa akin, bata pa ako.

At malamang ang naalala niya sa akin ang aking walang humpay na pagtambay sa tabi nila ng ate nung siya'y nanliligaw pa.

Ewan ko ba kung bakit nawalan ako ng pagkakataong magsalita ng mga panahong yun.

Dala siguro ng hiya at kalasingan hindi na ako nakapagtanong kung kumusta siya.

Ang tanging narinig ko lang sa kanya eh:

"Ang laki mo na Mart."

"Parang kahapon lang."

Oo parang kahapon lang ng may sipon pa ako sa ilong at muta sa mata.

Parang kahapon lang din ng magkaroon ako ng mabait na kuya sa katauhan niya.

Pero sayang hindi sila nagkatuluyan.

Hindi siya naging "kuya" legally.

Dagli dagli ko ng kinuha ang laptop at isinilid sa bag.

Mainit init pa.

Kakatanggal lang pala ni nanay sa outlet.

Habang nakikipagkwentuhan si Myra kay ate, nagtanong si Kuya Allan kung bakit kailangan kong dalhin ang lappy.

Nasabi ko lang na hazzle kung manggigising pa ako after ng inuman.

Naunawaan naman niya agad.

Hanggang ngayon, isa pa rin siyang mabait na kuya.

May concern sa bawat kilos ko at galaw.

Umalis na kami ni Myra pagkatapos.

Paalamanan sa mga iniwan sa bahay.

Nasa kalagitnaan ng kami ng paglalakad ng bigla akong sinumpong.

Lumabas na naman si Nepotetix.

Ang aking alter ego.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay.

Naisip ko kase ang CRV.

Pagkapasok sa gate, wala akong kaabog abog na nagtanong.

"Kanino yung CRV sa harap?"

"Sa akin." si Kuya Allan

"Bakit?" natanong niya

"Wala naman. May basag kase sa harapan."

"May kalakihan".

Pigil ang tawa ko.

Dahil sa totoo lang, hindi naman talaga basag.

Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaction nila.

Gagu ako eh.

At aminado ako dun!

:)

Posted by yebahboi 22:51 Archived in Philippines Comments (0)

Settle Down

sunny

getting_married.jpg

"Ikaw Mart, wala ka bang balak mag-asawa?" tanong ni ate habang binubuga ang usok galing sa sigarilyo

Muntik na akong mabulunan ng marinig ang tanong na yun.

Hindi ako makapagsalita.

Hindi ako makakibo.

Sa totoo lang, sa hinahaba haba ng usapan tungkol sa isyu ng pag-ibig at pag-aasawa sa mga oras na yon, hindi ako makarelate.

Sa unang pagkakataon, may nagtanong sa akin ng seryoso at straight forward na tanong.

Unti unti kong binaba ang baso ng alak sa lamesa.

"Wala akong balak mag-asawa." tugon ko

"Hindi ko rin balak lumagay sa tahimik."

"Nauuwi rin sa hiwalayan. Tulad mo."

"Bakit naman? Tumatanda kana" hirit niya

"Ewan ko. Wala pa isip ko ang pag-aasawa"

Kumuha ako ng sigarilyo at sinindihan ito.

"Matagal na naming napag-usapan ni pepeg magpakasal. Pero marami pa kaming priorities na dapat i consider."

"Lalo na siya." sabay buga ng usok

Sa pagkakataong ito, biglang umikot ang aking diwa.

Daming tanong ang pumasok sa isip ko.

Tama nga si ate.

Kailan nga ba ako mag-aasawa?

O mag-aasawa pa ba ako?

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan, saan at kung paano ako magpapakasal.

Sa edad na trenta, napagtanto ko na hindi na pala ako bata.

Kailangan ko ng bumuo ng pamilya.

Ng sarili kong pamilya.

Ngunit sa kabilang banda, naisip ko rin na marami rami rin akong mga kaibigan na mas matanda sa akin pero nananatiling single.

Not because they want to.

But because they prefer to be single.

Maybe i was also the same, age doesn't compromise the stage of getting married.

I want to get married when i am ready.

When i prepared enough to settle.

When i am financially, emotionally stable.

But the big question is.

When????

Hahahahahay.....

Posted by yebahboi 20:39 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 1 - 5 of 91) Page [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 .. »